Republic ofthe Philippines
DepartmentofEducation
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO CUYAPO WEST ANNEX
CUYAPO NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. BULALA, CUYAPO, NUEVA ECIJA
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
BAITANG 11
Ika-13 ng Hunyo, 2022
Inihanda ni:
ANGELICA D. GARGANTA
APLIKANTE
Masusing Banghay Aralin sa Baitang 11
I. LAYUNIN
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino
PAMANTAYANG
PAGGANAP
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa
aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86 (K to 12 MELC)
MGA DETALYADONG
KASANAYAN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga barayti ng wika
B. Nabibigyang-halaga ang pagtatanggap at paggalang sa iba’t ibang
barayti ng wikang ginagamit ng iba’t ibang tao
C. Naisasagawa ang mga gawain nang may pagkamalikhain at
kahusayan
II. NILALAMAN
A. Paksa: Mga Barayti ng Wika
B. Sanggunian: Dayag, Alma M. at del Rosario at Mary Grace G. Pinagyamang
Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino, pahina 41-57
C. Kagamitan: Laptop, LCD Projector, Bluetooth Speaker
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral
Panalangin
Bago tayo magsimula, maaari bang tumayo ang lahat para
sa isang maikling panalangin.
Lora, pakipangunahan mo ang panalangin.
Magandang umaga sa inyo.
Tatayo ang mga mag-aaral para sa
isang maikling panalangin.
Magandang umaga rin po sa inyo
Bb. Chavez
GURO: Angelica D. Garganta BAITANG: 11
PETSA: ika-13 ng Hunyo, 2022 ASIGNATURA: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
PANGKAT: MARKAHAN:
Maaari na kayong magsiupo.
Pagtala ng liban sa klase
Klase, wala bang liban sa araw na ito?
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang paksang
tinalakay. Pakibasa ang panuto sa gawain.
1. H O _ O _ E N _ _ S
- Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na
gumagamit ng isang wika.
SAGOT: HOMOGENOUS
2. H _ _ E _ _G E _ O U _
- Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t
ibang salik panlipunan tulad ng edad,
hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag- aralan,
kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat-
etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong
komunidad.
SAGOT: HETEROGENOUS
2. Pagganyak
“Ano ang sasabihin mo?”.
Paano mo kakausapin o babatiin ang mga kaibigan o
kakilala mong nakasalubong sa paaralan? Ipakita sa klase
ang paraan ng iyong pagbati sa mga sumusunod.
Sino ang nais sumagot? Subukin mo, Rose.
Salamat po, Binibini.
Wala po. Lahat po ay narito,
Binibini.
Mga mag-aaral: Punan ang bawat
patlang ng nawawalang letra upang
malaman at makuha ang hinihinging
sagot.
Babasahin at sasagutan ng mag-
aaral ang inihandang gawain.
1. H O _ O _ E N _ _ S
- Ito ang pare- parehong
magsalita ang lahat na
gumagamit ng isang wika.
SAGOT:
HOMOGENOUS
2. H _ _ E _ _G E _ O U _
- Ito ang pagkaiba- iba ng
wika sanhi ng iba’t ibang
salik panlipunan tulad ng
edad, hanapbuhay o
trabaho, antas ng pinag-
aralan, kalagayang lipunan,
rehiyon o lugar, pangkat-
etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong
komunidad.
SAGOT:
HETEROGENOUS
Babatiin ko ang aking kaibigang
sosyal nang ganito, “Hi sizzum,
how are you na?”
Ang mga mag-aaral ay nagtataas
ng kamay.
Mahusay! Kung ang guro naman ang inyong
nakasalubong, paano mo naman siya babatiin?
Ikaw naman Gab, sa iyong kaibigang beki?
Magaling! Paano naman ninyo babatiin ang iyong
kaibigang tubong probinsya? Pakinggan naman natin si
Lea.
Maaari mo bang ibahagi sa klase ang wikang iyong
ginamit? At ang ibig sabihin nito?
Salamat sa ibinahagi mo, Lea. Bago sa pandinig ng
marami.
Matapos sagutan ang gawain, bakit kahit
magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang
paraan ng iyong pagbati sa mga taong nabanggit? Sa
iyong palagay Joel, bakit kaya?
Tumpak! Samakatuwid, ano ang pinatutunayan nito sa
paggamit natin ng wika?
Dahil binanggit ni Allan ang salitang barayti, totoong
hindi maiiwasan ang pagkakaroon nito dahil sa
pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang
lugar na may naiibang kaugalian at kultura. At iyan ang
pangunahing paksang pag-uusapan natin ngayong araw.
