FILIPINO 8-
IKATLONG MARKAHAN
MODYUL 5-
● BROADCAST MEDIA:KOMENTARYONG
PANRADYO
● IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP
NG MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA O
KOMENTARYO
LAYUNING PAMPAGKATUTO:
● Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa
radio broadcasting.
● Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos
sa pananaliksik.
● Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap
ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba
pa.
SUBUKIN
Panuto:Piliin sa kahon ng pagpipilian ang salitang tinutukoy sa
bawat bilang.
Balita telebisyon aklat
dagli sarbey kuro-kuro
Komentaryo internet
___1. Isang pandaigdigang network ng kompiyuter na nagbibigay ng
iba’t ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon
___2. Ito ay pagsisiyasat upang kumalap ng mga opinyon at
karanasan sa pamamagitan ng pagtatanong.
___3. Nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na
naglalaman ng mga impormasyon o mga datos.
___4. Ito ay anomang pangyayaring hindi karaniwan hinggil sa lipunan
na naganap, nagaganap o magaganap pa lamang.
___5. Pasulat na pagpapahayag ng mapanuring opinyon o
pagpapaliwanag tungkol sa partikular na pangyayari o paksa
BALIKAN
Panuto: Piliin ang titik ng katumbas na Popular na Babasahin na tinutukoy sa
bawat bilang.
___1. Ang babasahin na ito ay mas kakaunti ang mga salita ngunit ito ang may
pinakamaraming ang mga larawan/piktyur.
___2. Nagtataglay ng pormal na salita ang babasahing ito, mayroon din itong seryosong tono
dahil tungkol ito sa mga balita.
___3. Ang mga pangungusap sa popular na babasahin na ito ay nasa anyong pasalaysay dahil
ito ay pinaikling kuwento.
A.TABLOID B.MAGASIN C.KOMIKS D.DAGLI
4. Mayroong pinagsamang ginuhit na mga larawan at lobo ng diyalogo ang
babasahing ito.
5. Ang babasahing ito ang may pinakamagandang kalidad ng papel sa lahat
ng popular na babasahin, makulay, makapal at matibay.
TUKLASIN
Tukuyin kung anong radio station ang may islogan na
binabanggit sa ibaba.
1.Basta Radyo,Bombo!
2.May kurtesiya na!May Disiplina pa!
3.Walang Kinikilingan,Walang pinoprotektahan,Serbisyong
Totoo lamang,Walang iwanan!
POKUS NA TANONG
1. Paano nabago ng broadcast media ,partikular ng radyo ang ating
kultura at panitikan?
_______________________________________________
2. Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng
kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating
lipunan?
____________________________________________________________
PAGTALAKAY:
PAGBASA NG TEKSTO:
Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon?
Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng
broadcast media!
Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa
mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing
na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi
maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang
ating ginagalawan.
BROADCAST MEDIA
Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng
radio, telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.
May tatlong (3) uri ito:
1. Komentaryong Panradyo
2. Dokumentaryong Pantelebisyon
3. Dokumentaryong Pampelikula
Ang radio broadcast ay isang uri ng pamamahayag sa paraan pasalita na naghahatid ng mga
napapanahon at sariwang mga balita tungkol sa naganap,nagaganap,at magaganap pa sa bansa at sa
ibang bansa.Nagbibigay rin ng komentaryo ang mga broadcaster na nakatutulong sa pagpapalawak ng
mga kaalaman ng mga tagpakinig.Bukod dito,nagsasagawa din sila ng interbyu sa mga taong may
kinalaman sa isyung pinag-uusapan para mapatunayan sa mga tagpakinig ang pagbibigay ng wastong
impormasyon.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
Iba’t ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya sa
Pagsulat ng Balitang Komentaryo
Ano ang Balita?
Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap,
nagaganap, o magaganap pa lamang tungkol sa lipunan.
Ang mahahalagang salik ng balita ay :
(a)mga pangayayari o detalye nito,
(b)kawilihan, at
(c)mambabasa.
Ito rin ay may katangiang (a)may ganap na kawastuhan paktual o tunay na
pangyayari, (b)napapanahon at may diin sa katotohanan, (c)walang
kinikilingan, (d)maikli, at (e)malinaw.
