Teknikal-
Bokasyunal:
Layunin at Gamit
PAUNANG PAGTATAYA
1. _______ 1. Ano ang kasingkahulugan ng layunin
sa nilalaman ng teknikal bokasyunal na sulatin?
A. nais B. halaga C. intensyon D. kilos
• Krusigrama (Crossword). Bigyan ng pagpapakahulugan ang
bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang salita. At
ilagay ang salita sa loob ng kahon na nasa ibaba (isang letra
lang bawat kahon). At bumuo ng pangungusap gamit ang
salitang nabuo
_____________________ _____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________ _____________________
___ ___ ___ ___
Layunin, Gamit, at Katangian ng
Teknikal-Bokasyunal na Pagsulat
• Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay napakahalaga
sa paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa
propesyunal na pagsulat tulad ng ulat
panglaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga
dayagram. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang
bahagi ng industriya.
Layunin ng Teknikal-Bokasyunal
na sulatin
•1. Magbigay ng impormasyon. Isinusulat
ang deskripsyon upang bigyan ang
mambabasa ng impormasyon ukol sa
isang bagay o ng direksyon sa paggamit
ng isang produkto.
• 2. Magsuri. Ang sulatin ay binubuo upang
analisahin at ipaliwanag ang implikasyon ng
mga pangyayari upang magamit bilang
basehan ng mga pagdedesisyon sa
kasalukuyan at sa hinaharap.
• 3. Manghikayat. Kabilang sa layunin ay ang
kumbinsihin ang mambabasa o
pinatutungkulan nito. Bagaman kasama nito
ang layuning makapagbigay impormasyon.
Gamit ng Teknikal-Bokasyunal na
sulatin
1. Nagbibigay-ulat
Halimbawa: Ulat ng mga produktong
nailabas sa merkado o pamilihan
2. Nagbibigay-instruksyon
Halimbawa: Paraan at proseso sa pagbuo
ng isang produkto tulad paggawa ng
longganisa
3. Naghahain ng isang serbisyo o
produkto
Halimbawa: Paggawa ng layout ng
tarpaulin, pagkukumpuni ng mga sirang
computer, serbisyong ibinibigay ng salon
(manicure, hairdressing, make-up etc.)
4. Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon
Halimbawa: Pag-aalam sa tulong ng feasibility
study kung ang negosyong ito at papatok sa lugar
na nais itong itayo
5. Nagbibigay ng mga kinakailangang
impormasyon
Halimbawa: Natitiyak isasagawang
pananaliksik kung ano ang kailangan (basic
essentials) ng masa na maari mong maging
basehan sa pagtatayo ng negosyo
Katangian ng isang mahusay na
manunulat ng sulating teknikal-
bokasyunal
1. Mataas sa wika
2. Analitikal
3. Obhetibo. Naipaliliwanag ang isang paksa sa
malinaw, tiyak, at di-emosyunal na paraan.
4. Mataas ang kaalaman sa paksa
5. Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat
6. Sumusunod sa etikal na pamantayan
Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita
at gamitin ito sa sariling pangungusap.
Gawain 2 Pagkilala sa iba’t ibang teknikal-
bokasyunal na sulatin
Pumili ng isa sa sumusunod na halimbawa ng
sulating teknikal-bokasyunal at alamin ang
layunin, gamit, at katangian nito. Gamitin ang
Internet sa pagsasaliksik
Pagsagot sa mga tanong.
Punan ang hinihinging impormasyon sa
nakalaang patlang.
Kaligiran ng Layunin, Gamit, at Katangian ng
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
TAMA O MALI
1. Ang pangunahing layunin ng
teknikal-bokasyunal na pagsulat ay
magbigay ng impormasyon.
2. Ang teknikal-bokasyunal na sulatin
ay hindi ginagamit para magsuri ng
mga pangyayari.
3. Ang teknikal-bokasyunal na
pagsulat ay hindi mahalaga sa
industriya.
4. Isa sa mga layunin ng teknikal-
bokasyunal na pagsulat ay ang
manghikayat o kumbinsihin ang
mambabasa.
5. Hindi mahalaga ang batayang
kasanayan sa teknikal na pagsulat sa
anumang propesyonal na gawain.