Halina’t talakayin at isa-isahin natin ang mga barayti ng
wika.
Jessa: Magandang umaga po Gng.
Cuaresma.
Gab: Majundang jumaga mga beks!
Ano ney? Ano ng eksena?
Lea: Anya, kumusta kan? Tatta ta
lang manen nagkitan!
Lea: Ang wikang ginamit ko po ay
Ilokano na ang ibig sabihin ay
“Ano, kumusta ka na? Ngayon lang
ulit tayo nagkita!
Ang mga mag-aaral ay nagtataas
ng kamay.
Joel: Para sa akin, nakadepende ang
pakikipag-usap sa taong kaharap at
sitwasyon. Nakaaapekto rin ang
edad, hanapbuhay, antas ng pinag-
aralan, kasarian, kalagayang
panlipunan, rehiyon o pangkat na
kinabibilangan.
Allan: Pinatutunayan nito na sa
paggamit ng wika ay may
pagkakaiba, maging sa pagbigkas at
pagsasalita ay nagkakaroon din ng
barayti.
B. Paglalahad ng Paksa
Alamin at unawain ang iba’t ibang barayti ng wika sa
pamamagitan ng inihanda kong video. Handa na ba
kayong manood at makinig?
Opo.
Pagpapanood ng video
https://www.youtube.com/watch?v=AlsD_RpFhqg&t=7s Tahimik na nanonood ang mga
mag-aaral.
C. Pagtalakay sa Paksa
Naunawaan ba ang video na inyong pinanood?
Kung gayon, subuking sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Una, ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba
o ng mga barayti ng wika? Pangunahan mo nga, Annika.
Mahusay na kasagutan. Ipagpatuloy ang pagiging aktibo
sa klase.
Ikalawang tanong, ano ang dayalek? ang sosyolek? ang
idyolek? Ibigay ang kahulugan ng mga ito. Alalahanin
nga ang mga kahulugan sa video na iyong pinanood,
Brandon.
Mahusay, Brandon! Paano nagkakaiba ang pidgin at
creole? Ihambing ang dalawang ito. Sige nga, Megan.
Opo
Nagtataas ng kamay ang mga mag-
aaral.
Annika: Ang ilan sa mga salik na
pinagmumulan ng barayti ng wika
ay ang edad, hanapbuhay o trabaho,
antas ng pinag-aralan, kasarian,
kalagayang panlipunan, rehiyon, at
pangkat na kinabibilangan.
Brandon: Ang dayalek ay
nakadepende sa dimenyong
heograpikal. Ito ay ginagamit sa
isang partikular na lugar o rehiyon.
Sosyolek naman po ang tawag sa
wikang nakadepende sa
dimensyong sosyal o sa pangkat na
kinabibilangan ng tao sa isang
komunidad. At ang idyolek naman
po ay barayti ng wikang
kinakikitaan ng kakaibang paraan sa
pagsasalita.
Megan: Ang pidgin ay wikang
walang pormal na estruktura. Ito ay
nabubuo dahil ang taong nagsasalita
ay walang karaniwang wikang
magamit gaya po ng mga Intsik na
nagsasalita ng wikang Filipino.
Samantalang ang creole naman ay
nabuong wikang mula sa pidgin. Sa
madaling sabi, ang creole ay isang
pidgin na naging likas sa paglipas
ng panahon.
Paano mo mailalarawan ang iyong idyolek? Paano naiiba
ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong
nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo?
Saang lalawigan ka man nakatira ay tiyak na gumagamit
at nakaiintindi ka at mga kababayan mo ng Tagalog. Sa
paanong paraan naiiba ang pagsasalita ninyo ng Tagalog
sa inyong lalawigan o rehiyon sa pagsasalita ng mga taga-
Maynila o ng ibang mga pangkat na gumagamit din ng
wikang Tagalog? Pakinggan natin si Mark.
Paano makatutulong ang iyong kaalaman ukol sa barayti
ng wika sa pang-araw-araw mong pakikisalamuha sa
iyong kapwa? Pakinggan natin si Anabel.
Napakagaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.
Talaga nga namang hindi n’yo ako binigo sa galing na
inyong ipinakita sa araw na ito.
Marlon: Bilang kabataang kabilang
sa Generation Z, masasabi kong
malaki ang nagiging epekto ng
paggamit ng social media sa wikang
aking sinasalita. Mahilig akong
magbitiw ng mga salitang naririnig
ko sa iba’t ibang social media apps
gaya ng share ko lang ‘no, sana all,
“beke nemen” nang may katinisan
at kalakasan.