Basahin ang halimbawang balita na ito:
“GCQ pa more, hirit ng Metro Manila mayors”
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am
Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang
rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging
Infectious Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine
(GCQ) sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metro Manila Council
(MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na napagkasunduan
ng 17 mayors sa ginanap nilang pulong na pinagbatayan sa kanilang
rekomendasyon sa IATF na kailangang mabalanse ang ‘health’ at ‘economy’
“Ang pinagbasehan po nyan yung pagbubukas natin ng ekonomiya na
dahan-dahan, na hindi pwedeng i-compromise ang ating health protocol,
hirap na hirap na po ang ating mga kababayan,” ani Olivarez.
Inaasahan namang ito rin ang irerekomenda ng IATF kay Pangulong
Rodrigo Duterte na magdedesisyon kung anong quarantine status ang
ipatutupad ngayong Setyembre 1
Napag-usapan din aniya, sa pulong ng MMC na paikliin na lamang ang
curfew hours na mula sa alas- 8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw
ay gagawing alas- 10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
Patuloy din aniya ang gagawing pagpapaigting sa critical care capacity sa
pamamagitan ng pagtatayo pa ng mga isolation facilities para sa may mga
mild cases at suspected cases ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19).
Itutuloy din ang pagpapatupad ng localized lockdown sa ilang lugar na
matutukoy na may clustering cases dahil sa pagkakahawaan.
Komentaryong Panradyo
Ayon kay Elena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa
isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin.
Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang
malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo
ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng sanaysay
na naglalahad ng opinyon o pananaw.
Ano ang Komentaryo?
Ang komentaryo ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig
sa isang usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o
maging sa mga isyung matagal nang umiiral. Depende sa uri ng
komentaryo na gagawin, maaaring masusing komentaryo o mapanira.
Kung minsan kasi ay hindi maiwasang pumanig ang isang
komentarista sa mga isyung pinag-uusapan. At kung nangyari ang bagay
na ito, maaring hindi balanse ang mga komento niya sa isyu.
Kadalasang naisasagawa ang komentaryo sa tv sa radyo, pahayagan,
at ngayon ay sa mga social media sa internet.
Basahin ang halimbawang komentaryo na ito:
“Mga Bagong Bayani ang Health Frontliners”
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) September
1, 2020 - 12:00am (Bahagi lamang)
Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging
tampok sa lahat ng programa ng mga local government units ang
pagbibigay parangal sa medical frontliners. Malaki ang naging ambag ng
mga doctors, nurses, medical staff at iba pa para sagipin ang buhay ng
mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19. Kabilang din sa frontliners ang mga
pulis at sundalo.
Halos walong oras silang naka-deployed sa lansangan para proteksiyunan
ang sambayanan. Kaya pinupuri ko sina Philippine National Police Deputy
Director for Operation Lt. Gen. Guillermo Eleazar at National Capital Region
Police Office chief MGen. Debold Sinas sa sakripisyong ipinamalas nila sa
sambayanan
Halos hindi na sila natutulog upang masiguro na naipatutupad ang health
protocol ng IATF. Ang masama lang dito, mukhang sila pa ang pinupuntirya
ng ilang ambisyosong PNP officials na naghahangad sa puwesto ni PNP chief
Gen. Archie Gamboa na magreretiro ngayong buwan.
Karapat-dapat talagang bigyan ng pagpapahalaga ang serbisyo ng ating
medical team sa lahat ng dako ng bansa. Sila ang mga bagong bayani ng
bansa sa panahon ng pandemya. May mga doctor, nurses at
medical staff ang nanawagan ng “time out” dahil pagod na sila sa pag-
asikaso sa mga tinamaan ng sakit. Kaya panawagan nila sa sambayanan
na sumunod sa health protocol upang maiwasan ang hawahan. Kaya mga
suki, palaging magsuot ng face mask, face shield at pairalin ang social
distancing para makaiwas sa sakit.
PAG-UNAWA SA BINASA:
1.Ano ang kaibahan ng balita sa komentaryo?
2.Paano nakakaimpluwensya sa publiko ang komentaryo ng mga
broadcaster sa mainit na isyung pinag-uusapan?
