Ang Pananaliksik, Layunin
ng Pananaliksik at ang mga
Hakbang sa Pagbuo nito.
Group 1
Bachelor of Science in Criminology
2nd
Semester
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina - FILDIS
LAYUNIN:
Inaasahan na ang mga mag-aral ay:
1. Malaman kung ano ang pananaliksik.
2. Malaman ang layunin ng pananaliksik at;
3. Matutunan ang mga hakbang sa pagbuo
ng pananaliksik.
Ano nga ba ang Pananaliksik?
Ang Pananaliksik
Ang pananaliksik ay pagtuklas at
pagsubok ng isang teorya para sa
paglutas ng isang suliranin na
nangangailangang bigyan ng kalutasan.
Ang pananaliksik ay isang makaagham
na pagsisiyasat ng phenomena, ideya,
konsepto, isyu at mga bagay na
kinakailangang bigyang linaw, patunay
o pasubali.
Ang Pananaliksik
Ayon kina Manuel at Medel (1976),
masasabing ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng mga datos
o informasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan.
Ang Pananaliksik
Ayon kay Arrogante (1992), ang
pagsasaliksik ay isang pandalubhasang
sulatin na nangangailangan ng sapat na
panahong paghahanda, matiyaga at
masinsinang pag-aaral. Maingat,
maayos at malayuning pagsulat para
mayari at mapangyari itong maganda,
mabisa at higit sa lahat,
kapakipakinabang na pagpupunyagi.
Ang Pananaliksik
Ayon kay Atienza atbp. (UP) ang
pananaliksik ay ang matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri at kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang
bagay, konsepto, kagawian.problema, isyu
o aspekto ng kultura at lipunan.
Ayon kay San Miguel (1986), ang
pananaliksik ay isang sining tulad din ng
pagsulat ng isang komposisyon sa musika.
▪ Ang pangunahing layunin ng
pananaliksik ay ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay
nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila
Good at Scates (1972). “The purpose of
research is to serve man and the goal
is the good life”.
Layunin ng Pananaliksik
Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagatala
ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito
ay ang sumusunod:
▪ Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil
sa mga batid nang penomina.
Halimbawa:
Ang alkohol ay isa nang batid na penomina at sa
pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng
isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa
gasolina.
Layunin ng Pananaliksik
▪ Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning
hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon.
Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa
nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa
pamamagitan ng mga intensib at patuloy na
pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan
na sa hinaharap.
Layunin ng Pananaliksik
▪ Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at
makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa
komunikasyon at teknolohiya, napakikinabangan na
natin sa kasalukuyan ang mga makabagong
kagamitan tulad ng komputer. Cell phone, fax
machine at iba pa. inaasahan na bunga ng patuloy na
pananaliksik sa larangan nabanggit, higit sa
sopistikado at episynte ang mga kagamitang
Layunin ng Pananaliksik
▪ Matuklas ng hindi pa nakikilalang substances
at elements.
Halimbawa:
Dati-dati, mayroon lamang tayong
siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit
bunga ng pananaliksik, mayroon na ngayong
higit sa isandaan (100).
Layunin ng Pananaliksik
▪ Higit na mauunawaan ang kalikasan ng
mga dati nang kilalang substances at
elements.
Halimbawa:
Bunga ng pananaliksik, napag-paalam ang
mga negatibong epekto ng
metemphetamine hydrochloride sa
katawan ng tao na nagsilbing dahilan
upang ideklara itong isang ipinagbabawal
na gamot.
Layunin ng Pananaliksik
▪ Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa
kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at
iba pang larangan.
Halimbawa:
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang
mga mag-aaral sa hyskul ay kulang sa kaalaman at
kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling
diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya
ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang
kurikulum sa batayang edukasyon.
Layunin ng Pananaliksik
▪ Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.
Halimbawa:
Naging misteryo kay Thomas Edison kung
paano nangingitlog ang manok. Bunga ng
kanyang kuryosidad sa bagay na ito,
nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng
tinatawg na incubator.
