S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
DIVISION OF NAVOTAS CITY
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ikalawang Markahan
9
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Apple C. Raflores, Relly G. Castro, Jann Rencille B. Quinto, Vanessa O. Lanot
Editor: Eloisa S. Sanchez, Josefina B. Del Rosario, Apple C. Raflores, Vanessa O. Lanot,
Relly G. Castro, Glenilda C. Idian
Tagasuri: Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP
Tagaguhit: Apple C. Raflores, Jann Rencille B. Quinto, Eric De Guia - BLR Production Division
Tagalapat: Melody Z. De Castro, Vanessa O. Lanot, Jann Rencille B. Quinto, Fritzie Ann F. Garcia
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS
02-8332-77-64
navotas.city@deped.gov.ph
Nilalaman
Subukin.......................................................................................1
Modyul 1......................................................................................4
Modyul 2......................................................................................14
Modyul 3......................................................................................23
Modyul 4......................................................................................33
Tayahin .......................................................................................41
Susi sa Pagwawasto......................................................................44
Sanggunian..................................................................................45
1
Panuto: Bago ka magpatuloy sa pagtuklas ng modyul na ito, subukin mong sagutin
ang mga sumusunod na katanungan upang tayahin kung ano na ang nalalaman mo
tungkol sa aralin. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka-
angkop na sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno o sagutang papel.
1. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan.
A. Karapatang Mabuhay
B. Karapatang Magtrabaho
C. Karapatang Magpakasal
D. Karapatang Magkaroon ng Ari-Arian
2. Ang tungkulin bilang tugon sa karapatang pantao ay hindi para sa sarili
lamang. Ang pahayag ay:
A. TAMA, dahil ang tao ay hindi nabubuhay ng mag-isa.
B. TAMA, sapagkat mahalagang isaalang-alang ng tao na maging ang
kaniyang kapwa ay may mga karapatang taglay na hindi niya dapat
malabag
C. MALI, mahalagang unahin ng tao ang sarili kaysa sa kapwa
D. MALI, ang tao ay dapat isulong ang pansariling interes bago ang
kapakanan ng iba
3. Alin sa sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng ugnayan ng
karapatan at tungkulin?
A. Karapatan ng tao ang magpahayag ng opinyon; Tungkulin niyang
gawin ito kahit nakakasakit ng kalooban sa ngalan ng katotohanan.
B. Karapatan ng tao ang magkaroon ng ari-arian; Tungkulin niyang
ipamana ito sa kaniyang pamilya.
C. Karapatan ng tao na mabuhay; Tungkulin niyang siguruhin na
alagaan ang kaniyang sarili
D. Karapatan ng tao mag-asawa; Tungkulin niyang magkaroon ng mga
anak.
4. Likas na sa tao ang hangarin ang mabuti. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil likas na sa tao ang maging makatao o panig sa tao.
B. Tama, dahil walang sinuman ang naghahangad ng masama sa
kaniyang kapuwa.
C. Mali, dahil napag-aaralan ang pagiging mabuti
D. Mali, dahil tinutumbasan lamang ng tao ang mabuting ginawa ng
kapuwa sa kaniya.
2
5. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil ____________
A. Umaayon sa lahat panahon at pagkakataon.
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.
6. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa MALIBAN sa:
A. Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may
pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.
C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangailangan ng kapwa.
D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa at pagkamalikhain
7. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa
MALIBAN kay:
A. Carol na isang kompositor ng awit sa isang sikat na Recording
Company. Iginugugol niya ang kaniyang oras sa loob ng kaniyang
silid upang makatapos ng isang obra.
B. Si Jonas na araw-araw nangongolekta ng basura sa kaniyang mga
kapit-bahay kapalit ng barya. Dito niya kinukuha ang pambili nila
ng bigas at pantustos sa kaniyang pag-aaral.
C. Si Richard ay kinupkop ng kaniyang tuyihin bilang kapalit ng
kaniyang pagtira sa mga ito ay kailangan niyang araw-araw na
magbantay sa kanilang maliit na tindahan sa Pamilihang Bayan.
D. Mang Arthur na matagal na manunulat sa pahayagan. Hindi
lamang siya naglilingkod bilang peryodista bagkus ay nagbibigay
din siya ng suporta at mungkahi sa kaniyang mga bagitong
kasamahan kung paano mapaghuhusay ang kanilang balita.
8. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
D. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
3
9. Ano ang isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa at sa lipunan kung saan ibinibigay ang sarili na hindi naghihintay ng
anumang kapalit?
A. Pakikilahok
B. Bolunterismo
C. Paggawa
D. Pananagutan
10.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahulugan ng pakikilahok?
A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng
lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.
B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o
pwersahin ang tao upang isagawa ito.
C. Ang pakikilahok ay pagtulong kapag walang ginagawa.
D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan
sa kapwa.
4
MODYUL 1
Marahil ay pamilyar ka sa “superhero” na si SUPERMAN. Maaaring napanood
mo na siya sa pelikula o kaya naman ay nabasa ang istorya sa Marvel Komiks. Alam
mo ba na ang sumulat ng naturang komiks na ito ay si Stan Lee? Isa sa mga madalas
sabihin ni Lee ay ang mga katagang, “With great power comes great responsibility.”
Subalit ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating aralin ngayon?
Sa Modyul 4 noong unang markahan ay natutunan mo na ang Lipunang Sibil
ay inorganisa upang tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan na bigong
tugunan ng pamahalaan kaya sila ay nagsusulong ng iba’t-ibang programa o kaya
ay nagpapasimula ng isang kilos-protesta upang ito ay mabigyan ng solusyon.
Ngunit, saan nga ba nag-uugat ang kilos na ito ng lipunang sibil? Ano nga kaya ang
tunay nilang ipinaglalaban at isinusulong?
Sa araling ito, ay malalaman mo ang iyong mga karapatan at tungkulin.
Gayundin, mauunawaan mo kung ano ang epekto ng hindi tamang paggamit ng
iyong karapatan.
Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo din ang mga sumusunod
na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,
paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
3. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na
kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin
at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan,
baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
5
Aralin
1
Karapatan at Tungkulin
Noong ikaw ay nasa ika-7 baitang, napag-aralan mo na ang pantay na
karapatan ng tao. Natutunan mo na rin na ang dignidad ang siyang pangunahing
batayan kung bakit ang tao ay pantay sa kaniyang kapwa. Ito ang siyang
nagpapabukod-tangi sa isang indibidwal kaya siya ay may kakayahang mag-isip at
pumili ng mabuti. Ang dignidad ay isa sa batayan kung bakit ang tao ay may
karapatan.
Ngunit ano nga ba ang karapatan? Bakit mahalagang may kaakibat itong
tungkulin?
Sa modyul na ito, malalaman mo kung paano ipapakita ang paggalang sa
karapatan ng tao. Maiisa-isa mo rin ang mga pamamaraan upang maipamalas ito.
Gayundin ay mauunawaan mo kung ano ang kailangan upang matamasa ito ng may
pananagutan.
KARAPATAN AT TUNGKULIN
Ang pagkatao ng isang tao ayon kay Dr. Manuel Dy, sa kaniyang artikulong
pinamagatang, “Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa
Pagpapakatao”, ay ang pagiging sino ng tao, ang paglikha ng bukod-tanging sarili.
Dagdag pa rito, “ang sarili ang persona na binubuo ng iba’t ibang kamalayan:
kamalayang mag-isip, kamalayang makiramdam, kamalayang kumilos, kamalayang
magwika”. Ang mga kamalayang ito ay nagbibigkis upang magkaroon ng
patutunguhan ang halaga ng tao. Sa halaga ng tao nakabatay ang kaniyang
dignidad.
Ang tao ay may malalim na kahulugan at pinagmulan. Ang halaga ng tao ay
nasa kaniyang dignidad bilang isang nilikha ng Banal na Nilalang. Bilang isang tao,
siya ay may angking karapatan. Ang simulain o ugat ng mga karapatang pantao ay
masusumpungan o makikita sa dignidad na taglay ng bawat tao. Dahil din sa
dignidad na ito, ang bawat tao ay mayroong karapatan.
6
KARAPATAN
Ang karapatan ay tumutukoy sa kung ano ang nararapat o dapat para sa
isang nilalang o bagay. Kung ang karamihan ay nakatanggap kung ano ang dapat
para sa kaniya, doon uusbong ang tinatawag na hustisya.
Ang karapatan bilang isang kapangyarihang moral ay tao ang makikinabang
sapagkat tao lamang din ang makagagawa ng isang moral na kilos. Ito ay ang
kapangyarihan na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kaniyang buhay. Ito ay moral sapagkat hindi ito sapilitan na
dapat ibigay sa tao ng kaniyang kapwa. Ang mga karapatan na itinakda ng tao sa
lipunan ay nakabatay din sa Likas na Batas Moral at sa kadahilanang ito ay may
obligasyon ang tao sa kaniyang kapwa na igalang ito at hindi labagin ang karapatan
na mayroon sila.
MGA URI NG KARAPATAN
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may anim na uri ng karapatan na hindi
maaalis (inalienable). Ito ay ang mga sumusunod:
1. Karapatan sa Buhay – Ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan
sapagkat kung wala ito ay hindi maisasagawa ng tao ang iba pa niyang
karapatan. Mahalaga ang paggalang sa dignidad sapagkat ito ay pagpapakita
ng paggalang sa buhay.
2. Karapatan sa Pribadong Ari-Arian – Ito ay karapatang hindi maiaalis sa tao
dahil kailangan niya ang mga ito upang siya ay mabuhay ng maayos.
3. Karapatang Magpakasal – Ang tao ay may kalayaan na bumuo ng sarili
niyang pamilya at pumili ng taong makakatuwang niya sa habang-buhay.
4. Karapatang Pumunta sa Ibang Lugar – Kasama sa karapatang ito ang
paglipat o pagtira sa lugar na may oportunidad upang magkaroon ang tao ng
komportableng pamumuhay at ligtas sa anumang panganib.
5. Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya – Upang
mapaunlad ang kaniyang sarili at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa, may
karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na nais niyang aniban.
6. Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay – Ang tao ay may karapatang
magtrabaho sa bansa o sa ibang bansa kung kaniyang nanaisin lalo na at
may oportunidad upang mapaunlad niya ang estado ng kaniyang
pamumuhay.
7
ANG KARAPATANG PANTAO
Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao
tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa, at sa dignidad niya bilang tao. Marami sa
mga ito ang ginawa nang batas upang mapangalagaan ang bawat tao sa mundo.
Ngunit isaisip na nararapat ding pangalagaan ng tao ang kanyang mga karapatan.
Alam mo ba na noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay maraming mga pangyayari ang
naganap na nakapag-abuso at yumurak sa pagkatao
ng isang tao? Nariyan ang Martsa ng Kamatayan
(Death March), ang pagturing sa mga kababaihan
bilang “comfort women”, at pagpatay. Dahil sa mga
masasaklap na pangyayaring ito sa kasaysayan ay
itinaguyod noong Disyembre 10, 1948 ng United
Nations General Assembly ang Universal
Declaration of Human Rights (UDHR). Ang
deklarasyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng edukasyon ang
karapatan at kalayaan ng bawat nilalang.
MGA HALIMBAWA NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
Sa ilang mga pagkakataon ay nagagawa ng tao na malabag ang Karapatan ng
kaniyang kapwa. Dahil dito ay marapat na maging mulat ang ating mga isip at puso
upang maiwasan ang hindi pagkilala sa Karapatan ng kapwa. Narito ang ilang
halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:
1. Pagpatay sa sanggol (Aborsyon) – ito ay ang pagkitil sa buhay ng isang
bagong silang na sanggol o kaya naman ay ang pagpapalaglag sa sanggol
habang nasa sinapupunan pa lamang.
2. Pang-aabuso sa bata – ito ay ang pagmamaltrato sa bata sa aspektong
pisikal, mental, berbal o emosyonal kasama na ang sapilitang pagpapagawa
sa kanila ng iba’t-ibang uri ng krimen. Kadalasan dito ay yung mga nasa
sindikato na ginagamit ang paslit sa mga illegal na operasyon tulad ng
pagbebenta/ paggamit ng droga, pagnanakaw at iba pa.
3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan – kabilang dito ang pisikal at
sekswal na pang-aabuso sa mga kababaihan maging ito man ay kabiyak o
hindi.
4. Pagwawalang-bahala sa may kapansanan – kinapapalooban ito ng hindi
makatwirang pagtrato sa mga may kapansanan tulad ng hindi pag-intindi
sa kanilang mga pangangailangan o kaya naman ay hindi pagtanggap sa
kanila sa larangan ng trabaho.
8
5. Diskriminasyong Pang-Kasarian – ito ay ang usapin ng stereotyping kung
saan binibigyan o nilalagyan ng ganap na kategorya o kahulugan ang isang
tao o bagay. Sa konseptong ito, ayon sa paniniwala ay may limitasyon na
inilalagay sa kakayahan ng isang tao batay sa kasarian. Kasama dito ang
paniniwala na mas malakas ang mga kalalakihan kaysa kababaihan.
6. Pagbebenta o Ginagawang Kalakal ang Tao – laganap sa ibang bahagi ng
bansa ang prostitusyon o ginagawang pagkakakitaan ang pagbebenta ng
aliw. Pumapasok din dito ang isyu ng “cybersex” kung saan ang ang
pagbebenta sa katawan ng tao ay nagaganap “online”.
7. Galit sa Ibang Lahi (Racial Discrimination) – ito ay ang diskriminasyon o
hindi pantay na pagtingin ng isang lahi sa ibang lahi. Ito ay dahil sa iba’t-
ibang kadahilanan tulad ng personal na paniniwala na mas mataas ang
sariling lahi kaysa sa iba, kulay, lugar na pinanggalingan. Isang halimbawa
nito ay ang pagpapakita ng poot, biro o insulto sa ibang lahi.
8. Terorismo – ito ay kaguluhan sa isang lugar na ginagamitan ng karahasan
para makapaghasik ng takot upang makamit ang isang partikular na
adhikain.
Ilan lamang ang mga nabanggit na paglabag sa karapatang pantao na
matutunghayan natin sa mga pang-araw-araw na balita sa radyo, telebisyon at sa
mga social networking site. Nakakalungkot mang isipin ngunit talagang nagaganap
ito sa ating lipunan. Kung ang bawat isang tao ay maisasapuso ang mga karapatang
pantaong kaloob ng Banal na Nilalang, marahil ay maiiwasan ito, wala sanang
masasawi at mamumuhay nang mahirap.
TUNGKULIN
Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan, saang dako ka
man naroroon ay may katumbas na pananagutan. Ang pananagutan o tungkulin
ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung
maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapwa,
maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao
dito sa mundo.
Bilang isang obligasyong moral, tungkulin ng tao na iwasan o hindi gawin ang
isang gawain. Nakabatay naman ito sa kaniyang kilos-loob. Ayon pa rin kay Dy
(2013), ang pagtupad sa tungkulin ay kasama sa pagiging moral ng tao dahil ito ay
nararapat at nakabubuti. Ang hindi paggampan sa tungkulin ay magbibigay ng hindi
magandang epekto sa sarili at sa lipunan.
9
MGA TUNGKULIN NA KATUMBAS NG BAWAT KARAPATAN
1. Sa karapatan sa buhay, tungkulin ng tao na ingatan at alagaan ang sarili at
ilayo ito sa anumang panganib na magdudulot ng hindi maganda sa
kalusugan.
2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, dapat ay mapalago at mapangalagaan
ng tao ang kaniyang pagmamay-ari at magamit ito hindi lamang sa pag-unlad
ng pamumuhay kundi higit sa lahat, upang makatulong sa kapwa.
3. Sa karapatang magpakasal, marapat na suportahan ang kaniyang pamilya,
gabayan at maging mabuting halimbawa sa mga anak, at pag-iwas sa pang-
aabuso sa asawa.
4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, kaakibat nito ang pagkilala sa
pribadong espasyo ng kapwa at pag-alam sa limitasyon sa sariling kalayaan.
5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, ang tao ay
dapat na igalang ang paraan ng pagsamba ng kaniyang kapwa.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, tungkulin ng tao na
magpunyagi at maging mahusay sa anumang gawain.
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES
Ipinahayag ito ng Interaction Council. Ang pagpapahayag ay nagsumikap na
tapatan ng kaakibat na tungkulin ang mga nabanggit na karapatang pantao. Ito ay
binuo noong taong 1997. Ito ay naglalayong dalhin ang kalayaan at tungkulin sa
isang pantay na antas at itaguyod ang kalayaang makilahok sa halip na panaigin
ang lipunang hindi nagmamalasakit sa kapwa.
Ang bawat karapatan ay marapat na tumbasan ng mga tungkulin. Tandaan
na ang bawat isa ay may obligasyon sa kaniyang kapwa na igalang ito at kaniyang
dignidad. Ang bawat kabataang tulad mo ay mahalagang maunawaan ang mensahe
na ang bawat isa ay tinawag upang tugunan ang kabutihang panlahat sa lipunan sa
pamamagitan ng paggamit sa karapatan ng may limitasyon upang hindi malabag
ang karapatan ng iba. Ang pagsasabuhay nito ay pagpapakita ng paggampan sa
iyong tungkulin sa Diyos at sa lipunan.