Mga Gabay at Maaaring Pagkuhanan ng Ideya o Datos sa Pagsulat
ng Balita o Komentaryo
1. Internet- ito ay isang pandaigdigang network ng kompyuter na
nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon at pasilidad na
pangkomunikasyon. Ang google at yahoo ang karaniwang ginagamit ng
mga Pilipino sa pagsasaliksik ng mga impormasyon na nais nilang
malaman. Ang mga ito ay nakakonekta sa iba’t ibang platforms ng
internet na maaari sayong makapagbigay ng mga kaalaman mula sa iba’t
ibang panig ng mundo. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at
pagtukoy ng kredibilidad at awtensidad ng mga nakalagay na
impormasyon dito. Kinakailangan na ito ay mula sa pinagkakatiwalaang
ahensya, grupo, o indibidwal na espesyalista o dalubhasa sa paksa.
2. Aklat- Ang aklat ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan
ng impormasyon noon hanggang ngayon. Ito ay nakalimbag o nakasulat
sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng mga impormasyon o mga
datos. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi obsolete o masyado
nang luma. Hangga’t maaari ay hindi lalampas 10-20 taon ang tagal mula
sa pagkakalimbag nito. Kasama ng mga aklat ang iba pang mga printed
sources gaya ng dyornal o pahayagan.
3. Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko
na naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga
tao. Madalas itong ginagamit sa pananaliksik upang bigyan ng
interpretasyon ang mga numero mula rito. Ngunit may mga sarvey din
naman na ang mga sagot na pahayag ang binibigyan ng diin dito.
4. Panayam o Intervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa isang
indibidwal o grupo na dalubhasa o may sapat na kaalaman sa isang
paksa. Maaaring isulat o di kaya’y i-rekord sa pamamagitan
ng video o audio ang pagtatanong ng tagapanayam at ang sagot ng
kinakapanayam, ngunit huwag kalimutang humingi ng pahintulot.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo
1. Pumili ng napapanahong paksa - Mahalaga na ikaw ay magmasid sa
iyong paligid, mula sa iyong mga nababasa naririnig, nakikita at
napapanood. Anong suliranin o pangyayari sa lipunan ang tumawag ng
iyong pansin at sa tingin mo ay matutuwa kang malaman ang mga
impormasyon at katotohanan tungkol dito?
2. Magsaliksik- Sa bahagi namang ito ay maaari kang magsaliksik sa iba’t
ibang pagkukuhanan ng ideya o datos tulad ng internet, aklat, dyornal,
pahayagan, sarvey, o intervyu. Basahing mabuti ang iyong
pinagkukuhanan at isulat ang mahahalagang impormasyon na sa tingin
mo ay makatutulong sa iyong balita o komentaryo. Mahalagang makuha
mo ang mga sagot sa tanong na ANO, SINO, SAAN, KAILAN, at BAKIT.
3. Lumikha ng iyong burador - Ang lahat ng manunulat ay gumagamit ng
burador o scratch paper. Mula sa mga detalye na iyong nasaliksik. Lagyan
mo ng bilang o numero kung ano ang pinaka-importante hanggang sa di-
gaanong mahalaga. Ang balita at komentaryo ay nagtataglay ng tinatawag
na PAMATBUNAY o Lead.
Pamatnubay - ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay
unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay
ang buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang
panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata. Halimbawa:
“Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang rekomendasyon
sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious
Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ) sa
National Capital Region (NCR).”(Pamatnubay sa Balita)
“Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok
sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay
parangal sa medical frontliners.” (Pamatnubay sa Komentaryo)
4. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo - Ang mga bahaging ito ay ay
simula (pamatnubay), katawan, at wakas. Tandaan na sa pagsulat ng
balita, iwasan ang masyadong mahabang talata. Maaari itong putolin
upang bumuo ng bagong talata. “Isang ideya = isang talata.” Gumamit ng
mga transitional devices upang mapag- ugnay-ugnay ang mga talata gaya
ng mga salitang: una, ikalawa, sumunod, sa kabilang banda,
gayunpaman, bilang pagwawakas, at iba pa
5. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa - Mahalaga na basahin mo ang
sarili mong gawa upang makita mo ang ilang mga kamalian sa ispeling,
pagbabantas, o nilalaman na sa tingin mo ay kailangang alisin o
dagdagan. Maaari din na ipabasa mo ito sa iyong magulang, kapatid, o
kasama sa bahay na may kakayahang sumuri ng kalakasan at kahinaan
ng iyong gawang balita o komentaryo.
