Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Pagsusulat ng Payak na
Tanka at Haiku
9
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku sa Tamang
Anyo at Sukat
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region IX
Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Leah L. Lidon
Editor: Josephine L. Tomboc, EdD, Susan S. Bellido
Tagasuri: Mercedes P. Tare, MEd
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, EdD
Sonia D. Gonzales
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
Juliet A. Magallanes, EdD
Florencio R. Caballero, DTE
Alma D. Belarmino, EdD
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Pagsusulat ng Payak na
Tanka at Haiku
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku ayon sa
tamang Anyo at Sukat.”
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Nakapaloob dito ang mga pagsasanay na magiging patnubay sa
mga mag-aaral para malilinang ang kanilang kakayahan sa pagsusulat
ng payak na tulang Haiku at Tanka sa tamng anyo at sukat mula sa
mga Hapones, Ito’y ginawang maikli at simple ngunit nakakawiling
aralin dahil ito’y puno ng mga kaalaman na nakaimpluwensya din sa
ating mga Pilipino.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Pagsusulat ng payak na Tanka at Haiku ayon sa tamang anyo at sukat.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Alamin
Kumusta kaibigan? Binabati kita dahil natapos mo ang iyong paggalugad sa
mga panitikan ng Pilipinas sa modyul tatlo. Muli, narito ang panibagong paksa na
siyang gagabay sa iyong paglalakbay tungo sa Timog Silangang Asya, kaya, sabay
nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensya rin
sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon.
Nakahanda ka na bang maglakbay at malaman ang mga akdang
pampanitikan ng Timog Silangang Asya? Dito natin sisimulan ang bagong yugto ng
iyong pag-aaral. Tara na, maglakbay na tayo.
Ang una nating lalakbayin ay ang Timog Silagang Asya. Alam mo ba na dito
natin matutuklasan ang tungkol sa kultura, uri ng edukasyon, paraan ng
paamumuhay, at ilang panitikang magpapakita ng iba’t ibang impormasyon tungkol
sa Singapore, Thailand, Indonesia, Laos at Pilipinas.
Alam mo ba na ang pagsusulat ng anumang akda ay isang kawili-wiling
gawain? Kaya isa ito sa mga makrong kakayahan na dapat nating lilinangin. Ang
modyul na ito ay naglalayong hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral na suriin
ang wastong pagsulat ng payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat.
Makikilala ang dalawang uri ng tulang namayani sa bansang Japan, bagama’t maikli
at simple ang tulang Tanka at Haiku, ito’y nagpakilala sa kaisipan at
pagpapahalagang Hapon.
Sa pagkatapos ng ating paglalakbay ikaw ay inaasahang:
• Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat.
2
Subukin
Halika na’t ating subukin ang dati mong kaalaman tungkol sa paksang ito ay dapat
sariwain! Huwag mabahala siguradong talino mo’y lalong mahasa. Kaya tara na!
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod.
a. tugma
b. sukat
c. pantig
d. taludtod
2. Patuloy na ginagamit at pinagyaman ng Hapon ang kanilang
panitikan tulad ng ________?
a. Tanka
b. Haiku
c. Tula
d. Tanka at Haiku
3. Ano ang tawag sa pinakaunang Tanka sa kalipunan ng mga tula?
a. Soneto
b. Tanaga
c. Haiku/Tanka
d. Manyoshu
4. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
a. Haiku
b. Tanka
c. Anatolohiya
d. Manyoshu
5. Ano ang ibig sabihin ng ponemikong karakter na tinatawag na Kana?
a. Hiram na mga pangalan
b. Gintong sandata
c. Makatang Hapon
d. Bantog na manunulat
Magaling! Binabati kita sa iyong kahusayan, naging mahirap ba para sa iyo ang ilang
mga tanong? Ayos lang iyan! Sinubok lang ang iyong kahusayan sa paksa. May iba
pang mga gawaing dapat mong maranasan lalo na ang pagsusulat ng payak na
Haiku at Tanka sa tamang anyo at sukat. Kaya, halika na!
3
Aralin
1
Pagsusulat ng Payak na
Tanka at Haiku
Magaling! Nakakataba ng puso ang ipinakita mong husay sa bahaging pagsubok.
Huwag sanang mawalan ng gana dahil nakawiwili pa itong susunod nating gawain,
ito’y tungkol sa pagkilala sa dalawang uri ng tulang namayani sa bansang Hapon.
