Archive for the ‘Uncategorized’ Category

Tara! Simula ulit!

Posted: 02/07/2018 in Uncategorized

Bigla na lang sumagi sa isip ko.

Gusto kong magbigay ng inspirasyon. Gusto kong magmulat ng isipan. Gusto kong makapagturo mula sa aking karanasan.

Hindi ko alam kung may magbabasa. Hindi ko alam kung may makakapansin. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam. Kung may magbasa, salamat. Kung may matuto, mas maraming salamat. Kung may mamulat na isipan, aba, eh dagdag-pogi points sa akin yun. At kung may mapulot na inspirasyon, isang magandang impluwensya ang aking naibahagi at magkakaroon na tayo ng common experience, ng common ground na maaari nating pag-usapan kung sakaling magkita tayo at magkahuntahan.

Araw-araw, meron akong DYreklines sa Instagram, Twitter at Facebook. Kinukuha ko ito sa araw-araw na pagbabasa at pagmamasid. Mga mensaheng sumasagi sa isip at puso ko na gusto kong ibahagi sa lahat ng aking pamilya at kaibigan.

Salamat kung makukuha ko ang munti nyong panahon.

Salamat kung bibigyan nyo ng pansin ang mga aral na gusto ko lang namang ibahagi.

Salamat kung papayagan nyo ako ulit na pumasok sa inyong kamalayan.

Salamat.

Sana, subukan nating pakinggan ang isa’t isa.