Tandaan: Ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung
gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang
kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao.
Gayundin, ang bawat karapatan ay marapat na tumbasan ng mga tungkulin
upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao.
10
Gawain 1 – KARAPATAN, ATING TUMBASAN
Panuto: Punan ang graph sa pamamagitan ng pagtatala ng mga karapatan na dapat
mong tinatamasa. Matapos ay tumbasan ito ng tungkulin.
Gawain 2 – SITUATIONAL ANALYSIS
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano
ang karapatang pantao na nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung sa paanong
paraan ito nalabag.
Sitwasyon 1:
Nabuntis si Ana ng kaniyang nobyo. Siya ay labinlimang taong gulang pa lamang.
Hindi alam ni Ana kung paano sasabihin sa mga magulang niya ang nangyari dahil
alam niya na siya ay mapapagalitan at maaaring itakwil. Nagpasiya siya na ipalaglag
na lamang ang sanggol sa kaniyang sinapupunan.
Karapatang Nilabag: ___________________________________________________________
Paano ito nilabag: _____________________________________________________________
11
Sitwasyon 2:
Si Jose ang tagapagtaguyod ng kanilang pamilya. Siya ang bukod-tanging inaasahan
ng mga magulang na parehas walang trabaho at ng mga kapatid na siya din ang
nagpapa-aral. Gayunman ay nakatapos si Jose ng pag-aaral at nagkaroon ng
magandang trabaho na dahilan upang umangat ang kanilang buhay. Nang dumating
ang panahon na nais ng mag-asawa ni Jose ay nagalit ang pamilya niya at pinigilan
siya ng mga ito sapagkat natatakot ang mga ito na hindi na siya makatulong at hindi
na maasahan pa.
Sitwasyon 3:
Malaki ang naging pagkakautang ng pamilya nila Mang Boyet at Aling Rita sa
negosyanteng si Don Agustin. Nang hindi makabayad ng buo sa utang ay inilit nito
ang kanilang lupaing sinasaka at kinuha ang titulo ng kanilang bahay. Sa kabila ng
pakikiusap ng mag-asawa ay hindi nakinig ang negosyante. Bagkus ay tinakot pa
sila nito na idedemanda.
Mga Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat
tauhan ang inilalarawan sa sitwasyon? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bilang isang kabataan, paano ka makakatulong upang maiwasan ang mga
paglabag na ito sa karapatang pantao? Ilahad.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Karapatang Nilabag: ___________________________________________________________
Paano ito nilabag: _____________________________________________________________
Karapatang Nilabag: ___________________________________________________________
Paano ito nilabag: _____________________________________________________________
12
Gawain 1
Panuto: Magmasid sa iyong paligid. Ikaw ba ay nakaranas na o kaya naman ay
nakasaksi ng sitwasyon sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan o lipunan/
bansa ng mga paglabag sa karapatang pantao? Itala ang mga pangyayaring
naranasan o nasaksihan sa tsart sa ibaba. Matapos ay magbigay ng ilang paraan
upang maituwid ang naturang paglabag.
Gawain 2: INFOGRAPHIC
Panuto: Mula sa mga naitalang paglabag sa karapatang pantao sa tsart sa itaas,
ay gumawa ng isang “Infographic” upang maipamalas ang iyong pagkondena o
hindi pagsang-ayon sa mga naturang paglabag sa karapatang pantao. Maaaring
iguhit ito o kaya ay gawin gamit ang kompyuter. Maging malikhain sa iyong
gagawin. Matapos ay kuhanan ito ng larawan at ipadala sa iyong guro.
MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
Sitwasyon o Pangyayari
Nilabag na
Karapatang Pantao
Maaaring gawin upang
maituwid ang
paglabag
Pamilya
Paaralan
Baranggay o
pamayanan
Lipunan o
bansa
13
Kriterya para sa Infographic
Kategorya 3 2 1
Nilalaman May maikli ngunit
malalim na
deskripsyon at
ipinaliwanag ang
detalye ng piniling
paglabag sa
karapatang pantao
May maikli ngunit
hindi gaanong
malalim na
deskripsyon at
hindi gaanong
ipinaliwanag ang
detalye ng piniling
paglabag sa
karapatang pantao
Hindi malalim ang
deskripsyon at hindi
ipinaliwanag ang
detalye ng piniling
paglabag sa
karapatang pantao
Presentasyon Organisado at
maganda ang mga
larawan at mga
tekstong iginuhit,
isinulat o inilagay.
Hindi gaanong
organisado at hindi
gaanong maganda
ang mga larawan at
mga tekstong
iginuhit, isinulat o
inilagay.
Hindi organisado at
hindi maganda ang
mga larawan at mga
tekstong iginuhit,
isinulat o inilagay.
Mensahe Nakakapukaw ng
interes, atensyon at
damdamin ang nais
ipahayag ng
nilikha.
Hindi gaanong
nakakapukaw ng
interes, atensyon at
damdamin ang nais
ipahayag ng
nilikha.
Hindi nakakapukaw
ng interes, atensyon
at damdamin ang
nais ipahayag ng
nilikha.
14
MODYUL 2
“Ignorance of the law excuses no one”. Ito ay matatagpuan sa Art. 3 ng Civil
Code na nagsasabi na ang kawalan ng kaalaman sa batas ay hindi rason o hindi
depensa laban sa paglabag nito. Tunay nga na hindi maaaring maging dahilan ng
sinuman ang kanyang limitadong kaalaman sa mga umiiral na batas sa lipunan.
Sapagkat bilang kabahagi ng lipunan, nararapat lamang na alamin mo ang mga
batas, hindi lamang sa loob ng tahanan kundi pati na rin sa lipunan o komunidad
na iyong kinabibilangan.
Sa pagtatapos ng Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral.
2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan
batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral.
3. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas
Moral (Natural Law), ay gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan
ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng
tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat.
4. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas
batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat.
15
Aralin
2
Mga Batas na Nakabatay sa Likas
na Batas Moral
Nakatutuwang basahin ang isang tula mula kay Robert Fulghum na
nagsasabi na natutuhan natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo
ay musmos pa lamang (All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten). Tulad
ng huwag mandaya, mag-ingat sa pagtawid, at iba pa. Ilan lamang ito sa kaniyang
mga binanggit at kung iisipin, sa dami ng mga ipinatutupad na batas, at sa mga
tungkuling dapat gampanan, gayundin sa dami ng mga sinasabi sa atin na dapat at
hindi dapat gawin, napakasimple lang naman ng utos sa tao: Magpakatao, maging
Makatao.
Sa mga naunang modyul partikular sa pagtatalakay tungkol sa lipunan at
kabutihang panlahat, pinagdiinan sa atin na ang bawat isa ay bahagi ng kabuuan
ng lipunan. Kung kaya ang lahat ay nararapat magpasakop at maging tagasunod sa
mga lider na siyang binigyan ng kapangyarihang mamahala at mamuno nang
maayos. Kasama na rito ang pagsunod sa batas na napagkaisahang ipatupad sa loob
ng lipunan.
FIRST DO NO HARM
Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm
(primum non nocere) ng mga manggagamot? Sinasabi nito
na ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi
makapagdulot pa ng higit na sakit. Negatibo man ang
pagkakasabi at hindi positibo gaya ng “Magbigay lunas,”
positibo pa rin ang nais nitong sabihin: laging may
pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng
posibleng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa
pasyente.
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba’t
kaya nga pinili ng mga doktor ang ganitong propesyon dahil sa pagnanais na
makapagpagaling at makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal
na nakapagpapalala ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa
operasyon nang hindi handa. Magkagayon man, nakalulungkot, marahil ay may
nabalitaan ka na may doktor na nakapagbigay ng maling mga reseta sa kanilang
16
pasyente. May mga kaso rin ng kamatayan dahil sa mga maling prognosis. Nilabag
na nga ba ng mga propesyonal na ito ang kanilang mga tungkulin bilang
manggagamot?
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang lahat ng tao ay may kakayahang mag-
isip. Lahat ng tao may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max
Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng
pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi
ang masama. Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kung kaya nga
kahit tinatamad kang mag-aral, nag-aaral ka pa rin dahil alam mong mabuti ang
mag-aral. Kahit natatakot kang magpatingin sa doktor, nagpapatingin ka pa rin
dahil alam mong ito ang mabuting gawin upang makita ang kalagayan ng iyong
kalusugan. Kahit gustong-gusto mong kuhanin ang naiwang cellphone ng iyong
kapatid, hindi mo ito gagawin dahil alam mong ito ay masama.
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuro ito sa
atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay, napanood sa
telebisyon, nabasa o narinig. Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga
narinig o nalaman, may maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na
nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti.
ANG MABUTI
Sinasabi na may natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang
laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano
talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa
mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Mabuti bang tumulong sa
gawaing bahay? Mabuti bang tumambay sa labas na walang suot na face mask
kasama ang barkada ngayong panahon ng Covid-19? Mabuti bang uminom ng alak
at manigarilyo?
Ang tanungin ang tanong na “Mabuti ba?” bago pa gawin ang isang bagay ay
tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti. Nakakatakot at
delikado ang taong agad may sagot at hindi nag-iisip dahil malamang ang gagawin
niya ay piliin lamang ang makabubuti sa kaniya. Ang tunay na nag-iisip ay
makailang beses na tinitimbang kung tama ba talaga ang kanyang pipiliin, kung ano
ang posibleng epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang
kaniyang haharapin sa kaniyang pinili. Sa pinakasimpleng paliwanag, ang mabuti
ay ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili
at ng mga ugnayan.
17
ANG TAMA: IBA SA MABUTI
Sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang
mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira lamang?
Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensiyon para kilalaning
mabuti ang gawain. Pansinin ang mga sumusunod na mga halimbawa: “Gusto kong
pakainin ang aking pamilya, wala akong trabaho ngayong pandemya, kaya
magnanakaw ako,” “Gusto kong makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit kaya
gagawa ako ng kodigo o mangongopya ako,” “Gusto kong kumita nang malaki kaya
mamanipulahin ko ang timbangan ng tinda namin sa palengke.” Kabutihan ang
hinahangad ng mga nabanggit na halimbawa kaya lamang, kailangang
maunawaang: hindi maaaring ihiwalay ang mabuti sa tama. Maaari bang sabihin
ng ama sa kaniyang anak na, “Magpasalamat kayo sa ninakaw ko, may makakain
kayo ngayon.” O ng ale sa kaniyang suki, “Suki, pasensiya ka na, babawasan kita
ng isang guhit dahil may hinuhulugan pa akong alahas.” Maibabalik ba ng isang tao
ang buhay ng kapuwa kung sa maling pasiya niya ay naging dahilan ito ng
kamatayan ng kaniyang kaibigan? Sapat na ba ang sabihing, “Mabuti ang aking
hangarin.”
Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo
ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan,
lawak, at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng
gagawing pagpili. Kung nais nang magpakasal ni Estella at Ruben, kailangan nilang
siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag-
asawa – ang bahay, ang pambayad ng kuryente, tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti
ang mag-asawa, tama na ba ito agad? Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng
gamot.
Ngunit marapat ding tignan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili
ng gamot at ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na
ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa isang tao ayon sa
sakit na mayroon siya. Tulad din ng Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti,
ang tama ay ang angkop sa tao.
ANG KAISA-ISANG BATAS: MAGING MAKATAO
Wala bang mabuti na tama para sa lahat? Sa lawak ng sansinukob at sa
kahinaan ng ating kakayahang umalam, napakahirap humanap ng isang tama na
sasang-ayunan ng lahat. Iba-iba ang kultura, relihiyon, at paniniwala. Iba-iba ang
layunin, iba-iba ang mga pamamaraan. Maaaring magkasundo-sundo ang
nagkakaiba-ibang mga tao ayon sa mabuti, ngunit babalik pa rin sa iba’t ibang
paraan ng pagtupad nito. Walang isang porma ng tama ang mabuti. Mag-aanyo ito
ayon sa kundisyon at hinihingi ng pagkakataon.
18
May liwanag ng karunungan tayong maaaninag sa sinumpaan ng mga doktor:
First Do No Harm. Anumang kalagayan ang kasadlakan ng tao, isa ang babalikan
natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng
pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat
gawin ay ingatan ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng Likas na Batas Moral,
tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko
bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan
at payabungin ang tao.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa
atin na maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat
labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.
LAHAT NG BATAS: PARA SA TAO
Dito nakaangkla ang Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng
Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United
Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa
dahil magandang pakinggan na kunwari may dignidad ng tao. Talagang nakikita
nila, mula sa iba’t ibang panig ng mundo, na mahalagang ingatan ang dignidad ng
tao. Matinding kinukondena ng pahayag ang anumang uri ng paniniil at
paglalaspatangan sa tao. Naniniwala silang ang pag-unlad ng isang bansa at ng
mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan.
Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga
kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa kanilang
konstitusyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng
estado na bigyang proteksiyon ang mga karapatang ito.
Ang mga batas naman na nilikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at
pamamaraan upang isakongkreto ang
unibersal at pangkalahatang
pagpapahalaga sa tao. Kaya may batas
laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga
bata dahil tao ang mga bata. Kaya may mga
batas na magbibigay budget sa edukasyon
dahil kailangang mahubog ang pag-iisip at
karaktek ng tao. Kaya may batas na
magtatalaga ng pinuno ng bayan (eleksyon)
dahil mahalaga ang boses ng lahat ng tao
sa pagpapatakbo ng kolektibong
kasaysayan. Ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.
19
LIKAS NA BATAS MORAL: BATAYAN NG MGA BATAS NG TAO
Nagtagumpay na ba ang bansa na tupdin ang pagpapahalagang ito? Isang
proseso ang pagtupad sa mabuti. Hindi laging tama. Madalas pa nga nagkukulang
ang mga estado sa pagtalima sa tawag ng mabuti. Dala na rin ito ng napakaraming
tinig at mukha na kailangang pakinggan at tignan. Hindi perpekto ang batas.
Subalit, muli, babalik tayo sa depinisyon ng mabuti – sapat na ang laging pagtingin
sa kabutihan at pagsisikap na matupad ito.
Kung ang buhay sana ay tulad ng cellphone na may kasamang instruction
manual, madali sana ang lahat. Kung ang katawan natin ay may instruction manual,
madali na sana sa doktor ang makatiyak sa gamot, nutrisyon, at pag-aalagang
mabisa sa lahat. Sa kasamaang palad, walang instruction manual ang tao at ang
mundo.
Matutupad ba natin ang Likas na Batas na Moral sa ating bayan? Isang
simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti- nagtataka, nagtatanong - tiyak
na hahakbang tayo papalapit sa mabuti. Ano ang pinakaunang hakbang? First do
no harm.
Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na
utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito
upang makita ang halaga ng tao. Matutupad ba natin ang Likas na Batas na
Moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti-
nagtataka, nagtatanong - tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti.
Mahalagang ingatan ang dignidad ng tao. Ang pag-unlad ng isang bansa at ng
mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan. Ito ay
naipahahayag sa pamamagitang ng konstitusyon ng mga bansa na nagpapahayag
ng mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na
bigyang proteksiyon ang mga karapatang ito. Sapagkat ang lahat ng batas ay para
sa tao.
20
Gawain 1
1. Makipagkuwentuhan sa iyong magulang. Tanungin sila kung paano itinuro
ng kanilang mga magulang, na lolo at lola mo na ngayon, ang mga alituntunin
o batas noong sila ay kasing edad mo pa lamang. Maging mapagmasid kung
paano nila ito kinukuwento at ang kanilang nararamdaman.
2. Gabay na mga tanong:
a. Ano ang naramdaman at napagtanto mo habang nakikipagkuwentuhan sa
iyong magulang?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
b. Sang-ayon ka ba sa iyong mga narinig o nalaman? Bakit Oo o Hindi?
Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
c. Ano ang nais mong sabihin sa iyong magulang tungkol dito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto:
1. Tanungin ang magulang kung ano ang tatlong importanteng utos na kailangang
malaman at matutunan ng isang anak na tulad mo upang maging isang
responsableng mamamayan sa loob ng lipunan. Ilista at ipaliwanag kung bakit
ito ang pinakamahalaga.
Ang Tatlong Importanteng Utos:
A._______________________________________________________________________________
B._______________________________________________________________________________
C._______________________________________________________________________________
2. Sa isang short bondpaper naman, sa tatlong importanteng utos na isinulat mo,
pumili ng isa sa tingin mo ay pinakamahalagang utos. Gumawa ng poster na
may pamagat na “Ang Pinakamahalagang Utos ng Aking Magulang.” Maging
malikhain at makulay sa paggawa nito.
21
Gawain 1
Panuto:
1. Magsagawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa
kasalukuyan.
2. Pumili ng tatlong batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan mong
nakatuon ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
3. Pumili rin ng tatlong batas na iyong tinututulan dahil pinaniniwalaan mong
hindi nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat.
