2. TAUHAN - Ang nagbibigay-buhay sa akda.
Ang tauhan ay maaaring maging Mabuti o
masama. Ayon sa Manwal sa Pagsusulat ng
Maikling Kuwento, ang mga karaniwang
tauhang bumubuhay sa anumang akdang
tuluyan ay ang mga sumusunod:
a)Pangunahing Tauhan – Siya ang
pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa
pangunahing tauhan umiikot ang kuwento,
mula sa simula hanggang sa wakas.
3. b. ) Katunggaling Tauhan – Siya ang
sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang papel na kanyang
ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito
nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.
c. ) Pantulong na Tauhan – Ang pantulong na
tauhan gaya ng ipinahihiwatig na katawagan
ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang
maging kapalagayang-llob o sumusuporta sa
tauhan.
4. d. ) Ang May-akda - Sinasabing
ang pangunahing tauhan at ang
awtor ay lagi nang magkasama sa
loob ng katha. Bagama’t ang
naririnig lamang ay ang kilos at
tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
5. BANGHAY – Sa banghay makikita ang maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang isang
akdang tuluyan ay makapag-iiwan lamang ng
kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may
mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang
tulad ng sumusunod: Ano ang nangyari? Bakit ito
nangyari? Ano ang nagging wakas?
Mula sa banghay ay makabubuo ng balangkas kung
saan makikita ang pagkakaugnay-ugnay at mabilis
na galaw ng mga pangyayari. Naririto ang
karaniwang balangkas ng isang maikling kuwento:
- Simula (Beginning) – Karaniwang dito ipinakikilala
ang mga tauhan at tagpuan sa akda.
6. - Pagtutunggali (Conflict) – Dito ipinakikilala
ng pangunahing tauhan ang mga problema o
suliranin sa akda. Ito ang paglalaban ng
pangunahing tauhan at ng kanyang mga
kasalungat na maaaring kapwa tauhan o ng
kalikasan o ng damdamin na rin niya.
- Kasukdulan (Climax) – Ito ang pinakamataas
na uri ng pananabik. Sa bahaging ito ng akda
humigit-kumulang malalaman na kung
nagatagumpay o nabigo ang pangunahing
tauhan sa paglutas niya sa kanyang suliranin
7. - Kakalasan (Disentangle) – Sa
bahaging ito bumababa ang
takbo ng kuwentong siyang
magbibigay-diin sa wakas.
- Wakas (Ending) – Ang
kinalabasan o resolusyon ng
paglalaban ng mga tauhan sa
akda.
8. ANG SARSUWELA SA PANAHON NG MGA
AMERIKANO
SARSUWELA - Ito ay isang komedya o
melodramang may kasamang awit at tugtog
na nahihinggil sa mga punong damdamin ng
tao tulad ng pag-ibig, poot, paghihiganti,
kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya
naman ay tungkol sa mga suliraning
panlipunan o pampolitika.
9. Ayon sa kasaysayan, ito ay sinasabing
hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya
sapagkat magkahalo ang diyalogong ginamit
dito – patula at pasalita.
Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo
ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito
ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring
awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo
ay yaong gamit naman ng mga katulong na
tauhan.
10. Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong
yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong
seryoso at katawa-tawa. Melodrama
kung ito ay tawagin o kaya’y
tragikomedya. Hango sa tunay na
buhay ang paksa nito at kung minsan
ay nasosobrahan naman sa damdamin,
lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap
operatic.
11. Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong
panahon ng Espanyol ay lubos na
namulaklak noong panahon ng himagsikang
Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina
Severino Reyes sa kanyang dulang Walang
Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang
Kahapon, Ngayon at Bukas na mababasa sa
susunod na aralin; Juan Abad sa kanyang
Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa
kanyang Anak ng Katipunan; Amando
Navarette Osorio sa kanyang Patria
Amanda; at iba pa.
12. Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala
sa bansa ang bodabil o stage show. Ang
pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya,
puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari
kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong
panlibangan na lamang ang teatro.
Sa kasakuluyan, ang mga dulang pantanghalang ito
ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang
pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may
kinalaman sa pananampalatayang Kristiyanismo at
upang talakayin ang mga suliraning panlipunang
nangyayari sa bansa.