PAGYAMANIN
Ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang programang panradyo ay
may malaking impluwensya samga tagapakinig sa bansa.Ang wikang ito ang
giangamit na midyum ng komunikasyon ng mga broadcaster at conmmentator
sa pagsasahimpapawid ng kanilang mga balita,ulat at mga puna sa reaksyon na
naganap sa ating bansa.Bunga nito,marami ang nakakaunawa ata nagsasalita ng
wikang Filipino dahil ang wikang ito ang pangunahing wika ng radyo.
May mga programang panradyo sa iba’t ibang lalawigan na gumagamit ng
rehiyonal na wika subalit kapag may kinakapanayam sila sa himpapawid,ang
wikang Filipino parin ang ginagamot na midyum sa pakikipag-usap sa taong
kinakapanayam.
Ang layuning ng mga programang panradyo ay:
A.magbigay ng kasiyahan
B.manlibang
C.magbigay ng kaalaman sa publiko tungkol sa iba’t ibang bagay.
D.magbigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan na wala
nang matakbuhan kundi ang lumapit sa isang kilalang broadcaster
na nagbibigay ng tulong sa nangangailangan.
Pagsasanay 1
Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag sa bawat bilang.
____1. Ang balita ay kinakailangang napapanahon, makatotohanan, at
walang kinikilingan .
_____2. Ang komentaryo naman ay nagtataglay ng saloobin hinggil sa
isang paksa na kinakailangang mapanira lamang.
_____3. Sa pagsasagawa ng intervyu, kahit sinong tao ay maaari mong
tanungin o kapanayamin hinggil sa paksang iyong napili.
_____4. Kahit anong aklat ay maaari mong gamitin sa iyong pagsulat.
_____5. Ang sarvey ay isa sa mga mapagkakatiwalaang puwedeng
pagkuhanan ng detalye.
PAGSASANAY 2:
PANUTO: Gamit ang palaso,ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa
radyo.
Naghahatid ng mga panawagan
Nagpapabatid ng mga talakayan?pulso ng bayan
Nagpapalabas ng variety show
Naghahatid ng panibagong balita
Nagpapalabas ng pelikula
Naghahatid ng musika
Nagpapalabas ng radio drama
Nagpapakilala ng produkto
PAGSASANAY 3
PANUTO: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita o
komentaryo sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 5 sa
patlang bago ang titik.
________ A. Lumikha ng burador
_______ B. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa
________ C. Pumili ng napapanahong paksa
________ D. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo
________ E. Magsaliksik
Gawain 1
PAGSAGOT SA POKUS NA TANONG
1.Paano nabago ng broadcast media ,partikular ng radyo ang
ating kultura at panitikan?
2.Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng
kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating
lipunan?
ISAISIP
Matapos matalakay ang aralin
1.Ano ang sa tingin mo ang pinakamahalagang bagay na
natutuhan mo sa araling ito?
Ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ko sa aralin ito
ay______________________________________________________
_________________________________.
TAYAHIN:
PANUTO: Basahin at unawain at mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ang _______ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang
usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa
mga isyung matagal nang umiiral.
A. Balita B. Komentaryo C. Pamatnubay D. Burador
2. Ang ________ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay
unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito
ay ang buod.
A. Komentaryo B. Balita C. Burador D. Pamatnubay
______3. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi _____________ o
masyado ng luma.
A. Obsolete B. Makabago C. Makapal D. legit
______4. Ang ____________ ay talatanungan na nakalimbag o maaaring
elektroniko na naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng
mga tao.
A. Internet B. Aklat C. Sarvey D. panayam
______5. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng _________
ng mga nakalagay na impormasyon sa internet.
A. Awtentisidad B. Kahusayan C. Kasamaan D. daloy
PANUTO:Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.Piliin sa loob ng kahion ang
hinihinging kasagutan sa bawat bilang.
_______1. Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang
pangmasa tulad ng radio telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network.
_______2. Midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo
sa mas malawak na sakop nito.