4. Mahalagang pangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon. Mahalagang
banggitin sa pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang lumalabag sa
Likas na Batas Moral.
5. Sa iyong kuwaderno, gamitin ang pormat sa ibaba sa iyong pagsagot.
Mga Tanong:
1. Ano ang mas dapat sundin- ang mabuti o ang tama? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
22
2. Magbigay ng isang pagkakataon sa iyong buhay na kung saan naranasan mo
ang tunggalian ng mabuti at tama. Ano ang iyong ginawa? Ano ang nagtulak
sa iyo para ito ang piliin mo? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng batas para sa ikabubuti
ng iyong pamayanang kinabibilangan, anong batas ang unang gagawin mo at
ipatutupad?
ANG AKING PANUKALANG BATAS
Kung mapagtitibay ang panukalang ito, ang mga sumusunod ang inaasahang
mabuting maidudulot nito sa komunidad:
1. ______________________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________________
Repleksiyon: Ano-anong reyalisasyon ang aking natutunan at natuklasan sa gawaing
ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
23
MODYUL 3
“Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may
pananagutan sa isa’t isa.” Linya mula sa pamosong awit na may pamagat na
“Pananagutan”. Ipinababatid ng nasabing awitin na ang bawat isa ay may
pananagutan at tungkuling dapat gampanan sa lipunang ating kinabibilangan. Sa
ngayon, isa ka pa lamang mag-aaral, nasa proseso ka ng paghubog ng iyong sariling
talento, kaalaman at kakayahan. Inihahanda mo ang iyong sarili sa kahaharaping
responsibilidad. Susunod ka na sa yapak ng mga manggagawang iniidolo mo
ngayon, magiging bahagi ka ng Lakas Paggawa ng ating bansa na maglilingkod at
magtataguyod ng dignidad ng tao.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng
dignidad ng tao at paglilingkod.
2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan
o baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at
paglilingkod.
3. Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang
tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat,
bunga ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at
makamit niya ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
4. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa
gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong
nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong
teknikal - bokasyonal.
24
Aralin
3
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod
at Pagtataguyod ng Dignidad ng
Tao
Habang ikaw ay nagkakaedad ay unti-unti mo na ring nakikilala ang iyong
sarili, natutuklasan ang iyong mga kakayahan at nauunawaan na ikaw bilang tao
ay nagtataglay ng kakayahan at talentong huhubugin bilang paghahanda sa
kaniyang magiging propesyon sa hinaharap. Tunay na ang pagsisikap na ginagawa
mo ngayon ay paghahanda sa iyong hinaharap.
Maglilingkod, kikilos at gagawa ka hindi lamang para sa iyong sariling
kabutihan kundi maging sa ikabubuti ng iba, ikauunlad ng iyong bansa at
ikalulugod ng ating Panginoon. Magiging bahagi ka ng ating lakas-paggawa,
magbabayad ng buwis, magkakaroon ng kakayahang bilhin ang iyong mga
pangangailangan, makatutulong sa ating ekonomiya at magbibigay serbisyo sa iba.
ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT
PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO
Ano nga ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang
tao? Bilang kabataan, nagkakaroon ka na marahil ng pagkaunawa tungkol sa
paggawa bilang bahagi ng reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi maaaring
takasan at kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng panahon, mas
mauunawaan mo at malalaman kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa
bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang
tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009).
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay
isang aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng
bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng
patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito
ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng
kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad
ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay
para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education,
1991).
25
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na
nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at
pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o
hindi, ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay.
Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang
mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na
kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang
para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi
matatawag na paggawa.
Ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan man o manwal, anuman
ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, na nararapat para sa tao bilang anak
ng Diyos. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya bukod-tanging
nilikha.
Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa ng
mga katangi-tanging gawain. Ipinagkatiwala sa kaniya ang pangangalaga at
pamamahala sa lahat ng Kaniyang nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga
katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao
lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino. Hindi katulad ng mga
hayop na gumagawa lamang kapag ginagabayan o inaatasan ng tao o maaaring
gumagawa lamang sila sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Taliwas sa mga hayop, may malalim na layunin ang paggawa ng
tao. Patunay ito na ang kakayahan sa paggawa ang isa sa nagiging dahilan upang
magamit ng tao ang kaniyang kalikasan.
Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao. Hindi
matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Samakatwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa; sa
kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamamagitan ng paggawa,
napatutunayan ang isa pang dahilan ng pag-ral ng tao – ang pagiging bahagi ng
isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa
kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito.
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa, at pagkamalikhain. Ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan
man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, na
nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. At sa pamamagitan ng paggawa,
napatutunayan ang isa pang dahilan ng pag-ral ng tao – ang pagiging bahagi ng
isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para
sa kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito.
26
ANG MGA LAYUNIN NG PAGGAWA
1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
Kailangan ng taong gumawa para mabuhay. Hindi maaaring maging
katulad siya ng isang parasite na laging iniaasa sa iba ang kaniyang
ikabubuhay. Hindi mabubuhay ng maginhawa ang tao kund hindi siya
magtatrabaho. Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang kaniyang
dangal. Ito ang dahilan kung bakit ninanais ng mga magulang na
makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak: upang makakuha ng
disenteng trabaho ang mga ito at hindi makaranas ng kaparehong
kahirapan.
Kailangang isaisip at isapuso na hindi tayo dapat magpaalipin sa
paggawa. May mga taong ang paggawa na lamang ang halaga ng kaniyang
pag-iral. Sa pagkakataong ganito, hindi nila makikita ang tunay at malalim
na kahulugan ng buhay. Hindi maikakaila ang kahalagahan ng paggawa,
ngunit ang Diyos at hindi paggawa ang pinagmulan at ang patutunguhan ng
buhay.
2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng
agham at teknolohiya.
Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng
talento upang gamitin ito sa pag-unlad
niya at ng pamayanan. Mahalagang
taglayin ng lahat ng tao ang malalim na
pagnanais na maibahagi ang kaniyang
kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan.
Dahil sa natatanging talino ng tao na
ipinagkaloob ng Diyos, napagyayaman
ang agham at teknolohiya.
Nakalilikha ang tao ng teknolohiya, bunga ng kaniyang patuloy na pag-
aaral sa pangangailangan ng tao, na nakapagpapadali at nakapagpapabilis
sa kaniyang produksiyon. Nakikita ang tulong na naibibigay ng agham at
teknolohiya upang mapadali ang pamumuhay ng tao at pamaunlad ang
ekonomiya.
27
3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang
kinabibilangan.
Hinaharap natin sa kasalukuyan ang
katotohanan na maraming tao ang natutuon
na lamang ang pansin sa paggawa upang
kumita ng salapi. Nakatuon na lamang ang
layunin sa pagsisikap sa paggawa para sa
pansariling pag-unlad. Mahalagang
maunawaan na ang paggawa ay mayroong
panlipunang aspekto at hindi kailangang
ihiwalay ang pananagutan natin para sa pag-
angat ng kultura at moralidad ng lipunang
ating kinabibilangan.
Mahalaga ring maunawaan na ang paggawa ay nararapat na patuloy
na nagpapayaman sa kultura ng lipunan na kinabibilangan. Hindi nito dapat
na pinapatay ang ating pagkakakilanlan para lamang makasunod sa agos ng
modernisasyon.
4. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
Ang paggawa ay isang obligasyon, hindi isang tungkulin ng isang tao.
Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa
pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang
sangkatauhan. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa,
sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan, at sa bansa.
Ang lahat ng ito ay malinaw na nagpapaliwanag sa ating moral na obligasyon
na tumulong sa ating kapuwa na nangangailangan. Kasama sa tungkulin ng
tao bilang isang bahagi ng lipunan na magbahagi ng anuman ang mayroon
siya para sa kapuwang nangangailangan.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao.
Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang
paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito. Kailangang ibigay ng tao ang lahat
ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga ng
kaniyang pinagpaguran. Nakalulungkot na may mga taong tinitingnan ang
paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng
tunguhin. Inaakala ng marami na ito na ang kaganapan ng kanilang
pagkatao. Ngunit sa maraming mga pagkakataon, napagtatanto ng tao na
kahit gaano kalayo na ang kaniyang narating, kahit gaanong yaman na ang
28
kaniyang naipon, o kahit
gaano na kataas ang paggalang
ng ibang tao sa kaniya dahil sa
kaniyang nakamit, ay hindi pa
rin makakamit ng tao ang
tunay na kaligayahan na
siyang pinakahuling tunguhin
ng tao. Kailangang maging
malinaw na ang pagbibigaay
ng iyong lahat ng panahon at
pagod sa paggawa ay hindi
dapat nagwawaglit sa pag-
aalay nito para sa kapurihan
ng Diyos.
ANG SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA
Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,
instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
Ang nakagisnan ng taona uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at
pawis ay unti-unti ng nagbago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya,
na tao rin ang nagdisensyo at gumawa. Hindi maikakaila na ito ang nagdulot ng
malaking pagbabago sa sibilisasyon.
Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang gawain ng tao. Ito ang dahilan
kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga makinarya na makatutulong upang
mas maging madali ang paggawa para sa tao. Ang teknolohiya ay katulong ng tao.
Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao
ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa,
hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang
pagiging malikhain. Dahil inaako na ng makina ang bahaging dapat gampanan ng
tao, hindi na nakikilala ang kaniyang pagkamalikhain at malalim na pananagutan.
Dahil sa taglay na kakayahan ng tao, siya ay binigyan ng Diyos ng karapatan
at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha. Ang tao lamang ang
may kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip, magpasiya para
sa kaniyang sarili at kilalanin nang lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniyang
kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t ibang kilos na kailangan sa proseso ng
paggawa. Kung kaya, maituturing na ang subheto ng paggawa ay ang mismong tao.
Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa, ngunit mahalagang
tandaan na ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Hindi
maaaring ituring ang tao bilang isang kasangkapan na kinakailangan para
mapagyaman ang paggawa; bagkus, kailangan niya ang paggawa upang makamit
niya ang kaniyang kaganapan.
29
Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa
produktong bunga nito kundi sa katotohanang ang gumagawa nito ay ang tao. Ang
produkto ng paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong
gumawa nito. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong
gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang subheto kaysa sa obheto ng paggawa.
ESENSIYA NG TAO SA MUNDO
Ang paggawa ang daan tungo sa:
• Pagbuo ng tao ng kanyang pagkakakilanlan at kakanyahan
• Pagkamit ng kaganapang pansarili
• Pagtulong sa kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan
ANG PANLIPUNANG DIMENSIYON NG PAGGAWA
Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang
dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay
sa gawain ng kaniyang kapuwa. Ang paggawa ay
paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa. Ito
ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas
para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Ang panlipunang
kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi
magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kaniyang kapuwa.
Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap, at kaligayahan
at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Dito
lamang makakamit ang pagkakapatiran –ang tunay na panlipunang layunin ng
paggawa.
Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang
hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan. Hindi ito nakabatay sa anumang pag-
aari o yaman. Mahalagang tandaan na ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng
salapi; tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng
kaganapan bilang tao.
30
Gawain 1: PAGSUSURI NG TULA
Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng tula at sagutin ang mga katanungan
ukol dito.
Bagong Bayani sa Kabataang Tulad Ko
ni Maestro Jann Rencille B. Quinto
Kawani, manggagawa, trabahador, empleyado,
mga lingkod-bayang nagbibigay ng serbisyo,
maglilingkod ng pulido, di-alintana ang sweldo,
bagong bayani, dangal ng Pilipino.
Doktor, pulis, manager, abogado,
service crew, pahinante, guro at bumbero,
Nars, traffic aid, tubero at tindero,
tagawalis ng kalsada, magsasaka, kasambahay at kartero.
Ang gurong sa iyo’y nagturong magbasa,
sundalong pinananatili kapayapaan sa tuwina.
Hukom ang bahalang sa kaso’y magpasya
Abogado’y tagapagtanggol ng mga naaaba.
Tagasugpo ng apoy ang mga bumbero,
tagahatid ng mensahe ang mga kartero.
nars ang susuri katuwang ng doktor mo,
kawani ng gobyernong nakangiting magserbisyo.
Mag-aral nang mabuti sapagkat ikaw na,
ang susunod sa mga manggagawang katulad nila.
Maglilingkod sa bayan, magbibigay ng pag-asa,
sa lipunang minsa’y nababalot ng pangamba.
Pagpupugay ang alay namin sa inyo,
Bagong bayani sa kabataang tulad ko.
Kabutihang panlahat ang ninanais ninyo,
dapat kayong pamarisan, ituring na idolo.
31
Batay sa iyong pagkakaunawa, sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang kahulugan ng paggawa para sa iyo?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Bakit itinuturing na makabagong bayani ang mga manggagawang Pilipino?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Paano masasabi na ang paglilingkod ay para sa kabutihang panlahat?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Anong linya ng tula ang pinakatumatak sa iyo? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Gawain 2: Pagkumpleto sa Talata
Panuto: Mula sa iyong mga natutunan, punan ng iyong sariling kasagutan ang mga
patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Ang paggawa ay pagpapamalas ng ______________________________________ tungo sa
_______________________________________. Ang isang mangagagawa ay marapat na
______________________________________ sapagkat ang paglilingkod ay pagpapakita at
pagpaparamdam ng ______________________________________ ilang isang
manggagawa sa hinaharap sa propesyon ______________________________________,
magsisilbi ako nang ______________________________________.
32
Gawain 1: PAGSASABUHAY
Panuto: Gumawa ng sariling kasabihan tungkol sa kahalagahan ng paggawa na
magsisilbing gabay sa iyong paggawa. Ipaliwanag kung paano makatutulong ang
kasabihang ito sa pagganap mo sa iyong gawain.
Ang Aking Kasabihan
Makatutulong ang kasabihang ito sa pagganap ng aking gawain sa pamamagitan ng
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
Gawain 2: JOURNAL WRITING
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa journal ang iyong reyalisasyon
tungkol sa mga ito:
1. Bakit sinasabing kaganapan ng ating pagkatao ang paggawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit dapat maunawaan ng lahat ang tunay na kahalagahan ng paggawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
33
MODYUL 4
Tara! Sali ka? Gusto mo? Masaya ‘to! Mga salitang mapanghikayat upang
mapabilang sa isang gawain na makakatulong sa iba at makapagbibigay ng hindi
maipaliwanag na kaligayahan. Isang karanasan kung saan maglalaan ka ng iyong
oras, panahon, at kakayahan para sa ikabububuti ng ibang tao. Naranasan mo na
ba na may gawin para sa iba ng hindi iniisip ang benepisyo na makukuha mo mula
dito?
Sa modyul na ito, ating tutuklasin ang lalim ng kahalagahan ng pakikilahok
at bolunterismo. Maaaring makaramdam ka ng paghamon upang subukin ang sarili
kung hanggang saan mo kayang tumulong at makagawa ng sakripisyo para sa ibang
tao. Magkakaroon ka ng mas malawak na pang-unawa sa resulta nito hindi lamang
para sa sarili kundi pati sa lipunang ginagalawan.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng
mamamayan at lipunan
2. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi
ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo. Hal. Efren Peñaflorida,
greenpeace volunteers atbp.
3. Napatutunayan na:
a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga
gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang
talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit
ng kabutihang panlahat
b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay
nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon
siyang personal na pananagutan
4. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may
partikular na pangangailangan, Hal. mga batang may kapansanan o mga
matatandang walang kumakalinga.
34
Aralin
4
Pakikilahok at Bolunterismo
Ang ating bansa ay suki ng bagyo at kalamidad dahil nakapaloob tayo sa Ring
of Fire. Dahil dito ay maraming pamilya ang nasasalanta taon-taon at
nangangailangan ng tulong. Nakita natin na hindi naging maramot ang mga Filipino
sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailang. Pinansiyal man na tulong ito o
serbisyo upang matulungan silang bumangon mula sa unos na kanilang
pinagdaraanan.
Sa nagdaang aralin sa Modyul 7 ay natutunan mo na ang isa sa layunin ng
tao sa paggawa ay upang makapaglingkod sa kaniyang kapwa. Sa aralin na ito
naman ay tutuklasin natin ang mas malalim na kahulugan ng pakikilahok at
bolunterismo at sisikapin natin na maging parte ito ng araw-araw nating
pamumuhay.
Mahalaga ba ang pagdamay sa kapwa? Hanggang saan mo kayang
makilahok? Hanggang saan mo kayang magsagawa ng bolunterismo? O may
hangganan ba ito?
Naranasan mo na ba ang tumulong
sa kapwa o hindi kaya ay mag-boluntaryo
sa isang gawain sa inyong komunidad? Sa
kasalukuyan ay maraming pinagdadaanan
ang ating bansa tulad na lamang ng mga
kalamidad, krisis at pandemya. Laman ito
ng mga babasahin at panoorin sa araw-
araw. Marami sa ating kapwa ang apektado
– mga nagkakasakit, nawalan ng hanap-
buhay, o kaya ay dumaranas ng emosyonal
o mental na pagsubok sa buhay. Tunay na
nakakalungkot hindi ba? Marahil ay nasabi
mo din sa iyong sarili, “Nakakaawa naman sila, paano na kaya sila? Sana ay may
tumulong naman sa kanila.”