Alamin ang paksa at pagkabuo ng mga tulang ito bagama’t maikli at simple ay
nagpakilala pa rin ng kaisipan at pagpapahalagang Hapon. Kaya, husayan mo pa!
Balikan
Heto na kaibigan, sa bagong aralin tayo ay maglakbay, ngunit bago pa man ang
lahat ng iyan, atin munang babalikan ang nakaraan nating paksang pinag-aralan,
ang tungkol sa kahulugan ng mga matalinghagang salita. Alam kong bihasa ka na
paksang ito, nais ko lang sukatin ang iyong paggunita sa nakaraang talakayan at
kung sakaling sa pagsagot ay magkakamali ka, huwag mag-alala tutulungan
kitang ito’y maibalik at mapanatili sa iyong memorya. Halika na!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at mga salitang may
salungguhit sa bawat aytem at hanapin ang matalinghagang kahulugan nito na
nakasulat sa loob ng kahon. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Mabigat ang kamay, itim na tupa,
balat kalabaw
kumukulo ang dugo, ibaon sa hukay,
malalim ang bulsa
1. Dahil sa pananakit ng tatay sa kanilang ina kaya namatay ang mabuting ina
sa tatlong magkapatid.
2. Ang mga kabiguan sa buhay ay dapat nang kalimutan upang maipagpatuloy
ang bugay tungo sa matagumpay na kinabukasan.
3. Galit na galit ang buong barangay sa pagmamalupit ng kanilang pinuno.
4. Umiwas sa taong may makapal ang mukha upang hindi madamay sa isang
kahihiyan.
5. Ang mga anak na nasa maayos na pagdidisiplina ay lalaking mabuting tao
at hindi matawag na masamang anak.
4
Labis mo akong pinahanga sa talas ng iyong isipan! Lahat ng katanungan iyong
nalampasan! Ikaw ay nagpapakita lamang na sabik matuto sa bagong paksang
tatalakayin. Tara na’t ating tuklasin mga bagong aralin!
Tuklasin
Alam kong sabik na sabik ka na kaibigan, panibagong gawain nais mong malaman,
dagdagan pa natin mga naimbak mong kaalaman, kaya ating tuklasin estilo ng
pagkakasulat ng tulang Tanka at Haiku kasama ang wastong sukat at anyo nito.
Tara na!
Mga Tala para sa Guro
Ang pagtuklas ng bagong mga kaalaman ay susi sa
pagkakaroon ng magandang kinabukasan, dahil ang pag-
aaral, ay ang paghubog ng ating kasanayan tungo sa
magandng kinabukasan, kaya ating tuklasin ang
mapanghamong paksa tungkol sa anyo at sukat ng tulang
Haiku at Tanka.
Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku
Parehong anyo ng tula Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin
ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtud.
Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtud 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaring
magkapalit-palit din na anf kabuuan ng pantig at tatlumpu’t isang pantig pa rin.
Samantala ang Haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang
ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod
ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito
pa rin.
Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang
paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.
5
Oh di ba! Masaya mong ginalugad ang bagong paksa natin, nakatutuwa ang
ipinakita mong sipag at tiyaga,kaya kaibigan, pinupuri kita sa iyong kasipagan!
Suriin
Subukan Mo!
Hindi ko masabi
Ni Ki Tsurayuki
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hindi ko masabi --------------------- unang taludtod
Iniisip mo ----------------------------- ikalawang taludtod
O aking kaibigan -------------------- ikatlong taludtod
Sa dating lugar ---------------------- ikaapat na taludtod
Bakas pa ang ligaya ---------------- ikalimang taludtod
saknong
Anyo at Sukat ng tula
Sukat ng tula ito’y tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita
sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Ang anyo ng tula ay mayroong sukat na kadalasan ay
wawaluhin labindadalawahi, labing-aanimin at
labingwawaluhing pantig. Maaaring ang tula ay walang sukat at
ito’y tinatawag na malayang taludturan
Halimbawa
Pagsuri sa sukat:
Isda: is/da= dalawang pantig
Ang bata ay naglalaro: ang/ ba/ta ay nag/la/la/ro= walong
pantig
6
TANDAAN:
➢ Anyo ng tula ay parehong may sinusunod na sukat at tugma
➢ May layong pagsama-samahin ang mga ideya sa pamamagitan ng
kakaunting salita lamang.