_______3. Ang tatlong uri ng broadcast media. ________________
_______4. Ayon sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat
ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw. _______
_______5. Pagbibigay-oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at
saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin.
Broadcast Media Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyon
Elena Botkin-Levy Dokumentaryong Pampelikula Radyo
MARAMING SALAMAT!!!

melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx

  • 1.
    FILIPINO 8- IKATLONG MARKAHAN MODYUL5- ● BROADCAST MEDIA:KOMENTARYONG PANRADYO ● IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA O KOMENTARYO
  • 2.
    LAYUNING PAMPAGKATUTO: ● Nabibigyang-kahuluganang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting. ● Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik. ● Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa.
  • 3.
    SUBUKIN Panuto:Piliin sa kahonng pagpipilian ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Balita telebisyon aklat dagli sarbey kuro-kuro Komentaryo internet
  • 4.
    ___1. Isang pandaigdigangnetwork ng kompiyuter na nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon ___2. Ito ay pagsisiyasat upang kumalap ng mga opinyon at karanasan sa pamamagitan ng pagtatanong. ___3. Nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng mga impormasyon o mga datos. ___4. Ito ay anomang pangyayaring hindi karaniwan hinggil sa lipunan na naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. ___5. Pasulat na pagpapahayag ng mapanuring opinyon o pagpapaliwanag tungkol sa partikular na pangyayari o paksa
  • 5.
    BALIKAN Panuto: Piliin angtitik ng katumbas na Popular na Babasahin na tinutukoy sa bawat bilang. ___1. Ang babasahin na ito ay mas kakaunti ang mga salita ngunit ito ang may pinakamaraming ang mga larawan/piktyur. ___2. Nagtataglay ng pormal na salita ang babasahing ito, mayroon din itong seryosong tono dahil tungkol ito sa mga balita. ___3. Ang mga pangungusap sa popular na babasahin na ito ay nasa anyong pasalaysay dahil ito ay pinaikling kuwento. A.TABLOID B.MAGASIN C.KOMIKS D.DAGLI
  • 6.
    4. Mayroong pinagsamangginuhit na mga larawan at lobo ng diyalogo ang babasahing ito. 5. Ang babasahing ito ang may pinakamagandang kalidad ng papel sa lahat ng popular na babasahin, makulay, makapal at matibay. TUKLASIN Tukuyin kung anong radio station ang may islogan na binabanggit sa ibaba. 1.Basta Radyo,Bombo! 2.May kurtesiya na!May Disiplina pa! 3.Walang Kinikilingan,Walang pinoprotektahan,Serbisyong Totoo lamang,Walang iwanan!
  • 7.
    POKUS NA TANONG 1.Paano nabago ng broadcast media ,partikular ng radyo ang ating kultura at panitikan? _______________________________________________ 2. Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan? ____________________________________________________________
  • 8.
    PAGTALAKAY: PAGBASA NG TEKSTO: Mahiligka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media! Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.
  • 9.
    BROADCAST MEDIA Ito aypaghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radio, telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network. May tatlong (3) uri ito: 1. Komentaryong Panradyo 2. Dokumentaryong Pantelebisyon 3. Dokumentaryong Pampelikula Ang radio broadcast ay isang uri ng pamamahayag sa paraan pasalita na naghahatid ng mga napapanahon at sariwang mga balita tungkol sa naganap,nagaganap,at magaganap pa sa bansa at sa ibang bansa.Nagbibigay rin ng komentaryo ang mga broadcaster na nakatutulong sa pagpapalawak ng mga kaalaman ng mga tagpakinig.Bukod dito,nagsasagawa din sila ng interbyu sa mga taong may kinalaman sa isyung pinag-uusapan para mapatunayan sa mga tagpakinig ang pagbibigay ng wastong impormasyon. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC
  • 10.
    Iba’t ibang Estratehiyasa Pangangalap ng mga Ideya sa Pagsulat ng Balitang Komentaryo Ano ang Balita? Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang tungkol sa lipunan. Ang mahahalagang salik ng balita ay : (a)mga pangayayari o detalye nito, (b)kawilihan, at (c)mambabasa. Ito rin ay may katangiang (a)may ganap na kawastuhan paktual o tunay na pangyayari, (b)napapanahon at may diin sa katotohanan, (c)walang kinikilingan, (d)maikli, at (e)malinaw.