Para sa isang kabataang tulad mo ay marahil maisip mo din na baka wala
kang magagawa. Baka hindi mo kakayanin ang tumulong at hindi sapat ang iyong
kakayahan. Ngunit marapat mong isipin na wala sa edad ang basehan upang
makatulong sa kapwa. Bilang kabataan, malaki ang iyong gampanin upang
makatulong sa kapwa at lipunan. Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng kamalayan, ng pakialam sa kapwa at pagdamay sa kanila sa oras
ng pangangailangan.
35
“Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” –
Pananagutan
Mula sa isang kanta na nagpapaalala na ang tao ay hindi nabubuhay para sa
kanyang sarili lamang. Kailangan nating magkaroon ng mas malalim na pag-unawa
sa ating pananagutan sa ibang tao. Hindi makakamit ng isang tao ang kaniyang
kaganapan kung hindi siya nakikipamuhay na kasama ng iba.
Tao: Panlipunang Nilalang
Nakakamit ng isang tao ang tunay niyang kaganapan sa pamamagitan ng
pakikipamuhay kasama ang kaniyang kapuwa at mangyayari ito sa pakikilahok niya
sa lipunan. Ang lipunan lamang ang natatanging lugar upang makamit ng tao ang
kaniyang tunguhin. Ito ang nagbibigay kahalagahan na makabahagi ang tao sa mga
gawaing panlipunan upang makatulogn ito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao.
Mula sa mga nabanggit, paano mo ito sisimulan? Anu-ano ang dapat mong
gawin upang matugunan ang pangangailangan sa iyong paligid? Simulan natin ‘yan
sa pakikilahok.
Pakikilahok
Ito ay isang tungkulin na kailangang
isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayanat pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat. Makakamit lamang ang
pakikilahok kung kinikilala ng tao ang
kaniyang pananagutan. Mahalaga ang
pakikilahok sapagkat una, maisasakatuparan
ng tao ang isang gawain na makatutulong
upang matugunan ang pangangailangan ng
lipunan. Ikalawa, magagampanan ng tao ang
mga gawain o isang proyekto ng mayroong
pagtutulungan. At ikatlo, maibabahagi ang
sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang
pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay hindi
mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo. Ang obligasyon na ito ay likas dahil sa
taglay na dignidad ng tao.
Narito ang mga antas ng pakikilahok na makakatulong sa pakikibahagi sa
lipunan ayon sa isang manunulat na si Sherry Arnsteinis:
36
Ang pakikilahok ay isang patuloy na proseso na hangga’t mayroong
kakayahan ang isang taong gawin para sa ikabubuti ng lipunan. Ito ang magbibigay
kabuluhan sa pagiging tao. Sa pamamagitan din ng pakikilahok ay nakikilala ng
tao ang kaniyang kakayahan at talento na makakapagbibigay sa kaniya ng tiwala
sa sarili.
Bolunterismo
Ano nga ba ang bolunterismo? Ito ay
isang paraang ng paglilingkod at
pagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa at sa lipunan. Magaganap
ito sa pamamamagitan ng
pagbibigay ng sarili na hindi
naghahangad ng anumang kapalit.
Ito ay tinatawag ding bayanihan,
damayan, kawanggawa, o
bahaginan.
Mayroong benepisyo ang pagsasagawa ng Bolunterismo:
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa
iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba
kundi pati na ang kanyang sarili.
Pagsuporta: Pagbabahagi ng kung anuman ang mayroon (talento, kakayahan,
o pinansiyal) basta't ito ay bukal sa puso.
Sama-samang pagkilos: Ang bawat isa ay kikilos nang sama-sama upang
makatulong sa kaniyang lipunan na magdudulot ng pagbabago.
Sama-samang pagpapasiya: Pagsasaalang-alang ng kabutihang maidudulot
ng pagpapasiya hindi lamang sa sarili kundi ng mas nakararami
Kosultasyon: Pakikinig sa puna o opinyon ng iba na maaaring makatulong sa
katagumpayan ng isang poryekto o gawain.
Impormasyon: pagbabahagi ng nalalaman o nakalap na impormasyon na
makakatulong upang madagdagan ang kaalaman ng iba.
37
Pakikilahok at Bolunterismo
Ang dalawang pagkilos na ito ay may pagkakaiba na makikita sa talahayanan
sa ibaba.
Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo ngunit lahat ng
bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok. May tatlong T’s na dapat makita sa
Pakikilahok at Bolunterismo ng isang tao:
1. Time (Panahon) – Gamitin ang panahon ng buong husay dahil kapag ito ay
lumipas hindi na ito maibabalik pa.
2. Talent (Talento) – Ito ay makatutulong hindi lamang sa iba kundi pati sa
pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
3. Treasure (Kayamanan) – Gaano man ito kaliit o kalaki ang mahalaga ay kusa
itong ibinigay ng buong puso para sa nangangailangan.
Bilang kabataan, may pananagutan ka sa iyong kapuwa at lipunan. Gamitin
ang iyong panahon, talent, at kayamanan para sa ikabubuti ng iyong sarili at
ikauunlad ng iba. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng kaganpan sa iyong
buhay, isang buhay na kumpleto at masaya.
PAKIKILAHOK BOLUNTERISMO
Nagiging konsiderasyon ang personal na
interes o tungkulin.
Kailangang gawin, kundi mayroong
mawawala sa iyo.
Walang epekto kung hindi gagawin.
Mananagot ka lamang sa iyong
konsensiya sa hindi pagtugon sa
pangangailangan ng kapuwa.
Halimbawa: Paglahok sa pangkatang
gawain na pinapagawa ng guro
38
Gawain 1: Graphic Organizer
Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang Batayang Konsepto. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.
Ang at ng
sa mga gawaing
batay sa kaniyang ay
makatutulong sa pagkamit ng .
Gawain 2: Maikling Sanaysay.
Panuto: Magbigay ng sariling pananaw tungkol sa pahayag na ito.
“Masaya ang isang tao kapag siya ay nakapaglilingkod at nakapagbabahagi ng
kontribusyon sa kaniyang kapuwa at sa lipunan. Dahil dito, nagkakaroon ng
pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa kapuwa o lipunan.”
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Kraytirya:
Nilalaman (35%) : Naipakikita at naipaliliwanag ng maayos ang ugnayan
ng Konseptong isinulat sa pahayag
Organisasyon (35%) :Mahusay ang pagkakasunudsunod ng mga ideya,
malinaw at makabuluhan.
Pagkamalikhain (20%) : Lubos na nagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagsulat
ng maikling sanaysay at orihinal ang mga ideyang ginamit
Mechaniks (10%) : Wasto ang mga ginamit na salita at pagbabantas
Kabuuan: 100%
BOLUNTERISMO
KABUTIHANG PANLAHAT
KAKAYAHAN
PAKIKILAHOK
PANLIPUNAN
TAO
1. 2.
3. 4.
5.
6.
39
Gawain 1: Talento mo, Gamitin mo!
Panuto: Tingnan ang kahon sa ibaba. Isulat sa unang kolum ang iyong mga talento
o kakayahan. Sa ikalawang kolum, isulat ang iyong mga maaaring gawin o
maitulong gamit ang iyong mga talento / kakayahan sa loob ng inyong tahanan. Sa
ikatlong kolum, ipasulat ang komento mula sa nakakatanda sa inyong bahay kung
ito ay nagawa mo at palagyan ng lagda.
TALENTO /
KAKAYAHAN
PAANO KO
GAGAMITIN?
KOMENTO NG
NAKAKATANDA AT
LAGDA
1.
2.
3.
4.
5.
40
REPLEKSYON:
Ano ang nabago sa iyong pananaw at pagkaunawa sa pakikilahok at
bolunterismo? Paano mo ito maisasabuhay?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng isang poster na naghihikayat sa mga tao upang makilahok sa
isang gawain na makakatulong para sa mga mag-aaral na nahihirapan makasunod
sa “new normal.” Ilagay din ang detalye ng naisip na programa. Gawing malikhain
ang paggawa.
Halimbawa:
Ikaw naman:
Sampung piso mo, Pang kinabukasan ko
Isang programa upang bigyan ng pangload ang isang mag-aaral araw-
araw para sa kanyang online consultation sa kanyang guro upang
makasunod sa kanilang aralin.
41
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka-angkop na
sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno.
1. Alin sa sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng ugnayan ng
karapatan at tungkulin?
A. Karapatan ng tao ang magpahayag ng opinyon; Tungkulin niyang
gawin ito kahit nakakasakit ng kalooban sa ngalan ng katotohanan.
B. Karapatan ng tao ang magkaroon ng ari-arian; Tungkulin niyang
ipamana ito sa kaniyang pamilya.
C. Karapatan ng tao na mabuhay; Tungkulin niyang siguruhin na
panatilihing malusog at malakas ang kaniyang pangangatawan
upang makaiwas sa sakit
D. Karapatan ng tao mag-asawa; Tungkulin niyang magkaroon ng mga
anak.
2. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil ____________
A. Umaayon sa lahat panahon at pagkakataon.
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.
3. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
D. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahulugan ng pakikilahok?
A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng
lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang
panlahat.
B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o
pwersahin ang tao upang isagawa ito.
C. Ang pakikilahok ay pagtulong kapag walang ginagawa.
D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan
sa kapwa.
42
5. Ang tungkulin bilang tugon sa karapatang pantao ay hindi para sa sarili
lamang. Ang pahayag ay:
A. TAMA, dahil ang tao ay hindi nabubuhay ng mag-isa.
B. TAMA, sapagkat mahalagang isaalang-alang ng tao na maging ang
kaniyang kapwa ay may mga karapatang taglay na hindi niya dapat
malabag
C. MALI, mahalagang unahin ng tao ang sarili kaysa sa kapwa
D. MALI, ang tao ay dapat isulong ang pansariling interes bago ang
kapakanan ng iba
6. Ang paghangad sa mabuti ay likas na sa tao. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil likas na sa tao ang maging makatao o panig sa tao.
B. Tama, dahil walang sinuman ang naghahangad ng masama sa
kaniyang kapuwa.
C. Mali, dahil napag-aaralan ang pagiging mabuti
D. Mali, dahil tinutumbasan lamang ng tao ang mabuting ginawa ng
kapuwa sa kaniya.
7. Ano ang isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa
kapuwa at sa lipunan kung saan ibinibigay ang sarili na hindi naghihintay
ng anumang kapalit?
A. Pakikilahok
B. Bolunterismo
C. Paggawa
D. Pananagutan
8. Ipinapakita ng mga sumusunod na indibidwal ang paggawa MALIBAN kay:
A. Maita na isang kompositor ng awit sa isang sikat na Recording
Company. Iginugugol niya ang kaniyang oras sa loob ng kaniyang
silid upang makatapos ng isang obra.
B. Si Bobbie na araw-araw nangongolekta ng basura sa kaniyang mga
kapit-bahay kapalit ng barya. Dito niya kinukuha ang pambili nila
ng bigas at pantustos sa kaniyang pag-aaral.
C. Si Lorie ay kinupkop ng kaniyang tuyihin bilang kapalit ng kaniyang
pagtira sa mga ito ay kailangan niyang araw-araw na magbantay sa
kanilang maliit na tindahan sa Pamilihang Bayan.
D. Mang Tony na matagal na manunulat sa pahayagan. Hindi lamang
siya naglilingkod bilang peryodista bagkus ay nagbibigay din siya ng
suporta at mungkahi sa kaniyang mga bagitong kasamahan kung
paano mapaghuhusay ang kanilang balita.
43
9. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
D. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
10. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan.
A. Karapatang Mabuhay
B. Karapatang Magtrabaho
C. Karapatang Magpakasal
D. Karapatang Magkaroon ng Ari-Arian
44
Modyul 3
Subukin
1.
A
2.
B
3.
C
4.
A
5.
C
6.
B
7.
D
8.
D
9.
B
10.
C
Pagyamanin
Gawain
1
1.
Pakikilahok
/
Bolunterismo
2.
Pakikilahok
/
Bolunterismo
3.
Tao
4.
Panlipunan
5.
Kakayahan
6.
Kabutihang
Panlahat
Tayahin
1.
C
2.
A
3.
D
4.
C
5.
B
6.
A
7.
B
8.
D
9.
D
10.A
45
Sanggunian
Brisuela, Mary Jean B. et.al (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na
Baitang Modyul para sa Mag-aaral 9, pp. 225-230
Punsalan, Twila G. et.al (2019). Paano Magpakatao – Batayan at Sanayang Aklat sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Rex Book Store., pp. 155-180
Dy, Manuel B., (2013). Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa
Pagpapakatao. Kaisipan 1, Bilang 1 (Mayo 2013). pah. 18-27
Dy Jr., M. B. (1998). Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral. Quezon City: Office of
Research and Publications.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang; Modyul para sa Mag-aaral,
Unang Edisyon 2015. Kagawaran ng Edukasyon, FEP Printing Corporation.
pah. 79-94
Education, D. o. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral
pp. 65-78. Pasig City.
Pakikilahok at Bolunterismo. (2015). In M. B. Dy & F. A. Hidalgo (Eds.),
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasiyam na Baitang: Maodyul para sa Mag-
aaral (Unang Edisyon ed., pp. 118-128). FEP Printing Corporation.
Mula sa Internet:
Origin and uses of primum non nocere--above all, d. n. (2013, October 10). Retrieved
from http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15778417
PIXY#ORG. (2020, October 20). Retrieved from pixy.org: https://pixy.org/517269/
46
The LAWPHIL Project. (2020, October 10). Retrieved from lawphil.net:
https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1949/ra_386_1949.html
The Natural Law Tradition in Ethics (2013, October 9). Retrieved from
http://plato.stanford.edu/entries/natural-law-ethics/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division Office Navotas
Learning Resource Management Section
Bagumbayan Elementary School Compound
M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City
Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

More Related Content

PDF
CHS Learning Module Grade 9
DOCX
Module 1 pe cs
PPTX
MAPEH 9 : Characteristics of a healthy community PPT.
PPTX
Grade 7 TLE-AFA-Lesson 4 Crop Care and Maintenance, Post Harvesting- Quarter ...
PPTX
T.L.E. GRADE 7 LESSONS
PPTX
Dignidad ng Tao Bilang Batayan sa Paggalang sa Sarili,Pamilya at Kapuwa.pptx
PDF
identifying materials and tools for a task
PPSX
Chinese Theater - MAPEH 8 (Music 4th Quarter)
CHS Learning Module Grade 9
Module 1 pe cs
MAPEH 9 : Characteristics of a healthy community PPT.
Grade 7 TLE-AFA-Lesson 4 Crop Care and Maintenance, Post Harvesting- Quarter ...