Mark: Ako po ay Taga-Guimba at
ang unang wika ko ay Tagalog.
Masasabi kong naiiba ang aksent o
punto ng Tagalog-Guimba kung
ikukumpara sa Tagalog-
CALABARZON. May ilang mga
salitang Tagalog sa bahagi ng
CALABARZON ang hindi ko agad
nauunawaan gaya ng kidya
(kalamansi), latiti (putikan) at
marami pang iba.
Anabel:Lubos na makatutulong ito
sa wasto at tamang paraan ng
pakikipag-usap na naaayon sa kung
sino ang aking nakakasalamuha.
Makatutulong ito upang higit kong
maunawaan ang kanilang
personalidad sa pamamagitan ng
barayti ng wikang kanilang
sinasalita.
D. Pangkatang Gawain
Bibigyan ng guro ng limang minuto ang mga mag-aaral
upang makapaghanda sa presentasyon ng itinakdang
pangkatang gawain.
Unang Pangkat:
Sumulat ng maikling dayalogong ginagamitan ng iba’t
ibang barayti ng wika. Ang dayalogo ay nararapat na
hindi bababa sa sampung linya na may isa o higit pang
Isasagawa ng mga mag-aaral ang
gawaing nakaatang sa kanilang
pangkat.
barayti ng wika na pumapaksa sa usaping pampamilya o
pangkaibigan.
Ikalawang Pangkat:
Ilarawan ang iyong sariling bayang pinagmulan. Mula sa
mga salitang pinagsama-sama, lumikha ng isang awiting
nagpapakilala ng iyong wika at bayang kinalakhan.
Itanghal ito sa klase.
Ikatlong Pangkat:
Sa pamamagitan ng poster slogan, ibigay ang
kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
barayti ng wikang ginagamit ng iba’t ibang tao sa paligid.
Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain
E. Sintesis/Paglalahat
Punan ang 3-2-1 Chart. Sasagot ang piling mga mag-aaral.
IV. EBALWASYON O PAGTATAYA
Batay sa iyong kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung sa anong
barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon.
1. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang
malutong niyang “Ah ha ha! Okay! Darla! Halika!”
2. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo
bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng
isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng
sinuman sa kanila.
3. Ang ilan sa mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang
kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika
ng mga naging anak nila.
4. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niyang si Danilo a.k.a
“Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.
5. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae
sa unahan. Narinig niya sa usapan ang salitang lesson plan, quiz, essay, at grading
sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
V. TAKDANG-ARALIN
Saliksikin ang iba’t ibang tungkulin ng wikang ayon kay M.A.K Halliday. Isulat
ang sagot sa kwaderno.

BARAYTI NG WIKA.docx

  • 1.
    Republic ofthe Philippines DepartmentofEducation REGIONIII – CENTRAL LUZON SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA SDO CUYAPO WEST ANNEX CUYAPO NATIONAL HIGH SCHOOL BRGY. BULALA, CUYAPO, NUEVA ECIJA MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO BAITANG 11 Ika-13 ng Hunyo, 2022 Inihanda ni: ANGELICA D. GARGANTA APLIKANTE
  • 2.
    Masusing Banghay Aralinsa Baitang 11 I. LAYUNIN PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa lipunang Pilipino PAMANTAYANG PAGGANAP Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad KASANAYANG PAMPAGKATUTO Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86 (K to 12 MELC) MGA DETALYADONG KASANAYAN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga barayti ng wika B. Nabibigyang-halaga ang pagtatanggap at paggalang sa iba’t ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba’t ibang tao C. Naisasagawa ang mga gawain nang may pagkamalikhain at kahusayan II. NILALAMAN A. Paksa: Mga Barayti ng Wika B. Sanggunian: Dayag, Alma M. at del Rosario at Mary Grace G. Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, pahina 41-57 C. Kagamitan: Laptop, LCD Projector, Bluetooth Speaker III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawain ng Guro Gawain ng Mag-Aaral Panalangin Bago tayo magsimula, maaari bang tumayo ang lahat para sa isang maikling panalangin. Lora, pakipangunahan mo ang panalangin. Magandang umaga sa inyo. Tatayo ang mga mag-aaral para sa isang maikling panalangin. Magandang umaga rin po sa inyo Bb. Chavez GURO: Angelica D. Garganta BAITANG: 11 PETSA: ika-13 ng Hunyo, 2022 ASIGNATURA: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PANGKAT: MARKAHAN:
  • 3.
