wow!!!!!
it's been awhile...
not that i was on vacation...
infact it was everything but a vacation...
anyway...
galing ako ng maynila this past weeks...
OO, lumuwas ang probinsyanong ito...
ngayon lang naman ako nakapost dahil andito na ako ulit sa maliit na bayan namin sa probinsiyang itago natin sa pangalang "may mayon at may cwc"
at kahit nakaka internet din ako dun, di ako makapagpost dahil di ko kaya sa ibang computer magsulat...
anu nga ba ang ginawa ko sa maynila???(sasabihin ko na din kahit wala namang interesadong makaalam)
alam naman siguro ng nakararami na ako ay nabibilang sa ilang milyong unemployed sa pilipinas... at dahil sa ayaw kong magtrabaho bilang isang nurse, ang pinakamagandang gawin ay makipagsapalaran sa metro...
ngunit dahil sa katamaran na din siguro...
di ako nakahanap ng trabaho dahil di naman ako naghanap...
mabuti na lang at may mga bagay na pinagawa sa akin (mga family matters) kaya hindi naman nawalan ng saysay ang pagluwas ko...
nagawa ko naman lahat kaya ng matapos imbes na maghanap ng trabaho umuwi na lang ako dahil na din sa pagkahomesick...
oo... madali akong mahomesick...
tanda ko nung nagreview ako ng local board sa maynila...
sa ika limang araw ko pa lang, umiyak ako sa simbahan ng st jude, mabuti na lang at walang masyadong tao nun... kaya di naman nakakahiya… OK nakakahiya yun… (sino bang linoloko ko!)
hindi ako iyakin... madali lang mahomesick...
parang may ala separation anxiety disorder...
napansin nga ng mga kaibigan ko...
pag nagkikita kita kami... ayoko na sa bahay sila tumatambay dahil nalulungkot ako pag umaalis sila... pag kumakain naman kami sa labas gusto ko sabay sabay kaming umuuwi...
hindi ko alam...
kung totoo yung, "MAS MABUTI NA IKAW ANG UMALIS KAYSA IKAW ANG IWAN"
siguro nga totoo…
nung nasa manila ako sinamahan ko mga klasmeyt ko dati (yung mga gusto talagang maging nurse) na mag apply apply sa mga agency para maka pag abroad...
bago pa sa kanila, may mga klasmeyt at kaibigan na din akong naka alis na ng bansa... para mag trabaho... napag isip isip ko... parang ako lang ang kawawa...
tambay... at di nakapagtataka dahil di nga ako naghahanap ng trabaho... hay...
siguro nga kung iba ang course ko may trabaho na ako...
pero walang “what if” sa buhay...
naganap na ang naganap...
di na mababalikan ang nakaraan...
kaya... walang ibang pwedeng gawin kung hindi isipin ang ngayon...
hay buhay...
pahinga muna ako ngayon...
sa sunod na balik ko sa maynila...
maghahanap na ako ng trabaho...
hay...
BAHALA NA SI BATMAN!!!!
at ngayon...
ako ay aalis na dahil may nagtext sa akin kagabi,
isang kaibigan nung college na matagal ko ng di nakikita...
ililibre nya daw ako ngayon magsine ng harry potter with snacks...
sana nga with lunch pa kaya lang sama ng panahon dito sa amin...
sino ba naman ako para tumanggi...
best things in life are free ika nga...
kaya siguro, di na muna ako maghahanap ng trabaho at parang ok naman maging charity case ng mga mayayaman kung kaibigan...
sarap din pala ng buhay... paminsan minsan...