  • 11.
    Basahin ang halimbawangbalita na ito: “GCQ pa more, hirit ng Metro Manila mayors” Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ) sa National Capital Region (NCR). Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez na napagkasunduan ng 17 mayors sa ginanap nilang pulong na pinagbatayan sa kanilang rekomendasyon sa IATF na kailangang mabalanse ang ‘health’ at ‘economy’
  • 12.
    “Ang pinagbasehan ponyan yung pagbubukas natin ng ekonomiya na dahan-dahan, na hindi pwedeng i-compromise ang ating health protocol, hirap na hirap na po ang ating mga kababayan,” ani Olivarez. Inaasahan namang ito rin ang irerekomenda ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdedesisyon kung anong quarantine status ang ipatutupad ngayong Setyembre 1 Napag-usapan din aniya, sa pulong ng MMC na paikliin na lamang ang curfew hours na mula sa alas- 8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw ay gagawing alas- 10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw. Patuloy din aniya ang gagawing pagpapaigting sa critical care capacity sa pamamagitan ng pagtatayo pa ng mga isolation facilities para sa may mga mild cases at suspected cases ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19). Itutuloy din ang pagpapatupad ng localized lockdown sa ilang lugar na matutukoy na may clustering cases dahil sa pagkakahawaan.
  • 13.
    Komentaryong Panradyo Ayon kayElena Botkin- Levy, Koordineytor, Zumix Radyo, ito ay pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
  • 14.
    Ano ang Komentaryo? Angkomentaryo ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa mga isyung matagal nang umiiral. Depende sa uri ng komentaryo na gagawin, maaaring masusing komentaryo o mapanira. Kung minsan kasi ay hindi maiwasang pumanig ang isang komentarista sa mga isyung pinag-uusapan. At kung nangyari ang bagay na ito, maaring hindi balanse ang mga komento niya sa isyu. Kadalasang naisasagawa ang komentaryo sa tv sa radyo, pahayagan, at ngayon ay sa mga social media sa internet.
  • 15.
    Basahin ang halimbawangkomentaryo na ito: “Mga Bagong Bayani ang Health Frontliners” BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) September 1, 2020 - 12:00am (Bahagi lamang) Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay parangal sa medical frontliners. Malaki ang naging ambag ng mga doctors, nurses, medical staff at iba pa para sagipin ang buhay ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19. Kabilang din sa frontliners ang mga pulis at sundalo.
  • 16.
    Halos walong orassilang naka-deployed sa lansangan para proteksiyunan ang sambayanan. Kaya pinupuri ko sina Philippine National Police Deputy Director for Operation Lt. Gen. Guillermo Eleazar at National Capital Region Police Office chief MGen. Debold Sinas sa sakripisyong ipinamalas nila sa sambayanan Halos hindi na sila natutulog upang masiguro na naipatutupad ang health protocol ng IATF. Ang masama lang dito, mukhang sila pa ang pinupuntirya ng ilang ambisyosong PNP officials na naghahangad sa puwesto ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na magreretiro ngayong buwan. Karapat-dapat talagang bigyan ng pagpapahalaga ang serbisyo ng ating medical team sa lahat ng dako ng bansa. Sila ang mga bagong bayani ng bansa sa panahon ng pandemya. May mga doctor, nurses at
  • 17.
    medical staff angnanawagan ng “time out” dahil pagod na sila sa pag- asikaso sa mga tinamaan ng sakit. Kaya panawagan nila sa sambayanan na sumunod sa health protocol upang maiwasan ang hawahan. Kaya mga suki, palaging magsuot ng face mask, face shield at pairalin ang social distancing para makaiwas sa sakit. PAG-UNAWA SA BINASA: 1.Ano ang kaibahan ng balita sa komentaryo? 2.Paano nakakaimpluwensya sa publiko ang komentaryo ng mga broadcaster sa mainit na isyung pinag-uusapan?
  • 18.