Layunin ng Pananaliksik
▪ Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na
kaalaman.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda,
maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga
kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang
pananaliksik o di kaya nama’y maaari silang
makatuklas ng mga bagong kaalaman hingil sa mga
katangian at kalikasan ng mga isda na maaaring
pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal
at maging ng mga mamimili.
Layunin ng Pananaliksik
▪ Paglikom ng Datos
▪ Pagsusuri ng Datos
▪ Pagbuo ng Konklusyon at Rekomendasyon
▪ Pagsulat ng buong papel at pag rebisa.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
Ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili
bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin:
▪ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-
wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng
ukol dito?
▪ Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang
paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa
partikular sa mga kaklase ko?
▪ Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa?
Masyado ba itong limitado?
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa
loob ng panahong ibinigay sa amin?
▪ Marami kayang sangguniang nasusulat na
maaari kong pagkunan ng impormasyon
upang mapalawak ang paksang napili ko?
Halimbawa:
PAKSA: Edukasyon sa Gitna ng Pandemya
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis
Statement)
- Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo
ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang
pahayag na magsasaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing
pananaliksik.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
Naririto ang ilang tanong na maaaring
gumabay o magbibigay direksyon sa pagbuo
mo ng pahayag ng tesis:
▪ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?
▪ Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong
posisyon.
TESIS NA PAHAYAG: Pananaliksik ukol sa
distansyang pamamaraan ng pagtuturo ng
wika at panitikan sa panahon ng pandemya.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
▪ Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking
mga mambabasa?
▪ Ano-anong kagamitan o sanggunian ang
kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa
aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang
mga ito?
▪ Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay
bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Bibliyograpiya - ay talaan ng iba’t ibang
sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
report, peryodiko, magasin, web site, at iba
pang nalathalang materyal na ginamit.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas
- Mahalaga ito upang magbigay direksyon sa
pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy
kung ano- anong materyal pa ang
kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang
mga inihanda mong card ng bibliyograpiya
upang maging gabay sa pagbuo ng iyong
balangkas.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Pangangalap ng Tala o Note Taking
- Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong
mga tala. Gumamit ng index card na mas malaki
kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-
iba ang dalawa bukod sa mas marami kang
maisusulat sa mas malaking card.
- Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala.
Kung kukulangin ang isang index card ay maaaring
magdagdag pa ng ibang card.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o
Final Outline
- Dito na susuriing mabuti ang inihandang
tentatibong balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin o
ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin
upang ang pangwakas na balangkas ay
maging mabuting gabay sa pagsulat ng
iyong burador.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Pagsulat ng Borador o Rough Draft
- Mula sa iyong iwinastong balangkas at
mga card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong
burador.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay
dapat magkaroon ng:
▪ Introduksiyon na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,
▪ Katawan nakababasahan ng pinalawig o
nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Konklusyon na siyang nagsasaad ng buod
ng iyong mga natuklasan sa iyong
pananaliksik. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakaugnayugnay ng mga kaisipan. Dapat
ding isaalang-alang na ang wikang
gagamitin ay payak ngunit malinaw; tama
ang baybay, bantas, at kaayusang
panggramatika; pormal ang anyo; at
karaniwang nasa ikatlong panauhan.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
- I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga
bagay na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag-
ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga
pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit,
pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o
footnote.
- Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong
sulatin. Ihanda ang paunang salita, talaan ng
nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
Sa pagsulat & bibliyograpiya ay
nararapat tandaan ang sumusunod:
▪ Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na
sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat,
pahayagan, web site, at iba pa.
▪ Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng
mg awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
▪ Isulat ang bibliyograplya gamit ang iba’t ibang
estilo ng pagsulat nito.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
APA (American Psychological Association)
Para sa mga aklat:
▪ Apelyido ng awtor, pangalan ng awtor. (Taon
ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng
Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.
