Pagkatapos ng talakayan,ang mag-aaral ay inaasahang:
MGA
LAYUNIN:
• Natutukoy ang iba't ibang anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas;
• Naipapakita ang pagpapahalaga sa kagandahan ng kalikasan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng positibong komento sa mga
larawan ng anyong lupa at tubig;
• Nakapagsusulat ng maikling talata tungkol sa karanasan sa
pagbisita sa isang anyong lupa o tubig.
Panginoon naming Diyos,
Salamatpo sa bagong araw na ito at
sa pagkakataong makapag-aral kami.
Gabayan Mo po kami sa aming pag-
aaral, bigyan ng kaliwanagan ang
aming isipan, at patatagin ang aming
puso upang maging masipag at
matiyaga.
Nawa’y magamit namin ang aming
kaalaman para sa kabutihan ng lahat.
Amen.
Ano ang
Anyong Lupa?
Anganyong lupa ay ang iba't ibang hugis o
anyo ng ibabaw ng lupa. Ito ang mga bahagi
ng kalupaan na makikita natin tulad ng
bundok, burol, kapatagan, lambak, at
disyerto. Sa madaling salita, ang anyong
lupa ay ang mga natural na anyo o porma ng
lupa sa mundo.
7.
isang lugar kungsaan walang pagtaas
o pagbaba ng lupa, patag at pantay
ang lupa rito. Maaaring itong taniman
ng mga palay,mais,at gulay.
KAPATAGAN
8.
isang pagtaas nglupa sa daigdig,
may matatarik na bahagi at hamak
na mas mataas kaysa burol.
BUNDOK
9.
Mga Bundok saPilipinas
Bundok Banahaw Bundok Apo
Bundok Arayat Bundok Batulao
10.
higit na masmababa ito kaysa bundok.
Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng
mga luntiang damo sa panahon ng tag-
ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay
tsokolate.
BUROL
Ano ang
Anyong Tubig?
Anganyong tubig ay mga bahagi ng
kalikasan na puno ng tubig. Ito ang mga
lugar kung saan makikita natin ang tubig
tulad ng dagat, ilog, lawa, sapa, at
karagatan. Sa madaling salita, ang anyong
tubig ay mga natural na anyo ng tubig sa
mundo na nagbibigay buhay at tirahan sa
mga isda at iba pang hayop.