• Tanka
o – karaniwang paksa ang pagbabago, pag-iisa o pag-ibig
o – 31 ang kabuuang bilang ng pantig na may 5 taludtod
–karaniwang hati ang pantig sa mga taludtod tulad ng:
7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palitdin na
ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.
• Haiku
- Pinaikli kompara sa Tanka.
- Ang paksa au tungkol sa alikasan at pag-ibig.
- May 17 pantig ang kabuuang bilang na may 3 taludtod.
- Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o
maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay
labimpito pa rin.
Narito ang unang halimbawa ng Tanka at Haiku na isinalin sa Filipino.
Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Anyo Sukat Paksa
Payapa at tahimik
Ang araw na tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry
Blossoms
Naging mabuway.
Pa-ya-pa at ta-hi-mik
Ang a-raw na tag-si-bol
Ma-a-li-wa-las
Ba-kit ang Cher-ry
Blos-soms
Na-ging ma-bu-way.
7
7
5
7
5
Pag-iisa
Kabuuan 31
Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon Anyo Sukat Paksa
Matandang sapa Ma-tan-dang sa-pa 5
kalikasan
Ang palaka’y tumalon Ang pa-la-ka’y tu-ma-lon 7
Lumalagaslas Lu-ma-la-gas-las 5
Kabuuan 17
7
Kumusta kaibigan? Malinaw na ba sa iyo ang paksa na ito? Kung medyo
nahihirapan ka, huwag mag-alala sa mga susunod na gawain siguradong gagaling
ka, ipagpatuloy lang ang iyong kasipagan! Halika na!
Pagyamanin
.
Panuto: Iugnay ang sagot sa hanay B sa mga katanungan sa hanay A. Isulat sa
hanay A ang titik na may tamang sagot bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
______1. Sa kagubatan
Hanging umaalulong
Walang matangay
A. Hapon
B. 3
C. 5
D. Pag-ibig
E. Bilangin ang bawat
pantig ng mga salita
F. Kalikasan at pag-ibig
G. Pagbabago, pag-iisa at
pag-ibig
H. 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7
I. 5-7-5
J. Tanka
K. Haiku
______2. Hindi ko masasabi
Iniisip mo
O aking kaibigan
Sa dating lugar
Bakas pa ang ligay
______3. Ilan ang sukat ng Haiku?
______4. Ito ang sukat ng tulang Tanka
______5. Ano ang karaniwang paksa ng
tulang Tanka?
______6. Ano naman ang paksang
ginagamit sa tulang Haiku?
______7. Paano susuriin ang sukat ng
tula?
______8. Ito’ y isa sa mga paksa ng tanka
na maaari ding gamitin sa
tulang haiku?
______9. Bilang ng taludtod ng tulang
tanka.
______10. Ilang taludtod mayroon ang
haiku?
8
Magaling! Nagawa mo ng tama ang gawaing ito, lubos mong nauunawaan ang
paksang aralin. Huwag ka sanang mapagod dahil may mga nakawiwili pang mga
gawain na dapat sukatin, kaya sarili ay ihanda dahil utak mo’y mas lalong
mahahasa.
Isaisip
Ang batang masigasig sa pag-aaral ay tanda ng kagustuhang matuto sa lahat ng
mgaa makabuluhang bagay. Kaya halina’t basahin at bigyan ang gawaing ito ng
wastong kasagutan!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.
MGA TANONG ANG IYONG SAGOT
1. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at
Haiku?
2. Ilan ang kabuuang pantig ng Tanka?
3. Ilan din ang kabuuang pantig ng Haiku?
4. Ilang taludtod mayroon ang Tanka at Haiku?
5. Ano ang karaniwang pinapaksa ng Tanka
6. Ibigay ang hati ng pantig sa mga taludtod ng
Tanka.
7. Ibigay din ang hati ng pantig sa mga taludtod
ng Haiku
8. Alin sa dalawang tula ang mas pinaiikli?
9. Ano ang kaibahan ng Tanka sa Haiku?
10.Sa paanong paraan nagkakapareho ang Tanka
at Haiku?
9
Binabati kita kaibigan! Lahat nasagot moa ng mga katanungan sa gawaing ito,
dahil sa iyong ipinakitang kakayahan, ikaw ay dapat lang na parangalan at hindi
ka napapagod sa mga gawaing kinasasabikan!