T.L.E. GRADE 7 LESSONS
Dignidad ng Tao Bilang Batayan sa Paggalang sa Sarili,Pamilya at Kapuwa.pptx
identifying materials and tools for a task
Chinese Theater - MAPEH 8 (Music 4th Quarter)

What's hot (20)

PPTX
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon.pptx
PDF
Ap 9 module 1 q1
PPTX
Q2 Aralin 1 Karapatan at Tungkulin ng Tao.pptx
DOCX
dll-esp-10-2nd-quarter.docx
PPTX
G10 QUACKERY
PDF
CG TLE 7 - AGRI CROP
PPTX
Health Grade 4 1st Quarter Aralin 1
PPTX
EsP 9-Modyul 1
PPTX
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
PPTX
Group 1.science. breathing system
PPTX
ESP 8 Quarter 2 Aralin 1: Pakikipagkapwa
PDF
Carpentry Learning Module Grade 7 and Grade 8 Explanatory Course
PDF
Grade 8 Music and Arts Module
PPTX
Contemporary and Emerging Music and Arts of SEA.pptx
PPTX
Produksyon at salik lupa at kapital
PPTX
Active recreation quarter 3
PPT
Planning a Health Career 10.ppt
PPTX
EsP 9-Modyul 2
PPTX
MAPEH 10 (HEALTH) 07-03.pptx
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon.pptx
Ap 9 module 1 q1
Q2 Aralin 1 Karapatan at Tungkulin ng Tao.pptx
dll-esp-10-2nd-quarter.docx
G10 QUACKERY
CG TLE 7 - AGRI CROP
Health Grade 4 1st Quarter Aralin 1
EsP 9-Modyul 1
ISIP AT KILOS-LOOB.pptx
Group 1.science. breathing system
ESP 8 Quarter 2 Aralin 1: Pakikipagkapwa
Carpentry Learning Module Grade 7 and Grade 8 Explanatory Course
Grade 8 Music and Arts Module
Contemporary and Emerging Music and Arts of SEA.pptx
Produksyon at salik lupa at kapital
Active recreation quarter 3
Planning a Health Career 10.ppt
EsP 9-Modyul 2
MAPEH 10 (HEALTH) 07-03.pptx

Similar to edukasyon sa pagpapakatao 9 ikalawang markahan (20)

PDF
SLMQ1G10ESPM7.pdf
PDF
edukasyon sa pagapakatao ikawalong baitang
PDF
esp8_q2_module..19_Pakikipagkapwa_v2.pdf
PDF
Unang Markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao
DOCX
ESP9_Q2_M1_KarapatanAtTungkulinNgTao.docx
DOCX
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
DOCX
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
PDF
Ikatlong markahan sa edukasyon sa pagpapakatao
PDF
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
PDF
ESP9_Q2_M4_PakikilahokAtBolunterismo (1).pdf
DOCX
AP8_Q1_W1.docxfcydfrgjjtfvjyfngsejhtfghyhhh
PDF
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
PDF
584519338-AP4-Q4-W4.pdfhskkzkkdkkxjfuufk
PDF
584519338-AP4-Q4-W4.pdfjkkjvfcgyjjnkklkh
PDF
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
PDF
SLMQ1G10ESPM8.pdf
PDF
Edukasyon sa Pagpapakatao9-Q3-Module-1.pdf
PDF
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
PDF
esp9_q1_mod09_lipunangpangekonomiya_v2.pdf
DOCX
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx
SLMQ1G10ESPM7.pdf
edukasyon sa pagapakatao ikawalong baitang
esp8_q2_module..19_Pakikipagkapwa_v2.pdf
Unang Markahan sa Edukasyon sa Pagpapakatao
ESP9_Q2_M1_KarapatanAtTungkulinNgTao.docx
EsP DLL 9 Mod 1-NAMOC - Copy.docx
EsP DLL 9 Mod 1-ERMZ .docx
Ikatlong markahan sa edukasyon sa pagpapakatao
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
ESP9_Q2_M4_PakikilahokAtBolunterismo (1).pdf
AP8_Q1_W1.docxfcydfrgjjtfvjyfngsejhtfghyhhh
EsP-DLL-9-Mod5.pdf
584519338-AP4-Q4-W4.pdfhskkzkkdkkxjfuufk
584519338-AP4-Q4-W4.pdfjkkjvfcgyjjnkklkh
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
SLMQ1G10ESPM8.pdf
Edukasyon sa Pagpapakatao9-Q3-Module-1.pdf
ESP Learners Module Grade 10 Unit 2
esp9_q1_mod09_lipunangpangekonomiya_v2.pdf
EsP7 Q2 Mod 4_Kalayaan.docx

More from ReinNalyn (8)

PDF
SDO _ Navotas _ AP10 _ Q2 _ Lumped.FV.pdf
PDF
technology and livelihood education grade 9
PDF
araling panlipunan 9 ika siyam na baitang
PDF
SDONavotas-TLE_7/8 DMExplore_FV (1).pdf
PDF
araling panlipunan sa baitang walo ikalawang markahan pdf
PDF
technology and livelihood education DRESSMAKING
PDF
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
PDF
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
SDO _ Navotas _ AP10 _ Q2 _ Lumped.FV.pdf
technology and livelihood education grade 9
araling panlipunan 9 ika siyam na baitang
SDONavotas-TLE_7/8 DMExplore_FV (1).pdf
araling panlipunan sa baitang walo ikalawang markahan pdf
technology and livelihood education DRESSMAKING
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf

Recently uploaded (20)

PPTX
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q2 Module 1.
PPTX
ANG MGA DULA SA PANAHON NG AMERIKANO.pptx
PDF
PERSEPSYON SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYANG AI SA MGA PAMPUBLIKONG SENIOR HIGH SC...
PPTX
values 8 w1 quarter 1.power point presentation
PPTX
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
PPTX
Parent's and Teacher's Conference 1.pptx
PPTX
AP Q2.pptxgggggggggggggggggggggggggggggggggggg
PPTX
araling panlipunan kwarter 2 baitang walo
PPTX
Bahagi ng Pananalita para sa grade-11 at
DOCX
DLL MATATAG _VALUES EDUCATION 7 Q1 W7.docx
PPTX
Q1-edukasyon sa pagpapakatao Ikatlong Linggo Day 2.pptx
PPTX
ESP WEEK 7 KALAMIDAD Values Education .pptx
DOCX
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 1ST.docx
PPTX
FILIPINO 4 WEEK 8 MATATAG Q1 DAY 1-4.pptx
PPTX
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
PPTX
Solidarity_Visual_Presentation_Grade9.pptx
PPTX
Araling Panlipunan 8 Sinaunang Kabihasnan
PPTX
FILIPINO- GRADE3 -QUARTER2-W1-DAY-5.pptx
PPTX
Edukasyon sa Pagpakatao 5 Week 10 - Les1
DOCX
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q2 Module 1.
ANG MGA DULA SA PANAHON NG AMERIKANO.pptx
PERSEPSYON SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYANG AI SA MGA PAMPUBLIKONG SENIOR HIGH SC...
values 8 w1 quarter 1.power point presentation
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
Parent's and Teacher's Conference 1.pptx
AP Q2.pptxgggggggggggggggggggggggggggggggggggg
araling panlipunan kwarter 2 baitang walo
Bahagi ng Pananalita para sa grade-11 at
DLL MATATAG _VALUES EDUCATION 7 Q1 W7.docx
Q1-edukasyon sa pagpapakatao Ikatlong Linggo Day 2.pptx
ESP WEEK 7 KALAMIDAD Values Education .pptx
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 1ST.docx
FILIPINO 4 WEEK 8 MATATAG Q1 DAY 1-4.pptx
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
Solidarity_Visual_Presentation_Grade9.pptx
Araling Panlipunan 8 Sinaunang Kabihasnan
FILIPINO- GRADE3 -QUARTER2-W1-DAY-5.pptx
Edukasyon sa Pagpakatao 5 Week 10 - Les1
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4

edukasyon sa pagpapakatao 9 ikalawang markahan

  • 1. S.Y. 2021-2022 NAVOTAS CITY PHILIPPINES DIVISION OF NAVOTAS CITY EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ikalawang Markahan 9
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan Ikalawang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Navotas City Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City ____________________________________________ Telefax: ____________________________________________ E-mail Address: ____________________________________________ Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Apple C. Raflores, Relly G. Castro, Jann Rencille B. Quinto, Vanessa O. Lanot Editor: Eloisa S. Sanchez, Josefina B. Del Rosario, Apple C. Raflores, Vanessa O. Lanot, Relly G. Castro, Glenilda C. Idian Tagasuri: Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP Tagaguhit: Apple C. Raflores, Jann Rencille B. Quinto, Eric De Guia - BLR Production Division Tagalapat: Melody Z. De Castro, Vanessa O. Lanot, Jann Rencille B. Quinto, Fritzie Ann F. Garcia Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief Eloisa S. Sanchez, OIC - EPS in EsP Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS Lorena J. Mutas, ADM Coordinator Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS 02-8332-77-64 [email protected]
  • 3. Nilalaman Subukin.......................................................................................1 Modyul 1......................................................................................4 Modyul 2......................................................................................14 Modyul 3......................................................................................23 Modyul 4......................................................................................33 Tayahin .......................................................................................41 Susi sa Pagwawasto......................................................................44 Sanggunian..................................................................................45
  • 4. 1 Panuto: Bago ka magpatuloy sa pagtuklas ng modyul na ito, subukin mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang tayahin kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa aralin. Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka- angkop na sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno o sagutang papel. 1. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan. A. Karapatang Mabuhay B. Karapatang Magtrabaho C. Karapatang Magpakasal D. Karapatang Magkaroon ng Ari-Arian 2. Ang tungkulin bilang tugon sa karapatang pantao ay hindi para sa sarili lamang. Ang pahayag ay: A. TAMA, dahil ang tao ay hindi nabubuhay ng mag-isa. B. TAMA, sapagkat mahalagang isaalang-alang ng tao na maging ang kaniyang kapwa ay may mga karapatang taglay na hindi niya dapat malabag C. MALI, mahalagang unahin ng tao ang sarili kaysa sa kapwa D. MALI, ang tao ay dapat isulong ang pansariling interes bago ang kapakanan ng iba 3. Alin sa sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng ugnayan ng karapatan at tungkulin? A. Karapatan ng tao ang magpahayag ng opinyon; Tungkulin niyang gawin ito kahit nakakasakit ng kalooban sa ngalan ng katotohanan. B. Karapatan ng tao ang magkaroon ng ari-arian; Tungkulin niyang ipamana ito sa kaniyang pamilya. C. Karapatan ng tao na mabuhay; Tungkulin niyang siguruhin na alagaan ang kaniyang sarili D. Karapatan ng tao mag-asawa; Tungkulin niyang magkaroon ng mga anak. 4. Likas na sa tao ang hangarin ang mabuti. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil likas na sa tao ang maging makatao o panig sa tao. B. Tama, dahil walang sinuman ang naghahangad ng masama sa kaniyang kapuwa. C. Mali, dahil napag-aaralan ang pagiging mabuti D. Mali, dahil tinutumbasan lamang ng tao ang mabuting ginawa ng kapuwa sa kaniya.
  • 5. 2 5. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil ____________ A. Umaayon sa lahat panahon at pagkakataon. B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam. C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan. D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang. 6. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa paggawa MALIBAN sa: A. Anomang gawaing makatao, nararapat sa tao bilang anak ng Diyos. B. Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa. C. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa. D. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain 7. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa MALIBAN kay: A. Carol na isang kompositor ng awit sa isang sikat na Recording Company. Iginugugol niya ang kaniyang oras sa loob ng kaniyang silid upang makatapos ng isang obra. B. Si Jonas na araw-araw nangongolekta ng basura sa kaniyang mga kapit-bahay kapalit ng barya. Dito niya kinukuha ang pambili nila ng bigas at pantustos sa kaniyang pag-aaral. C. Si Richard ay kinupkop ng kaniyang tuyihin bilang kapalit ng kaniyang pagtira sa mga ito ay kailangan niyang araw-araw na magbantay sa kanilang maliit na tindahan sa Pamilihang Bayan. D. Mang Arthur na matagal na manunulat sa pahayagan. Hindi lamang siya naglilingkod bilang peryodista bagkus ay nagbibigay din siya ng suporta at mungkahi sa kaniyang mga bagitong kasamahan kung paano mapaghuhusay ang kanilang balita. 8. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa? A. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto B. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao C. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto D. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
  • 6. 3 9. Ano ang isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan kung saan ibinibigay ang sarili na hindi naghihintay ng anumang kapalit? A. Pakikilahok B. Bolunterismo C. Paggawa D. Pananagutan 10.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahulugan ng pakikilahok? A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito. C. Ang pakikilahok ay pagtulong kapag walang ginagawa. D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
  • 7. 4 MODYUL 1 Marahil ay pamilyar ka sa “superhero” na si SUPERMAN. Maaaring napanood mo na siya sa pelikula o kaya naman ay nabasa ang istorya sa Marvel Komiks. Alam mo ba na ang sumulat ng naturang komiks na ito ay si Stan Lee? Isa sa mga madalas sabihin ni Lee ay ang mga katagang, “With great power comes great responsibility.” Subalit ano nga ba ang kaugnayan nito sa ating aralin ngayon? Sa Modyul 4 noong unang markahan ay natutunan mo na ang Lipunang Sibil ay inorganisa upang tugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan na bigong tugunan ng pamahalaan kaya sila ay nagsusulong ng iba’t-ibang programa o kaya ay nagpapasimula ng isang kilos-protesta upang ito ay mabigyan ng solusyon. Ngunit, saan nga ba nag-uugat ang kilos na ito ng lipunang sibil? Ano nga kaya ang tunay nilang ipinaglalaban at isinusulong? Sa araling ito, ay malalaman mo ang iyong mga karapatan at tungkulin. Gayundin, mauunawaan mo kung ano ang epekto ng hindi tamang paggamit ng iyong karapatan. Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo din ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: 1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao 2. Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa 3. Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao 4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa
  • 8. 5 Aralin 1 Karapatan at Tungkulin Noong ikaw ay nasa ika-7 baitang, napag-aralan mo na ang pantay na karapatan ng tao. Natutunan mo na rin na ang dignidad ang siyang pangunahing batayan kung bakit ang tao ay pantay sa kaniyang kapwa. Ito ang siyang nagpapabukod-tangi sa isang indibidwal kaya siya ay may kakayahang mag-isip at pumili ng mabuti. Ang dignidad ay isa sa batayan kung bakit ang tao ay may karapatan. Ngunit ano nga ba ang karapatan? Bakit mahalagang may kaakibat itong tungkulin? Sa modyul na ito, malalaman mo kung paano ipapakita ang paggalang sa karapatan ng tao. Maiisa-isa mo rin ang mga pamamaraan upang maipamalas ito. Gayundin ay mauunawaan mo kung ano ang kailangan upang matamasa ito ng may pananagutan. KARAPATAN AT TUNGKULIN Ang pagkatao ng isang tao ayon kay Dr. Manuel Dy, sa kaniyang artikulong pinamagatang, “Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao”, ay ang pagiging sino ng tao, ang paglikha ng bukod-tanging sarili. Dagdag pa rito, “ang sarili ang persona na binubuo ng iba’t ibang kamalayan: kamalayang mag-isip, kamalayang makiramdam, kamalayang kumilos, kamalayang magwika”. Ang mga kamalayang ito ay nagbibigkis upang magkaroon ng patutunguhan ang halaga ng tao. Sa halaga ng tao nakabatay ang kaniyang dignidad. Ang tao ay may malalim na kahulugan at pinagmulan. Ang halaga ng tao ay nasa kaniyang dignidad bilang isang nilikha ng Banal na Nilalang. Bilang isang tao, siya ay may angking karapatan. Ang simulain o ugat ng mga karapatang pantao ay masusumpungan o makikita sa dignidad na taglay ng bawat tao. Dahil din sa dignidad na ito, ang bawat tao ay mayroong karapatan.
  • 9. 6 KARAPATAN Ang karapatan ay tumutukoy sa kung ano ang nararapat o dapat para sa isang nilalang o bagay. Kung ang karamihan ay nakatanggap kung ano ang dapat para sa kaniya, doon uusbong ang tinatawag na hustisya. Ang karapatan bilang isang kapangyarihang moral ay tao ang makikinabang sapagkat tao lamang din ang makagagawa ng isang moral na kilos. Ito ay ang kapangyarihan na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang buhay. Ito ay moral sapagkat hindi ito sapilitan na dapat ibigay sa tao ng kaniyang kapwa. Ang mga karapatan na itinakda ng tao sa lipunan ay nakabatay din sa Likas na Batas Moral at sa kadahilanang ito ay may obligasyon ang tao sa kaniyang kapwa na igalang ito at hindi labagin ang karapatan na mayroon sila. MGA URI NG KARAPATAN Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may anim na uri ng karapatan na hindi maaalis (inalienable). Ito ay ang mga sumusunod: 1. Karapatan sa Buhay – Ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan sapagkat kung wala ito ay hindi maisasagawa ng tao ang iba pa niyang karapatan. Mahalaga ang paggalang sa dignidad sapagkat ito ay pagpapakita ng paggalang sa buhay. 2. Karapatan sa Pribadong Ari-Arian – Ito ay karapatang hindi maiaalis sa tao dahil kailangan niya ang mga ito upang siya ay mabuhay ng maayos. 3. Karapatang Magpakasal – Ang tao ay may kalayaan na bumuo ng sarili niyang pamilya at pumili ng taong makakatuwang niya sa habang-buhay. 4. Karapatang Pumunta sa Ibang Lugar – Kasama sa karapatang ito ang paglipat o pagtira sa lugar na may oportunidad upang magkaroon ang tao ng komportableng pamumuhay at ligtas sa anumang panganib. 5. Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya – Upang mapaunlad ang kaniyang sarili at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa, may karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na nais niyang aniban. 6. Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay – Ang tao ay may karapatang magtrabaho sa bansa o sa ibang bansa kung kaniyang nanaisin lalo na at may oportunidad upang mapaunlad niya ang estado ng kaniyang pamumuhay.
  • 10. 7 ANG KARAPATANG PANTAO Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa, at sa dignidad niya bilang tao. Marami sa mga ito ang ginawa nang batas upang mapangalagaan ang bawat tao sa mundo. Ngunit isaisip na nararapat ding pangalagaan ng tao ang kanyang mga karapatan. Alam mo ba na noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay maraming mga pangyayari ang naganap na nakapag-abuso at yumurak sa pagkatao ng isang tao? Nariyan ang Martsa ng Kamatayan (Death March), ang pagturing sa mga kababaihan bilang “comfort women”, at pagpatay. Dahil sa mga masasaklap na pangyayaring ito sa kasaysayan ay itinaguyod noong Disyembre 10, 1948 ng United Nations General Assembly ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR). Ang deklarasyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng edukasyon ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang. MGA HALIMBAWA NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO Sa ilang mga pagkakataon ay nagagawa ng tao na malabag ang Karapatan ng kaniyang kapwa. Dahil dito ay marapat na maging mulat ang ating mga isip at puso upang maiwasan ang hindi pagkilala sa Karapatan ng kapwa. Narito ang ilang halimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao: 1. Pagpatay sa sanggol (Aborsyon) – ito ay ang pagkitil sa buhay ng isang bagong silang na sanggol o kaya naman ay ang pagpapalaglag sa sanggol habang nasa sinapupunan pa lamang. 2. Pang-aabuso sa bata – ito ay ang pagmamaltrato sa bata sa aspektong pisikal, mental, berbal o emosyonal kasama na ang sapilitang pagpapagawa sa kanila ng iba’t-ibang uri ng krimen. Kadalasan dito ay yung mga nasa sindikato na ginagamit ang paslit sa mga illegal na operasyon tulad ng pagbebenta/ paggamit ng droga, pagnanakaw at iba pa. 3. Diskriminasyon at karahasan sa kababaihan – kabilang dito ang pisikal at sekswal na pang-aabuso sa mga kababaihan maging ito man ay kabiyak o hindi. 4. Pagwawalang-bahala sa may kapansanan – kinapapalooban ito ng hindi makatwirang pagtrato sa mga may kapansanan tulad ng hindi pag-intindi sa kanilang mga pangangailangan o kaya naman ay hindi pagtanggap sa kanila sa larangan ng trabaho.