Halimbawa: Almario S, Virgilio, (2010)
Filipinong Wika. Quezon City: Aninao
Publishing, Inc.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
APA (American Psychological Association)
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin:
▪ Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor (Taon ng
Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng
Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #),
pahina #
Halimbawa: Lala, Anna. (Agosto 3, 2017) To Create a
World Without Nuke. Philippine Daily Inquirer, 76,
(276), 3.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
APA (American Psychological Association)
Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet:
▪ Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o
Dokumento.” Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung
kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address
simula sa http://
Halimbawa: Ma. Gemma C. Cruz. (Hunyo 4, 2010)
“Kahirapan ng mga Tao.” Udyong Bataan Official
Website. Oktubre
5,2014.http://udyong.gov.ph/teacherscorner/5679-
kahirapan-ng-mga-tao
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
▪ Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik
- Pagkatapos pagdaanan at isigawa nang
mabuti ang naunang walong hakbang,
ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang
mainam na sulating pananaliksik. I-type na
ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong
guro.
Mga Hakbang sa Pagbuo ng
Pananaliksik
Filipino sa Ibat ibang disiplina, Pananaliksik.pptx

Filipino sa Ibat ibang disiplina, Pananaliksik.pptx

  • 1.
    Ang Pananaliksik, Layunin ngPananaliksik at ang mga Hakbang sa Pagbuo nito. Group 1 Bachelor of Science in Criminology 2nd Semester Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina - FILDIS
  • 2.
    LAYUNIN: Inaasahan na angmga mag-aral ay: 1. Malaman kung ano ang pananaliksik. 2. Malaman ang layunin ng pananaliksik at; 3. Matutunan ang mga hakbang sa pagbuo ng pananaliksik.
  • 3.
    Ano nga baang Pananaliksik?
  • 4.
    Ang Pananaliksik Ang pananaliksikay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali.
  • 5.
    Ang Pananaliksik Ayon kinaManuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.
  • 6.
    Ang Pananaliksik Ayon kayArrogante (1992), ang pagsasaliksik ay isang pandalubhasang sulatin na nangangailangan ng sapat na panahong paghahanda, matiyaga at masinsinang pag-aaral. Maingat, maayos at malayuning pagsulat para mayari at mapangyari itong maganda, mabisa at higit sa lahat, kapakipakinabang na pagpupunyagi.
  • 7.
    Ang Pananaliksik Ayon kayAtienza atbp. (UP) ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian.problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan. Ayon kay San Miguel (1986), ang pananaliksik ay isang sining tulad din ng pagsulat ng isang komposisyon sa musika.
  • 8.
    ▪ Ang pangunahinglayunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). “The purpose of research is to serve man and the goal is the good life”. Layunin ng Pananaliksik
  • 9.
    Samantala, sina Calderonat Gonzales (1993) ay nagatala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: ▪ Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina. Halimbawa: Ang alkohol ay isa nang batid na penomina at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina. Layunin ng Pananaliksik
  • 10.
    ▪ Upang makakitang mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. Halimbawa: Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap. Layunin ng Pananaliksik
  • 11.
    ▪ Mapagbuti angmga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto. Halimbawa: Sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya, napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga makabagong kagamitan tulad ng komputer. Cell phone, fax machine at iba pa. inaasahan na bunga ng patuloy na pananaliksik sa larangan nabanggit, higit sa sopistikado at episynte ang mga kagamitang Layunin ng Pananaliksik
  • 12.
    ▪ Matuklas nghindi pa nakikilalang substances at elements. Halimbawa: Dati-dati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit bunga ng pananaliksik, mayroon na ngayong higit sa isandaan (100). Layunin ng Pananaliksik
  • 13.
    ▪ Higit namauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements. Halimbawa: Bunga ng pananaliksik, napag-paalam ang mga negatibong epekto ng metemphetamine hydrochloride sa katawan ng tao na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang ipinagbabawal na gamot. Layunin ng Pananaliksik
  • 14.