Isagawa
Kumusta kaibigan? Ipagpatuloy pa natin ang iba pa nating mga gawain. Handa ka
na ba? Huwag kang mabahala sa gawaing ito ikaw ay may mapapala at sarili mo’y
yayabong at magandang kinabukasan mapaghandaan! Tara na!
Panuto: Bilangin kung ilan ang sukat ng pantig mayroon ang bawat taludtod ng tula.
Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong sagot.
Tanka
1. Hindi ko masabi -------------------
Iniisip mo --------
O aking kaibigan ----------------
Sa dating lugar ---------
Bakas pa ang ligaya ----------------
Haiku
Ambong kaylamig ----------------
Maging matsing ay nais --------
Ng kapang damo -----------------
Kapuri-puri ka kaibigan! Tumpak lahat ang iyong mga naging sagot sa bahaging ito.
Ipagpatuloy mo lang iyan, dahil may susunod na gawain pa ang nakaatang! Halika
na!
10
Tayahin
Alam mo ba kaibigan, ayon sa ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal “Ang mga kabataan
ang pag-asa ng bayan”, kaya, hindi dapat kayo huminto sa pagkatuto, at kahit alam
kong busug na busog ka na sa kaalaman tungkol sa ating paksang aralin, nais ko
pang ikaw ay takalin sa ating panghuling Gawain. Kaya umpisahan mo na!
Panuto: Sumulat o kumatha ng tig-iisang tula sa Tanka at Haiku ukol sa pag-ibig.
Sundin ang pormat sa ibaba at isulat sa buong papel ang iyong sagot.
Tula Paksa Anyo Sukat/Bilang
Tanka
Haiku
Kabuuan
Pamantayan sa Pagsulat ng Tanka at Haiku
5 4 3 2 1
Paksa:
Nasusunod ang
karaniwang paksa ng
Tanka at Haiku
Nilalaman:
Angkop ang nilalaman sa
paksa at wasto ang gamit
at baybay ng mga salita
Estruktura/Anyo:
Nasusunod ang mga
sukat/bilang ng pantig
at taludtod ng Tanka at
Haiku
Ikinagagalak ko ang iyong husay sa paksa natin, ako’y lubos na nasisiyahan sa
iyong katalinuhan! Sana’y ang iyong pagiging masigasig sa pag-aaral ay mananatili
hanggang ang magandang kinabukasan iyong makamtan.
11
Karagdagang Gawain
Sandali lang kaibigan! Ako’y may pahabol lamang upang ang lahat ng ito’y hinding
hindi mo makalilimutan karagdagang gawain huwag mong ipagpaliban.
Subukan Natin:
Panuto: Sa pamamagitan ng hugis puso, gawan ng tula ang paksang makikita
sa ibaba. Sundin ang wastong anyo at sukat ng tulang nagmula sa Hapon.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng tula. Gawing gabay sa pagsulat
ang pamantayan na makikita sa gawaing pagyamanin
HAIKU: 2. TUBIG
Mabuting kabataan
Tiyaga ang puhunan
Tagumpay makakamtan
Ganda ng bukas
Ipagmayabang! - - - Leah L. Lidon
TANKA HAIKU
Kupas Tubig
12
Susi sa Pagwawasto
Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang
modyul o di kaya’y magtanong sa iyong guro. Tandaan, ang nagtatanong ay
nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari
ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.
SUBUKIN
1.
A
2.
D
3.D
4.C
5.A
ISAISIP
1.kalikasan
at
pag-
ibig
2.31
3.17
4.5
5.
pagbabago,
pag-
iisa
at
pag-ibig
6.57577
o77755
7.575
8.Haiku
9.sukat
10.kaiklian
at
tula
nga
mga
Hapones
ISAGAWA
1.575777
2.575
TAYAHIN
1.K
2.J
3.I
4.H
5.G
6.F
7.E
8.D
9.C
10.B
13
Sanggunian
Peralta, R.N. et al. Panitikang Asyano: Modyul ng mag-aaral sa Filipino pahina 88-
96. Pasig City. 2018
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

filipino9_q2_mod4_Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku sa Tamang Anyo at Sukat.pdf

  • 1.
    Filipino Ikalawang Markahan –Modyul 4 Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku 9
  • 2.
