GAMIT NG PANGNGALAN
SIMUNO(SUBJECT)
ang pangngalang pinag-uusapan
sa pangungusap
Halimbawa: Si Tatang Felix ay
masipag at responsableng ama ng
tahanan.
PANTAWAG(DIRECT ADDRESS)
pangngalang tinatawag o
sinasambit sa pangungusap.
Halimbawa: Tatang, ikaw ay tunay
na kahanga-hanga.
PAMUNO(APPOSITIVE)
ang simuno at isa pang
pangngalang nasa bahagi ng
paksa ay iisa lamang.
Halimbawa: Si Tatang Felix, ang
aming punong-guro ay
napakahusay.
KAGANAPANG
PANSIMUNO(PREDICATE NOUN)
ang simuno at ang isa pang
pangngalang nasa panaguring
itinutukoy rito ay iisa lamang.
Halimbawa: Siya rin ay tatay ng
aming bayan.
LAYON NG PANDIWA(DIRECT
OBJECT)
ang pangngalan ay ginamit na layon
ng salitang kilos sa pangungusap.
Halimbawa:Nagbukas ng trabaho ang
aking ama para sa bayan.
LAYON NG PANG-UKOL(INDIRECT
OBJECT)
ang pangngalan ay ginamit na layon
ng pang-ukol sa pangungusap
Halimbawa: Ibigay natin kay Tatang
ang paggalang para sa kanyang mga
ginawa.
ANG PANG-UKOL (PREPOSITION)
ay bahagi ng pananalitang nag-
uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay na pinag-
uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o
layon.
ANG PANG-UKOL (PREPOSITION)
sa/sa mga ng/ng mga
ni/nina kay/kina
sa/kay labag sa
nang may tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay hinggil sa/kay
nang wala para sa/kay
laban sa/kay ayon sa/kay
tungo sa mula sa

Gamit ng pangngalan by maam lhex