Ang pagbasa ay ang proseso ng pagkilala at pagkuha ng mga ideya mula sa mga nakalimbag na simbolo. Mahalaga ang pagbasa dahil ito ay nagpapataas ng kaalaman, nagpapalawak ng talasalitaan, at nagbibigay ng inspirasyon. May iba't ibang uri ng pagbabasa na naaayon sa layunin ng mambabasa, tulad ng iskiming, iskaning, at masuring pagbasa.