  • 11. 8 5. Diskriminasyong Pang-Kasarian – ito ay ang usapin ng stereotyping kung saan binibigyan o nilalagyan ng ganap na kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay. Sa konseptong ito, ayon sa paniniwala ay may limitasyon na inilalagay sa kakayahan ng isang tao batay sa kasarian. Kasama dito ang paniniwala na mas malakas ang mga kalalakihan kaysa kababaihan. 6. Pagbebenta o Ginagawang Kalakal ang Tao – laganap sa ibang bahagi ng bansa ang prostitusyon o ginagawang pagkakakitaan ang pagbebenta ng aliw. Pumapasok din dito ang isyu ng “cybersex” kung saan ang ang pagbebenta sa katawan ng tao ay nagaganap “online”. 7. Galit sa Ibang Lahi (Racial Discrimination) – ito ay ang diskriminasyon o hindi pantay na pagtingin ng isang lahi sa ibang lahi. Ito ay dahil sa iba’t- ibang kadahilanan tulad ng personal na paniniwala na mas mataas ang sariling lahi kaysa sa iba, kulay, lugar na pinanggalingan. Isang halimbawa nito ay ang pagpapakita ng poot, biro o insulto sa ibang lahi. 8. Terorismo – ito ay kaguluhan sa isang lugar na ginagamitan ng karahasan para makapaghasik ng takot upang makamit ang isang partikular na adhikain. Ilan lamang ang mga nabanggit na paglabag sa karapatang pantao na matutunghayan natin sa mga pang-araw-araw na balita sa radyo, telebisyon at sa mga social networking site. Nakakalungkot mang isipin ngunit talagang nagaganap ito sa ating lipunan. Kung ang bawat isang tao ay maisasapuso ang mga karapatang pantaong kaloob ng Banal na Nilalang, marahil ay maiiwasan ito, wala sanang masasawi at mamumuhay nang mahirap. TUNGKULIN Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan, saang dako ka man naroroon ay may katumbas na pananagutan. Ang pananagutan o tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo. Bilang isang obligasyong moral, tungkulin ng tao na iwasan o hindi gawin ang isang gawain. Nakabatay naman ito sa kaniyang kilos-loob. Ayon pa rin kay Dy (2013), ang pagtupad sa tungkulin ay kasama sa pagiging moral ng tao dahil ito ay nararapat at nakabubuti. Ang hindi paggampan sa tungkulin ay magbibigay ng hindi magandang epekto sa sarili at sa lipunan.
  • 12. 9 MGA TUNGKULIN NA KATUMBAS NG BAWAT KARAPATAN 1. Sa karapatan sa buhay, tungkulin ng tao na ingatan at alagaan ang sarili at ilayo ito sa anumang panganib na magdudulot ng hindi maganda sa kalusugan. 2. Sa karapatan sa pribadong ari-arian, dapat ay mapalago at mapangalagaan ng tao ang kaniyang pagmamay-ari at magamit ito hindi lamang sa pag-unlad ng pamumuhay kundi higit sa lahat, upang makatulong sa kapwa. 3. Sa karapatang magpakasal, marapat na suportahan ang kaniyang pamilya, gabayan at maging mabuting halimbawa sa mga anak, at pag-iwas sa pang- aabuso sa asawa. 4. Sa karapatang pumunta sa ibang lugar, kaakibat nito ang pagkilala sa pribadong espasyo ng kapwa at pag-alam sa limitasyon sa sariling kalayaan. 5. Sa karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya, ang tao ay dapat na igalang ang paraan ng pagsamba ng kaniyang kapwa. 6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, tungkulin ng tao na magpunyagi at maging mahusay sa anumang gawain. UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RESPONSIBILITIES Ipinahayag ito ng Interaction Council. Ang pagpapahayag ay nagsumikap na tapatan ng kaakibat na tungkulin ang mga nabanggit na karapatang pantao. Ito ay binuo noong taong 1997. Ito ay naglalayong dalhin ang kalayaan at tungkulin sa isang pantay na antas at itaguyod ang kalayaang makilahok sa halip na panaigin ang lipunang hindi nagmamalasakit sa kapwa. Ang bawat karapatan ay marapat na tumbasan ng mga tungkulin. Tandaan na ang bawat isa ay may obligasyon sa kaniyang kapwa na igalang ito at kaniyang dignidad. Ang bawat kabataang tulad mo ay mahalagang maunawaan ang mensahe na ang bawat isa ay tinawag upang tugunan ang kabutihang panlahat sa lipunan sa pamamagitan ng paggamit sa karapatan ng may limitasyon upang hindi malabag ang karapatan ng iba. Ang pagsasabuhay nito ay pagpapakita ng paggampan sa iyong tungkulin sa Diyos at sa lipunan. Tandaan: Ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao. Gayundin, ang bawat karapatan ay marapat na tumbasan ng mga tungkulin upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao.
  • 13. 10 Gawain 1 – KARAPATAN, ATING TUMBASAN Panuto: Punan ang graph sa pamamagitan ng pagtatala ng mga karapatan na dapat mong tinatamasa. Matapos ay tumbasan ito ng tungkulin. Gawain 2 – SITUATIONAL ANALYSIS Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang karapatang pantao na nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag kung sa paanong paraan ito nalabag. Sitwasyon 1: Nabuntis si Ana ng kaniyang nobyo. Siya ay labinlimang taong gulang pa lamang. Hindi alam ni Ana kung paano sasabihin sa mga magulang niya ang nangyari dahil alam niya na siya ay mapapagalitan at maaaring itakwil. Nagpasiya siya na ipalaglag na lamang ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Karapatang Nilabag: ___________________________________________________________ Paano ito nilabag: _____________________________________________________________
  • 14. 11 Sitwasyon 2: Si Jose ang tagapagtaguyod ng kanilang pamilya. Siya ang bukod-tanging inaasahan ng mga magulang na parehas walang trabaho at ng mga kapatid na siya din ang nagpapa-aral. Gayunman ay nakatapos si Jose ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho na dahilan upang umangat ang kanilang buhay. Nang dumating ang panahon na nais ng mag-asawa ni Jose ay nagalit ang pamilya niya at pinigilan siya ng mga ito sapagkat natatakot ang mga ito na hindi na siya makatulong at hindi na maasahan pa. Sitwasyon 3: Malaki ang naging pagkakautang ng pamilya nila Mang Boyet at Aling Rita sa negosyanteng si Don Agustin. Nang hindi makabayad ng buo sa utang ay inilit nito ang kanilang lupaing sinasaka at kinuha ang titulo ng kanilang bahay. Sa kabila ng pakikiusap ng mag-asawa ay hindi nakinig ang negosyante. Bagkus ay tinakot pa sila nito na idedemanda. Mga Tanong: 1. Sa iyong palagay, bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang inilalarawan sa sitwasyon? Pangatwiranan. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Bilang isang kabataan, paano ka makakatulong upang maiwasan ang mga paglabag na ito sa karapatang pantao? Ilahad. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Karapatang Nilabag: ___________________________________________________________ Paano ito nilabag: _____________________________________________________________ Karapatang Nilabag: ___________________________________________________________ Paano ito nilabag: _____________________________________________________________
  • 15. 12 Gawain 1 Panuto: Magmasid sa iyong paligid. Ikaw ba ay nakaranas na o kaya naman ay nakasaksi ng sitwasyon sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan o lipunan/ bansa ng mga paglabag sa karapatang pantao? Itala ang mga pangyayaring naranasan o nasaksihan sa tsart sa ibaba. Matapos ay magbigay ng ilang paraan upang maituwid ang naturang paglabag. Gawain 2: INFOGRAPHIC Panuto: Mula sa mga naitalang paglabag sa karapatang pantao sa tsart sa itaas, ay gumawa ng isang “Infographic” upang maipamalas ang iyong pagkondena o hindi pagsang-ayon sa mga naturang paglabag sa karapatang pantao. Maaaring iguhit ito o kaya ay gawin gamit ang kompyuter. Maging malikhain sa iyong gagawin. Matapos ay kuhanan ito ng larawan at ipadala sa iyong guro. MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO Sitwasyon o Pangyayari Nilabag na Karapatang Pantao Maaaring gawin upang maituwid ang paglabag Pamilya Paaralan Baranggay o pamayanan Lipunan o bansa
  • 16. 13 Kriterya para sa Infographic Kategorya 3 2 1 Nilalaman May maikli ngunit malalim na deskripsyon at ipinaliwanag ang detalye ng piniling paglabag sa karapatang pantao May maikli ngunit hindi gaanong malalim na deskripsyon at hindi gaanong ipinaliwanag ang detalye ng piniling paglabag sa karapatang pantao Hindi malalim ang deskripsyon at hindi ipinaliwanag ang detalye ng piniling paglabag sa karapatang pantao Presentasyon Organisado at maganda ang mga larawan at mga tekstong iginuhit, isinulat o inilagay. Hindi gaanong organisado at hindi gaanong maganda ang mga larawan at mga tekstong iginuhit, isinulat o inilagay. Hindi organisado at hindi maganda ang mga larawan at mga tekstong iginuhit, isinulat o inilagay. Mensahe Nakakapukaw ng interes, atensyon at damdamin ang nais ipahayag ng nilikha. Hindi gaanong nakakapukaw ng interes, atensyon at damdamin ang nais ipahayag ng nilikha. Hindi nakakapukaw ng interes, atensyon at damdamin ang nais ipahayag ng nilikha.
  • 17. 14 MODYUL 2 “Ignorance of the law excuses no one”. Ito ay matatagpuan sa Art. 3 ng Civil Code na nagsasabi na ang kawalan ng kaalaman sa batas ay hindi rason o hindi depensa laban sa paglabag nito. Tunay nga na hindi maaaring maging dahilan ng sinuman ang kanyang limitadong kaalaman sa mga umiiral na batas sa lipunan. Sapagkat bilang kabahagi ng lipunan, nararapat lamang na alamin mo ang mga batas, hindi lamang sa loob ng tahanan kundi pati na rin sa lipunan o komunidad na iyong kinabibilangan. Sa pagtatapos ng Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1. Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. 2. Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral. 3. Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural Law), ay gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng tao at sa kung ano ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang kabutihang panlahat. 4. Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat.
  • 18. 15 Aralin 2 Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral Nakatutuwang basahin ang isang tula mula kay Robert Fulghum na nagsasabi na natutuhan natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay musmos pa lamang (All I Really Need to Know I Learned in Kindergarten). Tulad ng huwag mandaya, mag-ingat sa pagtawid, at iba pa. Ilan lamang ito sa kaniyang mga binanggit at kung iisipin, sa dami ng mga ipinatutupad na batas, at sa mga tungkuling dapat gampanan, gayundin sa dami ng mga sinasabi sa atin na dapat at hindi dapat gawin, napakasimple lang naman ng utos sa tao: Magpakatao, maging Makatao. Sa mga naunang modyul partikular sa pagtatalakay tungkol sa lipunan at kabutihang panlahat, pinagdiinan sa atin na ang bawat isa ay bahagi ng kabuuan ng lipunan. Kung kaya ang lahat ay nararapat magpasakop at maging tagasunod sa mga lider na siyang binigyan ng kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos. Kasama na rito ang pagsunod sa batas na napagkaisahang ipatupad sa loob ng lipunan. FIRST DO NO HARM Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (primum non nocere) ng mga manggagamot? Sinasabi nito na ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi makapagdulot pa ng higit na sakit. Negatibo man ang pagkakasabi at hindi positibo gaya ng “Magbigay lunas,” positibo pa rin ang nais nitong sabihin: laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng posibleng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente. Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba’t kaya nga pinili ng mga doktor ang ganitong propesyon dahil sa pagnanais na makapagpagaling at makatulong? Walang doktor ang magbibigay ng payong medikal na nakapagpapalala ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa operasyon nang hindi handa. Magkagayon man, nakalulungkot, marahil ay may nabalitaan ka na may doktor na nakapagbigay ng maling mga reseta sa kanilang
  • 19. 16 pasyente. May mga kaso rin ng kamatayan dahil sa mga maling prognosis. Nilabag na nga ba ng mga propesyonal na ito ang kanilang mga tungkulin bilang manggagamot? Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang lahat ng tao ay may kakayahang mag- isip. Lahat ng tao may kakayahang makaunawa sa kabutihan. At para kay Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais na mapasama siya. Kung kaya nga kahit tinatamad kang mag-aral, nag-aaral ka pa rin dahil alam mong mabuti ang mag-aral. Kahit natatakot kang magpatingin sa doktor, nagpapatingin ka pa rin dahil alam mong ito ang mabuting gawin upang makita ang kalagayan ng iyong kalusugan. Kahit gustong-gusto mong kuhanin ang naiwang cellphone ng iyong kapatid, hindi mo ito gagawin dahil alam mong ito ay masama. Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuro ito sa atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay, napanood sa telebisyon, nabasa o narinig. Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga narinig o nalaman, may maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti. ANG MABUTI Sinasabi na may natural na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang tumambay sa labas na walang suot na face mask kasama ang barkada ngayong panahon ng Covid-19? Mabuti bang uminom ng alak at manigarilyo? Ang tanungin ang tanong na “Mabuti ba?” bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti. Nakakatakot at delikado ang taong agad may sagot at hindi nag-iisip dahil malamang ang gagawin niya ay piliin lamang ang makabubuti sa kaniya. Ang tunay na nag-iisip ay makailang beses na tinitimbang kung tama ba talaga ang kanyang pipiliin, kung ano ang posibleng epekto ng pagpili, at kung mapaninindigan ba niya ang mga bungang kaniyang haharapin sa kaniyang pinili. Sa pinakasimpleng paliwanag, ang mabuti ay ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
  • 20. 17 ANG TAMA: IBA SA MABUTI Sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira lamang? Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensiyon para kilalaning mabuti ang gawain. Pansinin ang mga sumusunod na mga halimbawa: “Gusto kong pakainin ang aking pamilya, wala akong trabaho ngayong pandemya, kaya magnanakaw ako,” “Gusto kong makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit kaya gagawa ako ng kodigo o mangongopya ako,” “Gusto kong kumita nang malaki kaya mamanipulahin ko ang timbangan ng tinda namin sa palengke.” Kabutihan ang hinahangad ng mga nabanggit na halimbawa kaya lamang, kailangang maunawaang: hindi maaaring ihiwalay ang mabuti sa tama. Maaari bang sabihin ng ama sa kaniyang anak na, “Magpasalamat kayo sa ninakaw ko, may makakain kayo ngayon.” O ng ale sa kaniyang suki, “Suki, pasensiya ka na, babawasan kita ng isang guhit dahil may hinuhulugan pa akong alahas.” Maibabalik ba ng isang tao ang buhay ng kapuwa kung sa maling pasiya niya ay naging dahilan ito ng kamatayan ng kaniyang kaibigan? Sapat na ba ang sabihing, “Mabuti ang aking hangarin.” Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak, at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawing pagpili. Kung nais nang magpakasal ni Estella at Ruben, kailangan nilang siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag- asawa – ang bahay, ang pambayad ng kuryente, tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang mag-asawa, tama na ba ito agad? Kahit sa gamot, mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat ding tignan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay. Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa isang tao ayon sa sakit na mayroon siya. Tulad din ng Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao. ANG KAISA-ISANG BATAS: MAGING MAKATAO Wala bang mabuti na tama para sa lahat? Sa lawak ng sansinukob at sa kahinaan ng ating kakayahang umalam, napakahirap humanap ng isang tama na sasang-ayunan ng lahat. Iba-iba ang kultura, relihiyon, at paniniwala. Iba-iba ang layunin, iba-iba ang mga pamamaraan. Maaaring magkasundo-sundo ang nagkakaiba-ibang mga tao ayon sa mabuti, ngunit babalik pa rin sa iba’t ibang paraan ng pagtupad nito. Walang isang porma ng tama ang mabuti. Mag-aanyo ito ayon sa kundisyon at hinihingi ng pagkakataon.