    Filipino – Ikasiyamna Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku sa Tamang Anyo at Sukat Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region IX Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City E-mail Address: [email protected] Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Leah L. Lidon Editor: Josephine L. Tomboc, EdD, Susan S. Bellido Tagasuri: Mercedes P. Tare, MEd Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III Eugenio B. Penales, EdD Sonia D. Gonzales Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI Juliet A. Magallanes, EdD Florencio R. Caballero, DTE Alma D. Belarmino, EdD
  • 3.
    9 Filipino Ikalawang Markahan –Modyul 4: Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku
  • 4.
    ii Paunang Salita Para satagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Pagsusulat ng Payak na Tanka at Haiku ayon sa tamang Anyo at Sukat.” Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Nakapaloob dito ang mga pagsasanay na magiging patnubay sa mga mag-aaral para malilinang ang kanilang kakayahan sa pagsusulat ng payak na tulang Haiku at Tanka sa tamng anyo at sukat mula sa mga Hapones, Ito’y ginawang maikli at simple ngunit nakakawiling aralin dahil ito’y puno ng mga kaalaman na nakaimpluwensya din sa ating mga Pilipino.
  • 5.
    iii Para sa mag-aaral: Malugodna pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsusulat ng payak na Tanka at Haiku ayon sa tamang anyo at sukat. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6.
    iv Isaisip Naglalaman itong mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7.
    Alamin Kumusta kaibigan? Binabatikita dahil natapos mo ang iyong paggalugad sa mga panitikan ng Pilipinas sa modyul tatlo. Muli, narito ang panibagong paksa na siyang gagabay sa iyong paglalakbay tungo sa Timog Silangang Asya, kaya, sabay nating pag-aralan ang ilan sa kanilang panitikan na may malaking impluwensya rin sa uri ng panitikan na mayroon tayo ngayon. Nakahanda ka na bang maglakbay at malaman ang mga akdang pampanitikan ng Timog Silangang Asya? Dito natin sisimulan ang bagong yugto ng iyong pag-aaral. Tara na, maglakbay na tayo. Ang una nating lalakbayin ay ang Timog Silagang Asya. Alam mo ba na dito natin matutuklasan ang tungkol sa kultura, uri ng edukasyon, paraan ng paamumuhay, at ilang panitikang magpapakita ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa Singapore, Thailand, Indonesia, Laos at Pilipinas. Alam mo ba na ang pagsusulat ng anumang akda ay isang kawili-wiling gawain? Kaya isa ito sa mga makrong kakayahan na dapat nating lilinangin. Ang modyul na ito ay naglalayong hasain ang kakayahan ng mga mag-aaral na suriin ang wastong pagsulat ng payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat. Makikilala ang dalawang uri ng tulang namayani sa bansang Japan, bagama’t maikli at simple ang tulang Tanka at Haiku, ito’y nagpakilala sa kaisipan at pagpapahalagang Hapon. Sa pagkatapos ng ating paglalakbay ikaw ay inaasahang: • Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang anyo at sukat.
  • 8.
    2 Subukin Halika na’t atingsubukin ang dati mong kaalaman tungkol sa paksang ito ay dapat sariwain! Huwag mabahala siguradong talino mo’y lalong mahasa. Kaya tara na! Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. 1. Tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod. a. tugma b. sukat c. pantig d. taludtod 2. Patuloy na ginagamit at pinagyaman ng Hapon ang kanilang panitikan tulad ng ________? a. Tanka b. Haiku c. Tula d. Tanka at Haiku 3. Ano ang tawag sa pinakaunang Tanka sa kalipunan ng mga tula? a. Soneto b. Tanaga c. Haiku/Tanka d. Manyoshu 4. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit ng nakararami. a. Haiku b. Tanka c. Anatolohiya d. Manyoshu 5. Ano ang ibig sabihin ng ponemikong karakter na tinatawag na Kana? a. Hiram na mga pangalan b. Gintong sandata c. Makatang Hapon d. Bantog na manunulat Magaling! Binabati kita sa iyong kahusayan, naging mahirap ba para sa iyo ang ilang mga tanong? Ayos lang iyan! Sinubok lang ang iyong kahusayan sa paksa. May iba pang mga gawaing dapat mong maranasan lalo na ang pagsusulat ng payak na Haiku at Tanka sa tamang anyo at sukat. Kaya, halika na!
  • 9.
