Ang modyul na ito ay dinisenyo upang tulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng paggamit ng sariling kakayahan, na may layuning makamit ang mga kompetensiyang itinakda ng kagawaran ng edukasyon. Nakapaloob dito ang mga aralin sa pagsusulat ng talatang naglalarawan, kung paano bumuo ng mga pangungusap, at ang mga kaalaman tungkol sa sakit na dengue fever. Inaasahan ang aktibong kooperasyon ng mga tagapagpadaloy upang masiguro ang matagumpay na pag-aaral ng mga mag-aaral.