    Maaari na kayongmagsiupo. Pagtala ng liban sa klase Klase, wala bang liban sa araw na ito? A. Panimulang Gawain 1. Balik-Aral Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang paksang tinalakay. Pakibasa ang panuto sa gawain. 1. H O _ O _ E N _ _ S - Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika. SAGOT: HOMOGENOUS 2. H _ _ E _ _G E _ O U _ - Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag- aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad. SAGOT: HETEROGENOUS 2. Pagganyak “Ano ang sasabihin mo?”. Paano mo kakausapin o babatiin ang mga kaibigan o kakilala mong nakasalubong sa paaralan? Ipakita sa klase ang paraan ng iyong pagbati sa mga sumusunod. Sino ang nais sumagot? Subukin mo, Rose. Salamat po, Binibini. Wala po. Lahat po ay narito, Binibini. Mga mag-aaral: Punan ang bawat patlang ng nawawalang letra upang malaman at makuha ang hinihinging sagot. Babasahin at sasagutan ng mag- aaral ang inihandang gawain. 1. H O _ O _ E N _ _ S - Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika. SAGOT: HOMOGENOUS 2. H _ _ E _ _G E _ O U _ - Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag- aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad. SAGOT: HETEROGENOUS Babatiin ko ang aking kaibigang sosyal nang ganito, “Hi sizzum, how are you na?” Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng kamay.
  • 4.
    Mahusay! Kung angguro naman ang inyong nakasalubong, paano mo naman siya babatiin? Ikaw naman Gab, sa iyong kaibigang beki? Magaling! Paano naman ninyo babatiin ang iyong kaibigang tubong probinsya? Pakinggan naman natin si Lea. Maaari mo bang ibahagi sa klase ang wikang iyong ginamit? At ang ibig sabihin nito? Salamat sa ibinahagi mo, Lea. Bago sa pandinig ng marami. Matapos sagutan ang gawain, bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang paraan ng iyong pagbati sa mga taong nabanggit? Sa iyong palagay Joel, bakit kaya? Tumpak! Samakatuwid, ano ang pinatutunayan nito sa paggamit natin ng wika? Dahil binanggit ni Allan ang salitang barayti, totoong hindi maiiwasan ang pagkakaroon nito dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at kultura. At iyan ang pangunahing paksang pag-uusapan natin ngayong araw. Halina’t talakayin at isa-isahin natin ang mga barayti ng wika. Jessa: Magandang umaga po Gng. Cuaresma. Gab: Majundang jumaga mga beks! Ano ney? Ano ng eksena? Lea: Anya, kumusta kan? Tatta ta lang manen nagkitan! Lea: Ang wikang ginamit ko po ay Ilokano na ang ibig sabihin ay “Ano, kumusta ka na? Ngayon lang ulit tayo nagkita! Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng kamay. Joel: Para sa akin, nakadepende ang pakikipag-usap sa taong kaharap at sitwasyon. Nakaaapekto rin ang edad, hanapbuhay, antas ng pinag- aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o pangkat na kinabibilangan. Allan: Pinatutunayan nito na sa paggamit ng wika ay may pagkakaiba, maging sa pagbigkas at pagsasalita ay nagkakaroon din ng barayti. B. Paglalahad ng Paksa Alamin at unawain ang iba’t ibang barayti ng wika sa pamamagitan ng inihanda kong video. Handa na ba kayong manood at makinig? Opo.
  • 5.
    Pagpapanood ng video https://www.youtube.com/watch?v=AlsD_RpFhqg&t=7sTahimik na nanonood ang mga mag-aaral. C. Pagtalakay sa Paksa Naunawaan ba ang video na inyong pinanood? Kung gayon, subuking sagutin ang mga sumusunod na tanong. Una, ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wika? Pangunahan mo nga, Annika. Mahusay na kasagutan. Ipagpatuloy ang pagiging aktibo sa klase. Ikalawang tanong, ano ang dayalek? ang sosyolek? ang idyolek? Ibigay ang kahulugan ng mga ito. Alalahanin nga ang mga kahulugan sa video na iyong pinanood, Brandon. Mahusay, Brandon! Paano nagkakaiba ang pidgin at creole? Ihambing ang dalawang ito. Sige nga, Megan. Opo Nagtataas ng kamay ang mga mag- aaral. Annika: Ang ilan sa mga salik na pinagmumulan ng barayti ng wika ay ang edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon, at pangkat na kinabibilangan. Brandon: Ang dayalek ay nakadepende sa dimenyong heograpikal. Ito ay ginagamit sa isang partikular na lugar o rehiyon. Sosyolek naman po ang tawag sa wikang nakadepende sa dimensyong sosyal o sa pangkat na kinabibilangan ng tao sa isang komunidad. At ang idyolek naman po ay barayti ng wikang kinakikitaan ng kakaibang paraan sa pagsasalita. Megan: Ang pidgin ay wikang walang pormal na estruktura. Ito ay nabubuo dahil ang taong nagsasalita ay walang karaniwang wikang magamit gaya po ng mga Intsik na nagsasalita ng wikang Filipino. Samantalang ang creole naman ay nabuong wikang mula sa pidgin. Sa madaling sabi, ang creole ay isang pidgin na naging likas sa paglipas ng panahon.