7. Ang teknikal-bokasyunal na sulatin
ay mahalaga sa paghahanda ng mga
teknikal na dokumento para sa
kaunlaran ng teknolohiya.
8. Ang layunin ng teknikal-bokasyunal na
sulatin ay hindi kasama ang pagsusuri ng
mga implikasyon ng mga pangyayari.
PANAPOS NA PAGTATAYO
•Basahin ang mga tanong sa bawat
bilang at isulat sa patlang ang letra
ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng teknikal-
bokasyunal na sulatin na nagbibigay-ulat?
a) Paraan at proseso sa pagbuo ng isang produkto tulad
ng paggawa ng longganisa
b) Ulat ng mga produktong nailabas sa merkado o
pamilihan
c) Paggawa ng layout ng tarpaulin
d) Pagkukumpuni ng mga sirang computer
2. Aling uri ng teknikal-bokasyunal na sulatin ang
naghahain ng isang serbisyo o produkto?
a) Nagbibigay-instruksyon
b) Nagbibigay-ulat
c) Naghahain ng isang serbisyo o produkto
d) Nagbibigay ng mga kinakailangang
impormasyon
3. Ano ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin
na nag-aalam sa tulong ng feasibility study?
a) Nagbibigay-ulat
b) Naghahain ng isang serbisyo o produkto
c) Nagbibigay-instruksyon
d) Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisyon
4. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang
naglalarawan sa teknikal-bokasyunal na sulatin na
nagbibigay-instruksyon?
a) Pag-aalam sa tulong ng feasibility study
b) Paggawa ng layout ng tarpaulin
c) Paraan at proseso sa pagbuo ng isang produkto tulad
ng paggawa ng longganisa
d) Ulat ng mga produktong nailabas sa merkado o
pamilihan
5. Anong uri ng teknikal-bokasyunal na
sulatin ang nagtatampok ng mga serbisyo
tulad ng manicure, hairdressing, at make-
up?
a) Nagbibigay-ulat
b) Naghahain ng isang serbisyo o produkto
c) Nagbibigay-instruksyon
d) Nagsisilbing basehan ng mga
pagdedesisyon
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng teknikal-
bokasyunal na sulatin na nagbibigay ng
kinakailangang impormasyon?
a) Ulat ng mga produktong nailabas sa merkado o
pamilihan
b) Paraan at proseso sa pagbuo ng isang produkto tulad
ng paggawa ng longganisa
c) Pagkukumpuni ng mga sirang computer
d) Pananaliksik kung ano ang kailangan ng masa na
maaring maging basehan sa pagtatayo ng negosyo
7. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang
mahusay na manunulat ng sulating teknikal-
bokasyunal na nangangailangan ng mataas na
kasanayan sa paggamit ng wika?
a) Obhetibo
b) Mataas sa wika
c) Analitikal
d) Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat
8. Aling katangian ang nagpapakita ng
kakayahang suriin at pag-aralan ang mga
detalye sa sulatin?
a) Analitikal
b) Obhetibo
c) Mataas ang kaalaman sa paksa
d) Sumusunod sa etikal na pamantayan
9. Ano ang katangian ng manunulat na
naipaliliwanag ang isang paksa sa malinaw,
tiyak, at di-emosyunal na paraan?
a) Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat
b) Mataas sa wika
c) Obhetibo
d) Analitikal
9. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng
isang manunulat na may malalim na pag-
unawa sa paksang sinusulat?
a) Mataas ang kaalaman sa paksa
b) Mataas sa wika
c) Sumusunod sa etikal na pamantayan
d) Obhetibo
10. Anong katangian ng mahusay na manunulat ang
nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin at
alituntunin sa pagsusulat?
a) Obhetibo
b) Mahusay sa kumbensyon sa pagsulat
c) Analitikal
d) Mataas sa wika
11. Ano ang katangian ng isang manunulat na
sumisigurong sumusunod sa tamang
pamantayan ng etika sa pagsusulat?
a) Mataas sa wika
b) Sumusunod sa etikal na pamantayan
c) Analitikal
d) Mataas ang kaalaman sa paksa