    3 Aralin 1 Pagsusulat ng Payakna Tanka at Haiku Magaling! Nakakataba ng puso ang ipinakita mong husay sa bahaging pagsubok. Huwag sanang mawalan ng gana dahil nakawiwili pa itong susunod nating gawain, ito’y tungkol sa pagkilala sa dalawang uri ng tulang namayani sa bansang Hapon. Alamin ang paksa at pagkabuo ng mga tulang ito bagama’t maikli at simple ay nagpakilala pa rin ng kaisipan at pagpapahalagang Hapon. Kaya, husayan mo pa! Balikan Heto na kaibigan, sa bagong aralin tayo ay maglakbay, ngunit bago pa man ang lahat ng iyan, atin munang babalikan ang nakaraan nating paksang pinag-aralan, ang tungkol sa kahulugan ng mga matalinghagang salita. Alam kong bihasa ka na paksang ito, nais ko lang sukatin ang iyong paggunita sa nakaraang talakayan at kung sakaling sa pagsagot ay magkakamali ka, huwag mag-alala tutulungan kitang ito’y maibalik at mapanatili sa iyong memorya. Halika na! Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at mga salitang may salungguhit sa bawat aytem at hanapin ang matalinghagang kahulugan nito na nakasulat sa loob ng kahon. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Mabigat ang kamay, itim na tupa, balat kalabaw kumukulo ang dugo, ibaon sa hukay, malalim ang bulsa 1. Dahil sa pananakit ng tatay sa kanilang ina kaya namatay ang mabuting ina sa tatlong magkapatid. 2. Ang mga kabiguan sa buhay ay dapat nang kalimutan upang maipagpatuloy ang bugay tungo sa matagumpay na kinabukasan. 3. Galit na galit ang buong barangay sa pagmamalupit ng kanilang pinuno. 4. Umiwas sa taong may makapal ang mukha upang hindi madamay sa isang kahihiyan. 5. Ang mga anak na nasa maayos na pagdidisiplina ay lalaking mabuting tao at hindi matawag na masamang anak.
  • 10.
    4 Labis mo akongpinahanga sa talas ng iyong isipan! Lahat ng katanungan iyong nalampasan! Ikaw ay nagpapakita lamang na sabik matuto sa bagong paksang tatalakayin. Tara na’t ating tuklasin mga bagong aralin! Tuklasin Alam kong sabik na sabik ka na kaibigan, panibagong gawain nais mong malaman, dagdagan pa natin mga naimbak mong kaalaman, kaya ating tuklasin estilo ng pagkakasulat ng tulang Tanka at Haiku kasama ang wastong sukat at anyo nito. Tara na! Mga Tala para sa Guro Ang pagtuklas ng bagong mga kaalaman ay susi sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan, dahil ang pag- aaral, ay ang paghubog ng ating kasanayan tungo sa magandng kinabukasan, kaya ating tuklasin ang mapanghamong paksa tungkol sa anyo at sukat ng tulang Haiku at Tanka. Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku Parehong anyo ng tula Tanka at Haiku ng mga Hapon. Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtud. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtud 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaring magkapalit-palit din na anf kabuuan ng pantig at tatlumpu’t isang pantig pa rin. Samantala ang Haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Karaniwang paksa ng Tanka ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa. Ang paksang ginagamit naman sa Haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig. Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.
  • 11.
    5 Oh di ba!Masaya mong ginalugad ang bagong paksa natin, nakatutuwa ang ipinakita mong sipag at tiyaga,kaya kaibigan, pinupuri kita sa iyong kasipagan! Suriin Subukan Mo! Hindi ko masabi Ni Ki Tsurayuki Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Hindi ko masabi --------------------- unang taludtod Iniisip mo ----------------------------- ikalawang taludtod O aking kaibigan -------------------- ikatlong taludtod Sa dating lugar ---------------------- ikaapat na taludtod Bakas pa ang ligaya ---------------- ikalimang taludtod saknong Anyo at Sukat ng tula Sukat ng tula ito’y tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang anyo ng tula ay mayroong sukat na kadalasan ay wawaluhin labindadalawahi, labing-aanimin at labingwawaluhing pantig. Maaaring ang tula ay walang sukat at ito’y tinatawag na malayang taludturan Halimbawa Pagsuri sa sukat: Isda: is/da= dalawang pantig Ang bata ay naglalaro: ang/ ba/ta ay nag/la/la/ro= walong pantig
  • 12.