  • 6.
    Paano mo mailalarawanang iyong idyolek? Paano naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit mo? Saang lalawigan ka man nakatira ay tiyak na gumagamit at nakaiintindi ka at mga kababayan mo ng Tagalog. Sa paanong paraan naiiba ang pagsasalita ninyo ng Tagalog sa inyong lalawigan o rehiyon sa pagsasalita ng mga taga- Maynila o ng ibang mga pangkat na gumagamit din ng wikang Tagalog? Pakinggan natin si Mark. Paano makatutulong ang iyong kaalaman ukol sa barayti ng wika sa pang-araw-araw mong pakikisalamuha sa iyong kapwa? Pakinggan natin si Anabel. Napakagaling! Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili. Talaga nga namang hindi n’yo ako binigo sa galing na inyong ipinakita sa araw na ito. Marlon: Bilang kabataang kabilang sa Generation Z, masasabi kong malaki ang nagiging epekto ng paggamit ng social media sa wikang aking sinasalita. Mahilig akong magbitiw ng mga salitang naririnig ko sa iba’t ibang social media apps gaya ng share ko lang ‘no, sana all, “beke nemen” nang may katinisan at kalakasan. Mark: Ako po ay Taga-Guimba at ang unang wika ko ay Tagalog. Masasabi kong naiiba ang aksent o punto ng Tagalog-Guimba kung ikukumpara sa Tagalog- CALABARZON. May ilang mga salitang Tagalog sa bahagi ng CALABARZON ang hindi ko agad nauunawaan gaya ng kidya (kalamansi), latiti (putikan) at marami pang iba. Anabel:Lubos na makatutulong ito sa wasto at tamang paraan ng pakikipag-usap na naaayon sa kung sino ang aking nakakasalamuha. Makatutulong ito upang higit kong maunawaan ang kanilang personalidad sa pamamagitan ng barayti ng wikang kanilang sinasalita. D. Pangkatang Gawain Bibigyan ng guro ng limang minuto ang mga mag-aaral upang makapaghanda sa presentasyon ng itinakdang pangkatang gawain. Unang Pangkat: Sumulat ng maikling dayalogong ginagamitan ng iba’t ibang barayti ng wika. Ang dayalogo ay nararapat na hindi bababa sa sampung linya na may isa o higit pang Isasagawa ng mga mag-aaral ang gawaing nakaatang sa kanilang pangkat.
  • 7.
    barayti ng wikana pumapaksa sa usaping pampamilya o pangkaibigan. Ikalawang Pangkat: Ilarawan ang iyong sariling bayang pinagmulan. Mula sa mga salitang pinagsama-sama, lumikha ng isang awiting nagpapakilala ng iyong wika at bayang kinalakhan. Itanghal ito sa klase. Ikatlong Pangkat: Sa pamamagitan ng poster slogan, ibigay ang kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba’t ibang tao sa paligid. Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain E. Sintesis/Paglalahat Punan ang 3-2-1 Chart. Sasagot ang piling mga mag-aaral. IV. EBALWASYON O PAGTATAYA Batay sa iyong kaalaman, pananaw, at mga karanasan, tukuyin kung sa anong barayti ng wika nabibilang ang sumusunod na mga pahayag o sitwasyon. 1. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah ha ha! Okay! Darla! Halika!” 2. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
  • 8.
    3. Ang ilansa mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila. 4. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niyang si Danilo a.k.a “Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa. 5. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam na niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya. V. TAKDANG-ARALIN Saliksikin ang iba’t ibang tungkulin ng wikang ayon kay M.A.K Halliday. Isulat ang sagot sa kwaderno.