    Mga Gabay atMaaaring Pagkuhanan ng Ideya o Datos sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo 1. Internet- ito ay isang pandaigdigang network ng kompyuter na nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon. Ang google at yahoo ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pagsasaliksik ng mga impormasyon na nais nilang malaman. Ang mga ito ay nakakonekta sa iba’t ibang platforms ng internet na maaari sayong makapagbigay ng mga kaalaman mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng kredibilidad at awtensidad ng mga nakalagay na impormasyon dito. Kinakailangan na ito ay mula sa pinagkakatiwalaang ahensya, grupo, o indibidwal na espesyalista o dalubhasa sa paksa.
  • 19.
    2. Aklat- Angaklat ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan ng impormasyon noon hanggang ngayon. Ito ay nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng mga impormasyon o mga datos. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi obsolete o masyado nang luma. Hangga’t maaari ay hindi lalampas 10-20 taon ang tagal mula sa pagkakalimbag nito. Kasama ng mga aklat ang iba pang mga printed sources gaya ng dyornal o pahayagan. 3. Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao. Madalas itong ginagamit sa pananaliksik upang bigyan ng interpretasyon ang mga numero mula rito. Ngunit may mga sarvey din naman na ang mga sagot na pahayag ang binibigyan ng diin dito.
  • 20.
    4. Panayam oIntervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa isang indibidwal o grupo na dalubhasa o may sapat na kaalaman sa isang paksa. Maaaring isulat o di kaya’y i-rekord sa pamamagitan ng video o audio ang pagtatanong ng tagapanayam at ang sagot ng kinakapanayam, ngunit huwag kalimutang humingi ng pahintulot. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo 1. Pumili ng napapanahong paksa - Mahalaga na ikaw ay magmasid sa iyong paligid, mula sa iyong mga nababasa naririnig, nakikita at napapanood. Anong suliranin o pangyayari sa lipunan ang tumawag ng iyong pansin at sa tingin mo ay matutuwa kang malaman ang mga impormasyon at katotohanan tungkol dito?
  • 21.
    2. Magsaliksik- Sabahagi namang ito ay maaari kang magsaliksik sa iba’t ibang pagkukuhanan ng ideya o datos tulad ng internet, aklat, dyornal, pahayagan, sarvey, o intervyu. Basahing mabuti ang iyong pinagkukuhanan at isulat ang mahahalagang impormasyon na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong balita o komentaryo. Mahalagang makuha mo ang mga sagot sa tanong na ANO, SINO, SAAN, KAILAN, at BAKIT. 3. Lumikha ng iyong burador - Ang lahat ng manunulat ay gumagamit ng burador o scratch paper. Mula sa mga detalye na iyong nasaliksik. Lagyan mo ng bilang o numero kung ano ang pinaka-importante hanggang sa di- gaanong mahalaga. Ang balita at komentaryo ay nagtataglay ng tinatawag na PAMATBUNAY o Lead.
  • 22.
    Pamatnubay - itoang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata. Halimbawa: “Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).”(Pamatnubay sa Balita) “Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay parangal sa medical frontliners.” (Pamatnubay sa Komentaryo)
  • 23.
    4. Buoin angbahagi ng balita o komentaryo - Ang mga bahaging ito ay ay simula (pamatnubay), katawan, at wakas. Tandaan na sa pagsulat ng balita, iwasan ang masyadong mahabang talata. Maaari itong putolin upang bumuo ng bagong talata. “Isang ideya = isang talata.” Gumamit ng mga transitional devices upang mapag- ugnay-ugnay ang mga talata gaya ng mga salitang: una, ikalawa, sumunod, sa kabilang banda, gayunpaman, bilang pagwawakas, at iba pa 5. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa - Mahalaga na basahin mo ang sarili mong gawa upang makita mo ang ilang mga kamalian sa ispeling, pagbabantas, o nilalaman na sa tingin mo ay kailangang alisin o dagdagan. Maaari din na ipabasa mo ito sa iyong magulang, kapatid, o kasama sa bahay na may kakayahang sumuri ng kalakasan at kahinaan ng iyong gawang balita o komentaryo.
  • 24.