    6 TANDAAN: ➢ Anyo ngtula ay parehong may sinusunod na sukat at tugma ➢ May layong pagsama-samahin ang mga ideya sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. • Tanka o – karaniwang paksa ang pagbabago, pag-iisa o pag-ibig o – 31 ang kabuuang bilang ng pantig na may 5 taludtod –karaniwang hati ang pantig sa mga taludtod tulad ng: 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palitdin na ang kabuuan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin. • Haiku - Pinaikli kompara sa Tanka. - Ang paksa au tungkol sa alikasan at pag-ibig. - May 17 pantig ang kabuuang bilang na may 3 taludtod. - Maaaring ang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig ay labimpito pa rin. Narito ang unang halimbawa ng Tanka at Haiku na isinalin sa Filipino. Tanka ni Ki no Tomonori Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Hapon Anyo Sukat Paksa Payapa at tahimik Ang araw na tagsibol Maaliwalas Bakit ang Cherry Blossoms Naging mabuway. Pa-ya-pa at ta-hi-mik Ang a-raw na tag-si-bol Ma-a-li-wa-las Ba-kit ang Cher-ry Blos-soms Na-ging ma-bu-way. 7 7 5 7 5 Pag-iisa Kabuuan 31 Haiku ni Basho Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat Hapon Anyo Sukat Paksa Matandang sapa Ma-tan-dang sa-pa 5 kalikasan Ang palaka’y tumalon Ang pa-la-ka’y tu-ma-lon 7 Lumalagaslas Lu-ma-la-gas-las 5 Kabuuan 17
  • 13.
    7 Kumusta kaibigan? Malinawna ba sa iyo ang paksa na ito? Kung medyo nahihirapan ka, huwag mag-alala sa mga susunod na gawain siguradong gagaling ka, ipagpatuloy lang ang iyong kasipagan! Halika na! Pagyamanin . Panuto: Iugnay ang sagot sa hanay B sa mga katanungan sa hanay A. Isulat sa hanay A ang titik na may tamang sagot bago ang bilang. Hanay A Hanay B ______1. Sa kagubatan Hanging umaalulong Walang matangay A. Hapon B. 3 C. 5 D. Pag-ibig E. Bilangin ang bawat pantig ng mga salita F. Kalikasan at pag-ibig G. Pagbabago, pag-iisa at pag-ibig H. 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 I. 5-7-5 J. Tanka K. Haiku ______2. Hindi ko masasabi Iniisip mo O aking kaibigan Sa dating lugar Bakas pa ang ligay ______3. Ilan ang sukat ng Haiku? ______4. Ito ang sukat ng tulang Tanka ______5. Ano ang karaniwang paksa ng tulang Tanka? ______6. Ano naman ang paksang ginagamit sa tulang Haiku? ______7. Paano susuriin ang sukat ng tula? ______8. Ito’ y isa sa mga paksa ng tanka na maaari ding gamitin sa tulang haiku? ______9. Bilang ng taludtod ng tulang tanka. ______10. Ilang taludtod mayroon ang haiku?
  • 14.
    8 Magaling! Nagawa mong tama ang gawaing ito, lubos mong nauunawaan ang paksang aralin. Huwag ka sanang mapagod dahil may mga nakawiwili pang mga gawain na dapat sukatin, kaya sarili ay ihanda dahil utak mo’y mas lalong mahahasa. Isaisip Ang batang masigasig sa pag-aaral ay tanda ng kagustuhang matuto sa lahat ng mgaa makabuluhang bagay. Kaya halina’t basahin at bigyan ang gawaing ito ng wastong kasagutan! Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. MGA TANONG ANG IYONG SAGOT 1. Ano ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku? 2. Ilan ang kabuuang pantig ng Tanka? 3. Ilan din ang kabuuang pantig ng Haiku? 4. Ilang taludtod mayroon ang Tanka at Haiku? 5. Ano ang karaniwang pinapaksa ng Tanka 6. Ibigay ang hati ng pantig sa mga taludtod ng Tanka. 7. Ibigay din ang hati ng pantig sa mga taludtod ng Haiku 8. Alin sa dalawang tula ang mas pinaiikli? 9. Ano ang kaibahan ng Tanka sa Haiku? 10.Sa paanong paraan nagkakapareho ang Tanka at Haiku?