  • 21. 18 May liwanag ng karunungan tayong maaaninag sa sinumpaan ng mga doktor: First Do No Harm. Anumang kalagayan ang kasadlakan ng tao, isa ang babalikan natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang mabuti at tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay ingatan ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng Likas na Batas Moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin na maging makatao (panig sa tao): ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan. LAHAT NG BATAS: PARA SA TAO Dito nakaangkla ang Pandaigdigan na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa dahil magandang pakinggan na kunwari may dignidad ng tao. Talagang nakikita nila, mula sa iba’t ibang panig ng mundo, na mahalagang ingatan ang dignidad ng tao. Matinding kinukondena ng pahayag ang anumang uri ng paniniil at paglalaspatangan sa tao. Naniniwala silang ang pag-unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan. Ang bawat estado (state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa kanilang konstitusyon ang mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksiyon ang mga karapatang ito. Ang mga batas naman na nilikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. Kaya may batas laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata dahil tao ang mga bata. Kaya may mga batas na magbibigay budget sa edukasyon dahil kailangang mahubog ang pag-iisip at karaktek ng tao. Kaya may batas na magtatalaga ng pinuno ng bayan (eleksyon) dahil mahalaga ang boses ng lahat ng tao sa pagpapatakbo ng kolektibong kasaysayan. Ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.
  • 22. 19 LIKAS NA BATAS MORAL: BATAYAN NG MGA BATAS NG TAO Nagtagumpay na ba ang bansa na tupdin ang pagpapahalagang ito? Isang proseso ang pagtupad sa mabuti. Hindi laging tama. Madalas pa nga nagkukulang ang mga estado sa pagtalima sa tawag ng mabuti. Dala na rin ito ng napakaraming tinig at mukha na kailangang pakinggan at tignan. Hindi perpekto ang batas. Subalit, muli, babalik tayo sa depinisyon ng mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at pagsisikap na matupad ito. Kung ang buhay sana ay tulad ng cellphone na may kasamang instruction manual, madali sana ang lahat. Kung ang katawan natin ay may instruction manual, madali na sana sa doktor ang makatiyak sa gamot, nutrisyon, at pag-aalagang mabisa sa lahat. Sa kasamaang palad, walang instruction manual ang tao at ang mundo. Matutupad ba natin ang Likas na Batas na Moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti- nagtataka, nagtatanong - tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti. Ano ang pinakaunang hakbang? First do no harm. Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. Matutupad ba natin ang Likas na Batas na Moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot: habang may nakatingin sa mabuti- nagtataka, nagtatanong - tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti. Mahalagang ingatan ang dignidad ng tao. Ang pag-unlad ng isang bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan. Ito ay naipahahayag sa pamamagitang ng konstitusyon ng mga bansa na nagpapahayag ng mga karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksiyon ang mga karapatang ito. Sapagkat ang lahat ng batas ay para sa tao.
  • 23. 20 Gawain 1 1. Makipagkuwentuhan sa iyong magulang. Tanungin sila kung paano itinuro ng kanilang mga magulang, na lolo at lola mo na ngayon, ang mga alituntunin o batas noong sila ay kasing edad mo pa lamang. Maging mapagmasid kung paano nila ito kinukuwento at ang kanilang nararamdaman. 2. Gabay na mga tanong: a. Ano ang naramdaman at napagtanto mo habang nakikipagkuwentuhan sa iyong magulang? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ b. Sang-ayon ka ba sa iyong mga narinig o nalaman? Bakit Oo o Hindi? Ipaliwanag. __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ c. Ano ang nais mong sabihin sa iyong magulang tungkol dito? __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ Gawain 2 Panuto: 1. Tanungin ang magulang kung ano ang tatlong importanteng utos na kailangang malaman at matutunan ng isang anak na tulad mo upang maging isang responsableng mamamayan sa loob ng lipunan. Ilista at ipaliwanag kung bakit ito ang pinakamahalaga. Ang Tatlong Importanteng Utos: A._______________________________________________________________________________ B._______________________________________________________________________________ C._______________________________________________________________________________ 2. Sa isang short bondpaper naman, sa tatlong importanteng utos na isinulat mo, pumili ng isa sa tingin mo ay pinakamahalagang utos. Gumawa ng poster na may pamagat na “Ang Pinakamahalagang Utos ng Aking Magulang.” Maging malikhain at makulay sa paggawa nito.
  • 24. 21 Gawain 1 Panuto: 1. Magsagawa ng pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa kasalukuyan. 2. Pumili ng tatlong batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan mong nakatuon ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat. 3. Pumili rin ng tatlong batas na iyong tinututulan dahil pinaniniwalaan mong hindi nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat. 4. Mahalagang pangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon. Mahalagang banggitin sa pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang lumalabag sa Likas na Batas Moral. 5. Sa iyong kuwaderno, gamitin ang pormat sa ibaba sa iyong pagsagot. Mga Tanong: 1. Ano ang mas dapat sundin- ang mabuti o ang tama? Bakit? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
  • 25. 22 2. Magbigay ng isang pagkakataon sa iyong buhay na kung saan naranasan mo ang tunggalian ng mabuti at tama. Ano ang iyong ginawa? Ano ang nagtulak sa iyo para ito ang piliin mo? Ipaliwanag. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Gawain 2 Panuto: Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng batas para sa ikabubuti ng iyong pamayanang kinabibilangan, anong batas ang unang gagawin mo at ipatutupad? ANG AKING PANUKALANG BATAS Kung mapagtitibay ang panukalang ito, ang mga sumusunod ang inaasahang mabuting maidudulot nito sa komunidad: 1. ______________________________________________________________________________ 2. ______________________________________________________________________________ 3. ______________________________________________________________________________ Repleksiyon: Ano-anong reyalisasyon ang aking natutunan at natuklasan sa gawaing ito? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________
  • 26. 23 MODYUL 3 “Walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa.” Linya mula sa pamosong awit na may pamagat na “Pananagutan”. Ipinababatid ng nasabing awitin na ang bawat isa ay may pananagutan at tungkuling dapat gampanan sa lipunang ating kinabibilangan. Sa ngayon, isa ka pa lamang mag-aaral, nasa proseso ka ng paghubog ng iyong sariling talento, kaalaman at kakayahan. Inihahanda mo ang iyong sarili sa kahaharaping responsibilidad. Susunod ka na sa yapak ng mga manggagawang iniidolo mo ngayon, magiging bahagi ka ng Lakas Paggawa ng ating bansa na maglilingkod at magtataguyod ng dignidad ng tao. Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: 1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggawa bilang tagapagtaguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod. 2. Nakapagsusuri kung ang paggawang nasasaksihan sa pamilya, paaralan o baranggay/pamayanan ay nagtataguyod ng dignidad ng tao at paglilingkod. 3. Napatutunayan na sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat, bunga ng kanyang paglilingkod, ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kaniyang pagkatao. 4. Nakabubuo ng sintesis tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam sa mga manggagawang kumakatawan sa taong nangangailangan (marginalized) na nasa iba’t ibang kurso o trabahong teknikal - bokasyonal.
  • 27. 24 Aralin 3 Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao Habang ikaw ay nagkakaedad ay unti-unti mo na ring nakikilala ang iyong sarili, natutuklasan ang iyong mga kakayahan at nauunawaan na ikaw bilang tao ay nagtataglay ng kakayahan at talentong huhubugin bilang paghahanda sa kaniyang magiging propesyon sa hinaharap. Tunay na ang pagsisikap na ginagawa mo ngayon ay paghahanda sa iyong hinaharap. Maglilingkod, kikilos at gagawa ka hindi lamang para sa iyong sariling kabutihan kundi maging sa ikabubuti ng iba, ikauunlad ng iyong bansa at ikalulugod ng ating Panginoon. Magiging bahagi ka ng ating lakas-paggawa, magbabayad ng buwis, magkakaroon ng kakayahang bilhin ang iyong mga pangangailangan, makatutulong sa ating ekonomiya at magbibigay serbisyo sa iba. ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO Ano nga ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang tao? Bilang kabataan, nagkakaroon ka na marahil ng pagkaunawa tungkol sa paggawa bilang bahagi ng reyalidad ng buhay: isang bagay na hindi maaaring takasan at kailangang harapin sa bawat araw. Sa pagdaan ng panahon, mas mauunawaan mo at malalaman kung bakit mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao. Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009). Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay isang aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay. Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas o anunsiyo para sa mga produkto at komersiyal o pagsulat ng aklat. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education, 1991).
  • 28. 25 Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na paggawa. Ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, na nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya bukod-tanging nilikha. Sa simula pa lamang ng paglikha sa tao, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain. Ipinagkatiwala sa kaniya ang pangangalaga at pamamahala sa lahat ng Kaniyang nilikha. Inilaan siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain. Sa lahat ng mga nilikhang may buhay, tanging ang tao lamang ang inatasan ng mga gawaing ginagamitan ng talino. Hindi katulad ng mga hayop na gumagawa lamang kapag ginagabayan o inaatasan ng tao o maaaring gumagawa lamang sila sa dikta ng kanilang instinct upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Taliwas sa mga hayop, may malalim na layunin ang paggawa ng tao. Patunay ito na ang kakayahan sa paggawa ang isa sa nagiging dahilan upang magamit ng tao ang kaniyang kalikasan. Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao. Hindi matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Samakatwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa; sa kaniyang pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isa pang dahilan ng pag-ral ng tao – ang pagiging bahagi ng isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain. Ang paggawa ay anumang gawain – pangkaisipan man o manwal, anuman ang kalikasan o kalagayan nito, na makatao, na nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos. At sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isa pang dahilan ng pag-ral ng tao – ang pagiging bahagi ng isang komunidad, ang gumawa hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito.
  • 29. 26 ANG MGA LAYUNIN NG PAGGAWA 1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Kailangan ng taong gumawa para mabuhay. Hindi maaaring maging katulad siya ng isang parasite na laging iniaasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay. Hindi mabubuhay ng maginhawa ang tao kund hindi siya magtatrabaho. Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang kaniyang dangal. Ito ang dahilan kung bakit ninanais ng mga magulang na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak: upang makakuha ng disenteng trabaho ang mga ito at hindi makaranas ng kaparehong kahirapan. Kailangang isaisip at isapuso na hindi tayo dapat magpaalipin sa paggawa. May mga taong ang paggawa na lamang ang halaga ng kaniyang pag-iral. Sa pagkakataong ganito, hindi nila makikita ang tunay at malalim na kahulugan ng buhay. Hindi maikakaila ang kahalagahan ng paggawa, ngunit ang Diyos at hindi paggawa ang pinagmulan at ang patutunguhan ng buhay. 2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya. Pinagkalooban ng Diyos ang tao ng talento upang gamitin ito sa pag-unlad niya at ng pamayanan. Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan. Dahil sa natatanging talino ng tao na ipinagkaloob ng Diyos, napagyayaman ang agham at teknolohiya. Nakalilikha ang tao ng teknolohiya, bunga ng kaniyang patuloy na pag- aaral sa pangangailangan ng tao, na nakapagpapadali at nakapagpapabilis sa kaniyang produksiyon. Nakikita ang tulong na naibibigay ng agham at teknolohiya upang mapadali ang pamumuhay ng tao at pamaunlad ang ekonomiya.
  • 30. 27 3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan. Hinaharap natin sa kasalukuyan ang katotohanan na maraming tao ang natutuon na lamang ang pansin sa paggawa upang kumita ng salapi. Nakatuon na lamang ang layunin sa pagsisikap sa paggawa para sa pansariling pag-unlad. Mahalagang maunawaan na ang paggawa ay mayroong panlipunang aspekto at hindi kailangang ihiwalay ang pananagutan natin para sa pag- angat ng kultura at moralidad ng lipunang ating kinabibilangan. Mahalaga ring maunawaan na ang paggawa ay nararapat na patuloy na nagpapayaman sa kultura ng lipunan na kinabibilangan. Hindi nito dapat na pinapatay ang ating pagkakakilanlan para lamang makasunod sa agos ng modernisasyon. 4. Upang tulungan ang mga nangangailangan. Ang paggawa ay isang obligasyon, hindi isang tungkulin ng isang tao. Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at sa pangangailangan na panatilihin at pagyamanin o paunlarin ang sangkatauhan. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan, at sa bansa. Ang lahat ng ito ay malinaw na nagpapaliwanag sa ating moral na obligasyon na tumulong sa ating kapuwa na nangangailangan. Kasama sa tungkulin ng tao bilang isang bahagi ng lipunan na magbahagi ng anuman ang mayroon siya para sa kapuwang nangangailangan. 5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito. Kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran. Nakalulungkot na may mga taong tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin. Inaakala ng marami na ito na ang kaganapan ng kanilang pagkatao. Ngunit sa maraming mga pagkakataon, napagtatanto ng tao na kahit gaano kalayo na ang kaniyang narating, kahit gaanong yaman na ang
  • 31. 28 kaniyang naipon, o kahit gaano na kataas ang paggalang ng ibang tao sa kaniya dahil sa kaniyang nakamit, ay hindi pa rin makakamit ng tao ang tunay na kaligayahan na siyang pinakahuling tunguhin ng tao. Kailangang maging malinaw na ang pagbibigaay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi dapat nagwawaglit sa pag- aalay nito para sa kapurihan ng Diyos. ANG SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA Ang obheto ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. Ang nakagisnan ng taona uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti-unti ng nagbago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na tao rin ang nagdisensyo at gumawa. Hindi maikakaila na ito ang nagdulot ng malaking pagbabago sa sibilisasyon. Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang gawain ng tao. Ito ang dahilan kung bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga makinarya na makatutulong upang mas maging madali ang paggawa para sa tao. Ang teknolohiya ay katulong ng tao. Ngunit dahil din sa mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain. Dahil inaako na ng makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, hindi na nakikilala ang kaniyang pagkamalikhain at malalim na pananagutan. Dahil sa taglay na kakayahan ng tao, siya ay binigyan ng Diyos ng karapatan at tungkulin na mamahala sa mundo at sa iba pang nilikha. Ang tao lamang ang may kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip, magpasiya para sa kaniyang sarili at kilalanin nang lubusan ang kaniyang sarili. Nasa kaniyang kakayahan na gumawa at gumanap ng iba’t ibang kilos na kailangan sa proseso ng paggawa. Kung kaya, maituturing na ang subheto ng paggawa ay ang mismong tao. Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa, ngunit mahalagang tandaan na ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Hindi maaaring ituring ang tao bilang isang kasangkapan na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa; bagkus, kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan.
  • 32. 29 Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa produktong bunga nito kundi sa katotohanang ang gumagawa nito ay ang tao. Ang produkto ng paggawa ay indikasyon ng dedikasyon at pagmamahal ng taong gumawa nito. Ang dignidad na dumadaloy sa paggawa ay nakikita sa taong gumagawa nito. Mas kailangang manaig ang subheto kaysa sa obheto ng paggawa. ESENSIYA NG TAO SA MUNDO Ang paggawa ang daan tungo sa: • Pagbuo ng tao ng kanyang pagkakakilanlan at kakanyahan • Pagkamit ng kaganapang pansarili • Pagtulong sa kapwa upang makamit ang kanyang kaganapan ANG PANLIPUNANG DIMENSIYON NG PAGGAWA Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kaniyang kapuwa. Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap, at kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Dito lamang makakamit ang pagkakapatiran –ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa. Ang tunay na halaga ng tao ay nakabatay sa kung paano niya pinagsisikapang hubugin ang pagkatao tungo sa kabutihan. Hindi ito nakabatay sa anumang pag- aari o yaman. Mahalagang tandaan na ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi; tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.
  • 33. 30 Gawain 1: PAGSUSURI NG TULA Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng tula at sagutin ang mga katanungan ukol dito. Bagong Bayani sa Kabataang Tulad Ko ni Maestro Jann Rencille B. Quinto Kawani, manggagawa, trabahador, empleyado, mga lingkod-bayang nagbibigay ng serbisyo, maglilingkod ng pulido, di-alintana ang sweldo, bagong bayani, dangal ng Pilipino. Doktor, pulis, manager, abogado, service crew, pahinante, guro at bumbero, Nars, traffic aid, tubero at tindero, tagawalis ng kalsada, magsasaka, kasambahay at kartero. Ang gurong sa iyo’y nagturong magbasa, sundalong pinananatili kapayapaan sa tuwina. Hukom ang bahalang sa kaso’y magpasya Abogado’y tagapagtanggol ng mga naaaba. Tagasugpo ng apoy ang mga bumbero, tagahatid ng mensahe ang mga kartero. nars ang susuri katuwang ng doktor mo, kawani ng gobyernong nakangiting magserbisyo. Mag-aral nang mabuti sapagkat ikaw na, ang susunod sa mga manggagawang katulad nila. Maglilingkod sa bayan, magbibigay ng pag-asa, sa lipunang minsa’y nababalot ng pangamba. Pagpupugay ang alay namin sa inyo, Bagong bayani sa kabataang tulad ko. Kabutihang panlahat ang ninanais ninyo, dapat kayong pamarisan, ituring na idolo.