    PAGYAMANIN Ang paggamit ngwikang Filipino sa iba’t ibang programang panradyo ay may malaking impluwensya samga tagapakinig sa bansa.Ang wikang ito ang giangamit na midyum ng komunikasyon ng mga broadcaster at conmmentator sa pagsasahimpapawid ng kanilang mga balita,ulat at mga puna sa reaksyon na naganap sa ating bansa.Bunga nito,marami ang nakakaunawa ata nagsasalita ng wikang Filipino dahil ang wikang ito ang pangunahing wika ng radyo. May mga programang panradyo sa iba’t ibang lalawigan na gumagamit ng rehiyonal na wika subalit kapag may kinakapanayam sila sa himpapawid,ang wikang Filipino parin ang ginagamot na midyum sa pakikipag-usap sa taong kinakapanayam.
  • 25.
    Ang layuning ngmga programang panradyo ay: A.magbigay ng kasiyahan B.manlibang C.magbigay ng kaalaman sa publiko tungkol sa iba’t ibang bagay. D.magbigay ng serbisyo sa mga taong nangangailangan na wala nang matakbuhan kundi ang lumapit sa isang kilalang broadcaster na nagbibigay ng tulong sa nangangailangan.
  • 26.
    Pagsasanay 1 Tukuyin kungtama o mali ang mga pahayag sa bawat bilang. ____1. Ang balita ay kinakailangang napapanahon, makatotohanan, at walang kinikilingan . _____2. Ang komentaryo naman ay nagtataglay ng saloobin hinggil sa isang paksa na kinakailangang mapanira lamang. _____3. Sa pagsasagawa ng intervyu, kahit sinong tao ay maaari mong tanungin o kapanayamin hinggil sa paksang iyong napili. _____4. Kahit anong aklat ay maaari mong gamitin sa iyong pagsulat. _____5. Ang sarvey ay isa sa mga mapagkakatiwalaang puwedeng pagkuhanan ng detalye.
  • 27.
    PAGSASANAY 2: PANUTO: Gamitang palaso,ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo. Naghahatid ng mga panawagan Nagpapabatid ng mga talakayan?pulso ng bayan Nagpapalabas ng variety show Naghahatid ng panibagong balita Nagpapalabas ng pelikula Naghahatid ng musika Nagpapalabas ng radio drama Nagpapakilala ng produkto
  • 28.
    PAGSASANAY 3 PANUTO: Pagsunod-sunorinang mga hakbang sa pagsulat ng balita o komentaryo sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1 hanggang 5 sa patlang bago ang titik. ________ A. Lumikha ng burador _______ B. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa ________ C. Pumili ng napapanahong paksa ________ D. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo ________ E. Magsaliksik
  • 29.
    Gawain 1 PAGSAGOT SAPOKUS NA TANONG 1.Paano nabago ng broadcast media ,partikular ng radyo ang ating kultura at panitikan? 2.Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan?
  • 30.
    ISAISIP Matapos matalakay angaralin 1.Ano ang sa tingin mo ang pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa araling ito? Ang pinakamahalagang bagay na natutuhan ko sa aralin ito ay______________________________________________________ _________________________________.
  • 31.
    TAYAHIN: PANUTO: Basahin atunawain at mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang _______ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa mga isyung matagal nang umiiral. A. Balita B. Komentaryo C. Pamatnubay D. Burador 2. Ang ________ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay ang buod. A. Komentaryo B. Balita C. Burador D. Pamatnubay
  • 32.
    ______3. Siguraduhin lamangna ang aklat na ito ay hindi _____________ o masyado ng luma. A. Obsolete B. Makabago C. Makapal D. legit ______4. Ang ____________ ay talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko na naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao. A. Internet B. Aklat C. Sarvey D. panayam ______5. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng _________ ng mga nakalagay na impormasyon sa internet. A. Awtentisidad B. Kahusayan C. Kasamaan D. daloy
  • 33.
    PANUTO:Basahin at unawaingmabuti ang bawat pahayag.Piliin sa loob ng kahion ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. _______1. Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o biswal man, sa pamamagitan ng midyang pangmasa tulad ng radio telebisyon, internet o iba pang bagay sa tulong ng network. _______2. Midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. _______3. Ang tatlong uri ng broadcast media. ________________ _______4. Ayon sa kanya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw. _______ _______5. Pagbibigay-oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin. Broadcast Media Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyon Elena Botkin-Levy Dokumentaryong Pampelikula Radyo
  • 34.