Ang mananaliksik ay may pangunahing tungkulin sa paggawa ng pananaliksik, kabilang ang pagsagot sa sariling katanungan, paghahanap ng datos, at pagtukoy sa mga limitasyon ng pag-aaral. Kailangan din niyang maging masigasig, maparaan, sistematiko, maingat, analitikal, at responsable upang masiguro ang kredibilidad ng mga impormasyong kinokolekta. Mahalaga sa isang mananaliksik ang intelektwal na kuryusidad at katapatan sa proseso ng pagbibigay ng mga konklusyon at rekomendasyon.