  • 34. 31 Batay sa iyong pagkakaunawa, sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang kahulugan ng paggawa para sa iyo? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 2. Bakit itinuturing na makabagong bayani ang mga manggagawang Pilipino? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 3. Paano masasabi na ang paglilingkod ay para sa kabutihang panlahat? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 4. Anong linya ng tula ang pinakatumatak sa iyo? Bakit? ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ Gawain 2: Pagkumpleto sa Talata Panuto: Mula sa iyong mga natutunan, punan ng iyong sariling kasagutan ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Ang paggawa ay pagpapamalas ng ______________________________________ tungo sa _______________________________________. Ang isang mangagagawa ay marapat na ______________________________________ sapagkat ang paglilingkod ay pagpapakita at pagpaparamdam ng ______________________________________ ilang isang manggagawa sa hinaharap sa propesyon ______________________________________, magsisilbi ako nang ______________________________________.
  • 35. 32 Gawain 1: PAGSASABUHAY Panuto: Gumawa ng sariling kasabihan tungkol sa kahalagahan ng paggawa na magsisilbing gabay sa iyong paggawa. Ipaliwanag kung paano makatutulong ang kasabihang ito sa pagganap mo sa iyong gawain. Ang Aking Kasabihan Makatutulong ang kasabihang ito sa pagganap ng aking gawain sa pamamagitan ng __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________. Gawain 2: JOURNAL WRITING Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa journal ang iyong reyalisasyon tungkol sa mga ito: 1. Bakit sinasabing kaganapan ng ating pagkatao ang paggawa? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Bakit dapat maunawaan ng lahat ang tunay na kahalagahan ng paggawa? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
  • 36. 33 MODYUL 4 Tara! Sali ka? Gusto mo? Masaya ‘to! Mga salitang mapanghikayat upang mapabilang sa isang gawain na makakatulong sa iba at makapagbibigay ng hindi maipaliwanag na kaligayahan. Isang karanasan kung saan maglalaan ka ng iyong oras, panahon, at kakayahan para sa ikabububuti ng ibang tao. Naranasan mo na ba na may gawin para sa iba ng hindi iniisip ang benepisyo na makukuha mo mula dito? Sa modyul na ito, ating tutuklasin ang lalim ng kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo. Maaaring makaramdam ka ng paghamon upang subukin ang sarili kung hanggang saan mo kayang tumulong at makagawa ng sakripisyo para sa ibang tao. Magkakaroon ka ng mas malawak na pang-unawa sa resulta nito hindi lamang para sa sarili kundi pati sa lipunang ginagalawan. Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa: 1. Naiuugnay ang kahalagahan ng pakikilahok at bolunterismo sa pag-unlad ng mamamayan at lipunan 2. Nakapagsusuri ng kwentong buhay ng mga taong inilaan ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa pagboboluntaryo. Hal. Efren Peñaflorida, greenpeace volunteers atbp. 3. Napatutunayan na: a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan, panlipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat b. Bilang obligasyong likas sa dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan 4. Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa baranggay o mga sektor na may partikular na pangangailangan, Hal. mga batang may kapansanan o mga matatandang walang kumakalinga.
  • 37. 34 Aralin 4 Pakikilahok at Bolunterismo Ang ating bansa ay suki ng bagyo at kalamidad dahil nakapaloob tayo sa Ring of Fire. Dahil dito ay maraming pamilya ang nasasalanta taon-taon at nangangailangan ng tulong. Nakita natin na hindi naging maramot ang mga Filipino sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailang. Pinansiyal man na tulong ito o serbisyo upang matulungan silang bumangon mula sa unos na kanilang pinagdaraanan. Sa nagdaang aralin sa Modyul 7 ay natutunan mo na ang isa sa layunin ng tao sa paggawa ay upang makapaglingkod sa kaniyang kapwa. Sa aralin na ito naman ay tutuklasin natin ang mas malalim na kahulugan ng pakikilahok at bolunterismo at sisikapin natin na maging parte ito ng araw-araw nating pamumuhay. Mahalaga ba ang pagdamay sa kapwa? Hanggang saan mo kayang makilahok? Hanggang saan mo kayang magsagawa ng bolunterismo? O may hangganan ba ito? Naranasan mo na ba ang tumulong sa kapwa o hindi kaya ay mag-boluntaryo sa isang gawain sa inyong komunidad? Sa kasalukuyan ay maraming pinagdadaanan ang ating bansa tulad na lamang ng mga kalamidad, krisis at pandemya. Laman ito ng mga babasahin at panoorin sa araw- araw. Marami sa ating kapwa ang apektado – mga nagkakasakit, nawalan ng hanap- buhay, o kaya ay dumaranas ng emosyonal o mental na pagsubok sa buhay. Tunay na nakakalungkot hindi ba? Marahil ay nasabi mo din sa iyong sarili, “Nakakaawa naman sila, paano na kaya sila? Sana ay may tumulong naman sa kanila.” Para sa isang kabataang tulad mo ay marahil maisip mo din na baka wala kang magagawa. Baka hindi mo kakayanin ang tumulong at hindi sapat ang iyong kakayahan. Ngunit marapat mong isipin na wala sa edad ang basehan upang makatulong sa kapwa. Bilang kabataan, malaki ang iyong gampanin upang makatulong sa kapwa at lipunan. Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan, ng pakialam sa kapwa at pagdamay sa kanila sa oras ng pangangailangan.
  • 38. 35 “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.” – Pananagutan Mula sa isang kanta na nagpapaalala na ang tao ay hindi nabubuhay para sa kanyang sarili lamang. Kailangan nating magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating pananagutan sa ibang tao. Hindi makakamit ng isang tao ang kaniyang kaganapan kung hindi siya nakikipamuhay na kasama ng iba. Tao: Panlipunang Nilalang Nakakamit ng isang tao ang tunay niyang kaganapan sa pamamagitan ng pakikipamuhay kasama ang kaniyang kapuwa at mangyayari ito sa pakikilahok niya sa lipunan. Ang lipunan lamang ang natatanging lugar upang makamit ng tao ang kaniyang tunguhin. Ito ang nagbibigay kahalagahan na makabahagi ang tao sa mga gawaing panlipunan upang makatulogn ito sa pagbuo ng kaniyang pagkatao. Mula sa mga nabanggit, paano mo ito sisimulan? Anu-ano ang dapat mong gawin upang matugunan ang pangangailangan sa iyong paligid? Simulan natin ‘yan sa pakikilahok. Pakikilahok Ito ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayanat pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Makakamit lamang ang pakikilahok kung kinikilala ng tao ang kaniyang pananagutan. Mahalaga ang pakikilahok sapagkat una, maisasakatuparan ng tao ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan. Ikalawa, magagampanan ng tao ang mga gawain o isang proyekto ng mayroong pagtutulungan. At ikatlo, maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo. Ang obligasyon na ito ay likas dahil sa taglay na dignidad ng tao. Narito ang mga antas ng pakikilahok na makakatulong sa pakikibahagi sa lipunan ayon sa isang manunulat na si Sherry Arnsteinis:
  • 39. 36 Ang pakikilahok ay isang patuloy na proseso na hangga’t mayroong kakayahan ang isang taong gawin para sa ikabubuti ng lipunan. Ito ang magbibigay kabuluhan sa pagiging tao. Sa pamamagitan din ng pakikilahok ay nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at talento na makakapagbibigay sa kaniya ng tiwala sa sarili. Bolunterismo Ano nga ba ang bolunterismo? Ito ay isang paraang ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan. Magaganap ito sa pamamamagitan ng pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay tinatawag ding bayanihan, damayan, kawanggawa, o bahaginan. Mayroong benepisyo ang pagsasagawa ng Bolunterismo: 1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod. 2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago. 3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan. 4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba. 5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili. Pagsuporta: Pagbabahagi ng kung anuman ang mayroon (talento, kakayahan, o pinansiyal) basta't ito ay bukal sa puso. Sama-samang pagkilos: Ang bawat isa ay kikilos nang sama-sama upang makatulong sa kaniyang lipunan na magdudulot ng pagbabago. Sama-samang pagpapasiya: Pagsasaalang-alang ng kabutihang maidudulot ng pagpapasiya hindi lamang sa sarili kundi ng mas nakararami Kosultasyon: Pakikinig sa puna o opinyon ng iba na maaaring makatulong sa katagumpayan ng isang poryekto o gawain. Impormasyon: pagbabahagi ng nalalaman o nakalap na impormasyon na makakatulong upang madagdagan ang kaalaman ng iba.
  • 40. 37 Pakikilahok at Bolunterismo Ang dalawang pagkilos na ito ay may pagkakaiba na makikita sa talahayanan sa ibaba. Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng bolunterismo ngunit lahat ng bolunterismo ay may aspekto ng pakikilahok. May tatlong T’s na dapat makita sa Pakikilahok at Bolunterismo ng isang tao: 1. Time (Panahon) – Gamitin ang panahon ng buong husay dahil kapag ito ay lumipas hindi na ito maibabalik pa. 2. Talent (Talento) – Ito ay makatutulong hindi lamang sa iba kundi pati sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili. 3. Treasure (Kayamanan) – Gaano man ito kaliit o kalaki ang mahalaga ay kusa itong ibinigay ng buong puso para sa nangangailangan. Bilang kabataan, may pananagutan ka sa iyong kapuwa at lipunan. Gamitin ang iyong panahon, talent, at kayamanan para sa ikabubuti ng iyong sarili at ikauunlad ng iba. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ka ng kaganpan sa iyong buhay, isang buhay na kumpleto at masaya. PAKIKILAHOK BOLUNTERISMO Nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangang gawin, kundi mayroong mawawala sa iyo. Walang epekto kung hindi gagawin. Mananagot ka lamang sa iyong konsensiya sa hindi pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa. Halimbawa: Paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng guro
  • 41. 38 Gawain 1: Graphic Organizer Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang Batayang Konsepto. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Ang at ng sa mga gawaing batay sa kaniyang ay makatutulong sa pagkamit ng . Gawain 2: Maikling Sanaysay. Panuto: Magbigay ng sariling pananaw tungkol sa pahayag na ito. “Masaya ang isang tao kapag siya ay nakapaglilingkod at nakapagbabahagi ng kontribusyon sa kaniyang kapuwa at sa lipunan. Dahil dito, nagkakaroon ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa kapuwa o lipunan.” ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ Kraytirya: Nilalaman (35%) : Naipakikita at naipaliliwanag ng maayos ang ugnayan ng Konseptong isinulat sa pahayag Organisasyon (35%) :Mahusay ang pagkakasunudsunod ng mga ideya, malinaw at makabuluhan. Pagkamalikhain (20%) : Lubos na nagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagsulat ng maikling sanaysay at orihinal ang mga ideyang ginamit Mechaniks (10%) : Wasto ang mga ginamit na salita at pagbabantas Kabuuan: 100% BOLUNTERISMO KABUTIHANG PANLAHAT KAKAYAHAN PAKIKILAHOK PANLIPUNAN TAO 1. 2. 3. 4. 5. 6.
  • 42. 39 Gawain 1: Talento mo, Gamitin mo! Panuto: Tingnan ang kahon sa ibaba. Isulat sa unang kolum ang iyong mga talento o kakayahan. Sa ikalawang kolum, isulat ang iyong mga maaaring gawin o maitulong gamit ang iyong mga talento / kakayahan sa loob ng inyong tahanan. Sa ikatlong kolum, ipasulat ang komento mula sa nakakatanda sa inyong bahay kung ito ay nagawa mo at palagyan ng lagda. TALENTO / KAKAYAHAN PAANO KO GAGAMITIN? KOMENTO NG NAKAKATANDA AT LAGDA 1. 2. 3. 4. 5.
  • 43. 40 REPLEKSYON: Ano ang nabago sa iyong pananaw at pagkaunawa sa pakikilahok at bolunterismo? Paano mo ito maisasabuhay? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Gawain 2 Panuto: Gumawa ng isang poster na naghihikayat sa mga tao upang makilahok sa isang gawain na makakatulong para sa mga mag-aaral na nahihirapan makasunod sa “new normal.” Ilagay din ang detalye ng naisip na programa. Gawing malikhain ang paggawa. Halimbawa: Ikaw naman: Sampung piso mo, Pang kinabukasan ko Isang programa upang bigyan ng pangload ang isang mag-aaral araw- araw para sa kanyang online consultation sa kanyang guro upang makasunod sa kanilang aralin.
  • 44. 41 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinaka-angkop na sagot. Isulat ang letra ng iyong sagot sa kwaderno. 1. Alin sa sumusunod na halimbawa ang nagpapakita ng ugnayan ng karapatan at tungkulin? A. Karapatan ng tao ang magpahayag ng opinyon; Tungkulin niyang gawin ito kahit nakakasakit ng kalooban sa ngalan ng katotohanan. B. Karapatan ng tao ang magkaroon ng ari-arian; Tungkulin niyang ipamana ito sa kaniyang pamilya. C. Karapatan ng tao na mabuhay; Tungkulin niyang siguruhin na panatilihing malusog at malakas ang kaniyang pangangatawan upang makaiwas sa sakit D. Karapatan ng tao mag-asawa; Tungkulin niyang magkaroon ng mga anak. 2. Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil ____________ A. Umaayon sa lahat panahon at pagkakataon. B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam. C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan. D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang. 3. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa? A. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto B. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao C. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto D. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao 4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahulugan ng pakikilahok? A. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. B. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito. C. Ang pakikilahok ay pagtulong kapag walang ginagawa. D. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
  • 45. 42 5. Ang tungkulin bilang tugon sa karapatang pantao ay hindi para sa sarili lamang. Ang pahayag ay: A. TAMA, dahil ang tao ay hindi nabubuhay ng mag-isa. B. TAMA, sapagkat mahalagang isaalang-alang ng tao na maging ang kaniyang kapwa ay may mga karapatang taglay na hindi niya dapat malabag C. MALI, mahalagang unahin ng tao ang sarili kaysa sa kapwa D. MALI, ang tao ay dapat isulong ang pansariling interes bago ang kapakanan ng iba 6. Ang paghangad sa mabuti ay likas na sa tao. Ang pangungusap ay: A. Tama, dahil likas na sa tao ang maging makatao o panig sa tao. B. Tama, dahil walang sinuman ang naghahangad ng masama sa kaniyang kapuwa. C. Mali, dahil napag-aaralan ang pagiging mabuti D. Mali, dahil tinutumbasan lamang ng tao ang mabuting ginawa ng kapuwa sa kaniya. 7. Ano ang isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan kung saan ibinibigay ang sarili na hindi naghihintay ng anumang kapalit? A. Pakikilahok B. Bolunterismo C. Paggawa D. Pananagutan 8. Ipinapakita ng mga sumusunod na indibidwal ang paggawa MALIBAN kay: A. Maita na isang kompositor ng awit sa isang sikat na Recording Company. Iginugugol niya ang kaniyang oras sa loob ng kaniyang silid upang makatapos ng isang obra. B. Si Bobbie na araw-araw nangongolekta ng basura sa kaniyang mga kapit-bahay kapalit ng barya. Dito niya kinukuha ang pambili nila ng bigas at pantustos sa kaniyang pag-aaral. C. Si Lorie ay kinupkop ng kaniyang tuyihin bilang kapalit ng kaniyang pagtira sa mga ito ay kailangan niyang araw-araw na magbantay sa kanilang maliit na tindahan sa Pamilihang Bayan. D. Mang Tony na matagal na manunulat sa pahayagan. Hindi lamang siya naglilingkod bilang peryodista bagkus ay nagbibigay din siya ng suporta at mungkahi sa kaniyang mga bagitong kasamahan kung paano mapaghuhusay ang kanilang balita.
  • 46. 43 9. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa? A. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto B. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao C. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto D. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao 10. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan. A. Karapatang Mabuhay B. Karapatang Magtrabaho C. Karapatang Magpakasal D. Karapatang Magkaroon ng Ari-Arian
  • 48. 45 Sanggunian Brisuela, Mary Jean B. et.al (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Modyul para sa Mag-aaral 9, pp. 225-230 Punsalan, Twila G. et.al (2019). Paano Magpakatao – Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Rex Book Store., pp. 155-180 Dy, Manuel B., (2013). Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao. Kaisipan 1, Bilang 1 (Mayo 2013). pah. 18-27 Dy Jr., M. B. (1998). Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral. Quezon City: Office of Research and Publications. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang; Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015. Kagawaran ng Edukasyon, FEP Printing Corporation. pah. 79-94 Education, D. o. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pp. 65-78. Pasig City. Pakikilahok at Bolunterismo. (2015). In M. B. Dy & F. A. Hidalgo (Eds.), Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasiyam na Baitang: Maodyul para sa Mag- aaral (Unang Edisyon ed., pp. 118-128). FEP Printing Corporation. Mula sa Internet: Origin and uses of primum non nocere--above all, d. n. (2013, October 10). Retrieved from http://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/15778417 PIXY#ORG. (2020, October 20). Retrieved from pixy.org: https://pixy.org/517269/
  • 49. 46 The LAWPHIL Project. (2020, October 10). Retrieved from lawphil.net: https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1949/ra_386_1949.html The Natural Law Tradition in Ethics (2013, October 9). Retrieved from http://plato.stanford.edu/entries/natural-law-ethics/
  • 50. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division Office Navotas Learning Resource Management Section Bagumbayan Elementary School Compound M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City Telefax: 02-8332-77-64 Email Address: [email protected]