  • 15.
    9 Binabati kita kaibigan!Lahat nasagot moa ng mga katanungan sa gawaing ito, dahil sa iyong ipinakitang kakayahan, ikaw ay dapat lang na parangalan at hindi ka napapagod sa mga gawaing kinasasabikan! Isagawa Kumusta kaibigan? Ipagpatuloy pa natin ang iba pa nating mga gawain. Handa ka na ba? Huwag kang mabahala sa gawaing ito ikaw ay may mapapala at sarili mo’y yayabong at magandang kinabukasan mapaghandaan! Tara na! Panuto: Bilangin kung ilan ang sukat ng pantig mayroon ang bawat taludtod ng tula. Gumamit ng hiwalay na papel para sa iyong sagot. Tanka 1. Hindi ko masabi ------------------- Iniisip mo -------- O aking kaibigan ---------------- Sa dating lugar --------- Bakas pa ang ligaya ---------------- Haiku Ambong kaylamig ---------------- Maging matsing ay nais -------- Ng kapang damo ----------------- Kapuri-puri ka kaibigan! Tumpak lahat ang iyong mga naging sagot sa bahaging ito. Ipagpatuloy mo lang iyan, dahil may susunod na gawain pa ang nakaatang! Halika na!
  • 16.
    10 Tayahin Alam mo bakaibigan, ayon sa ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal “Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan”, kaya, hindi dapat kayo huminto sa pagkatuto, at kahit alam kong busug na busog ka na sa kaalaman tungkol sa ating paksang aralin, nais ko pang ikaw ay takalin sa ating panghuling Gawain. Kaya umpisahan mo na! Panuto: Sumulat o kumatha ng tig-iisang tula sa Tanka at Haiku ukol sa pag-ibig. Sundin ang pormat sa ibaba at isulat sa buong papel ang iyong sagot. Tula Paksa Anyo Sukat/Bilang Tanka Haiku Kabuuan Pamantayan sa Pagsulat ng Tanka at Haiku 5 4 3 2 1 Paksa: Nasusunod ang karaniwang paksa ng Tanka at Haiku Nilalaman: Angkop ang nilalaman sa paksa at wasto ang gamit at baybay ng mga salita Estruktura/Anyo: Nasusunod ang mga sukat/bilang ng pantig at taludtod ng Tanka at Haiku Ikinagagalak ko ang iyong husay sa paksa natin, ako’y lubos na nasisiyahan sa iyong katalinuhan! Sana’y ang iyong pagiging masigasig sa pag-aaral ay mananatili hanggang ang magandang kinabukasan iyong makamtan.
  • 17.
    11 Karagdagang Gawain Sandali langkaibigan! Ako’y may pahabol lamang upang ang lahat ng ito’y hinding hindi mo makalilimutan karagdagang gawain huwag mong ipagpaliban. Subukan Natin: Panuto: Sa pamamagitan ng hugis puso, gawan ng tula ang paksang makikita sa ibaba. Sundin ang wastong anyo at sukat ng tulang nagmula sa Hapon. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng tula. Gawing gabay sa pagsulat ang pamantayan na makikita sa gawaing pagyamanin HAIKU: 2. TUBIG Mabuting kabataan Tiyaga ang puhunan Tagumpay makakamtan Ganda ng bukas Ipagmayabang! - - - Leah L. Lidon TANKA HAIKU Kupas Tubig
  • 18.
    12 Susi sa Pagwawasto Binabatikita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi ka pa lubos na naunawaang paksa ay maaari mong balikan ang modyul o di kaya’y magtanong sa iyong guro. Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay. SUBUKIN 1. A 2. D 3.D 4.C 5.A ISAISIP 1.kalikasan at pag- ibig 2.31 3.17 4.5 5. pagbabago, pag- iisa at pag-ibig 6.57577 o77755 7.575 8.Haiku 9.sukat 10.kaiklian at tula nga mga Hapones ISAGAWA 1.575777 2.575 TAYAHIN 1.K 2.J 3.I 4.H 5.G 6.F 7.E 8.D 9.C 10.B
  • 19.
    13 Sanggunian Peralta, R.N. etal. Panitikang Asyano: Modyul ng mag-aaral sa Filipino pahina 88- 96. Pasig City. 2018
  • 20.
    Para sa mgakatanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]