    ▪ Makalikha ngmga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Halimbawa: Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hyskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa dahilan upang ipasya ng Departamento ng Edukasyon na baguhin ang kurikulum sa batayang edukasyon. Layunin ng Pananaliksik
  • 15.
    ▪ Ma-satisfy angkuryosidad ng mananaliksik. Halimbawa: Naging misteryo kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng tinatawg na incubator. Layunin ng Pananaliksik
  • 16.
    ▪ Mapalawak oma-verify ang mga umiiral na kaalaman. Halimbawa: Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga kaalamang una nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hingil sa mga katangian at kalikasan ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging ng mga mamimili. Layunin ng Pananaliksik
  • 17.
    ▪ Paglikom ngDatos ▪ Pagsusuri ng Datos ▪ Pagbuo ng Konklusyon at Rekomendasyon ▪ Pagsulat ng buong papel at pag rebisa. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 18.
    Ilang tanong namaaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin: ▪ Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili- wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito? ▪ Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko? ▪ Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado? Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 19.
    ▪ Kaya kokayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin? ▪ Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko? Halimbawa: PAKSA: Edukasyon sa Gitna ng Pandemya Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 20.
    ▪ Pagbuo ngPahayag ng Tesis (Thesis Statement) - Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 21.
    Naririto ang ilangtanong na maaaring gumabay o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis: ▪ Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? ▪ Layunin kong maglahad ng impormasyong magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon. TESIS NA PAHAYAG: Pananaliksik ukol sa distansyang pamamaraan ng pagtuturo ng wika at panitikan sa panahon ng pandemya. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 22.
    ▪ Paghahanda ngPansamantalang Bibliyograpiya ▪ Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa? ▪ Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga ito? ▪ Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 23.
    ▪ Bibliyograpiya -ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang materyal na ginamit. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 24.
    ▪ Paghahanda ngTentatibong Balangkas - Mahalaga ito upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano- anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 25.
    ▪ Pangangalap ngTala o Note Taking - Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index card na mas malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag- iba ang dalawa bukod sa mas marami kang maisusulat sa mas malaking card. - Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin ang isang index card ay maaaring magdagdag pa ng ibang card. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 26.
    ▪ Paghahanda ngIwinastong Balangkas o Final Outline - Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 27.
    ▪ Pagsulat ngBorador o Rough Draft - Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 28.
    Tandaang ang isangsulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng: ▪ Introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ▪ Katawan nakababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 29.
    ▪ Konklusyon nasiyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakaugnayugnay ng mga kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang panggramatika; pormal ang anyo; at karaniwang nasa ikatlong panauhan. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 30.
    ▪ Pagwawasto atPagrebisa ng Borador - I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong borador. Pag- ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote. - Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda ang paunang salita, talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 31.
    Sa pagsulat &bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod: ▪ Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan, web site, at iba pa. ▪ Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mg awtor gamit ang apelyido bilang basehan. ▪ Isulat ang bibliyograplya gamit ang iba’t ibang estilo ng pagsulat nito. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 32.
    APA (American PsychologicalAssociation) Para sa mga aklat: ▪ Apelyido ng awtor, pangalan ng awtor. (Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag. Halimbawa: Almario S, Virgilio, (2010) Filipinong Wika. Quezon City: Aninao Publishing, Inc. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 33.
    APA (American PsychologicalAssociation) Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin: ▪ Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor (Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina # Halimbawa: Lala, Anna. (Agosto 3, 2017) To Create a World Without Nuke. Philippine Daily Inquirer, 76, (276), 3. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 34.
    APA (American PsychologicalAssociation) Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet: ▪ Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento.” Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa http:// Halimbawa: Ma. Gemma C. Cruz. (Hunyo 4, 2010) “Kahirapan ng mga Tao.” Udyong Bataan Official Website. Oktubre 5,2014.http://udyong.gov.ph/teacherscorner/5679- kahirapan-ng-mga-tao Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik
  • 35.
    ▪ Pagsulat ngPinal na Sulating Pananaliksik - Pagkatapos pagdaanan at isigawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pananaliksik