Ang pagsusuri ngpananaliksik sa Filipino
ay pag-aanalisa upang mapag-aralan at
mabigyan kasagutan ang problema. Ito ang
prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita
ang paghihimay-himay ng isang buong
pag-aaral. Dito hinihimay ang paksa sa
mas maliit na bahagi at maunawaang
mainam ang bawat detalyeng nakapaloob
dito.
PAGSUSURI NG PANANALIKSIK SA FILIPINO
9.
Layunin ng pagsusuring
pananaliksik ay makakita ng
mga balangkas sa pagbuo ng
isang saliksik.
1. Layunin
.
Isinasaad salayunin ang mga dahilan ng
pananaliksik o kung ano ang ibig matamo
pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa
napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak
ang mga layunin. Panlahat ang layunin
kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o
nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang
layunin kung nagpapahayag ito ng mga
particular na pakay sa pananaliksik sa
paksa.
12.
2. Gamit
.
Isinasagawa angpananaliksik
upang tumuklas ng mga bagong
kaalaman at impormasyon na
magiging kapaki-pakinabang sa
mga tao.
13.
.
Tumutukoy sa paraanna gagamitin sa
pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling
paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring
isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbyu,
paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba
pa.
Iba’t-ibang paraan naman ang maaaring
gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng
empirikal, komparatib, at iba pa.
3. Metodo
14.
.
Ang etika ngpananaliksik ay nagpapakita ng mga
etikal na isyu sa iba’t-ibang bahagi ng proseso ng
pananaliksik.
May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal
na pananaliksik ang American Psychological
Association (2003) at ang Center for Social
Research Methods (2006) na maaaring maging
gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa
anumang larangan.
4. Etika
15.
LAYUNIN
.
Sa bahaging ito,inilalahad ang nais
makamit sa pamamagitan ng
pananaliksik. Ito ang tinutukoy na
adhikaing nais patunayan,
pabulaanan, mahimok, maiparanas, o
ipagawa ng pananaliksik. Isinusulat
ito bilang mga pahayag na nagsasaad
kung paano masasagot o matutupad
ang mga tanong sa pananaliksik.
16.
.
Kapag natapos nangisulat ang
buong pananaliksik, alalahaning
balikan ang mga layunin at siguruhing
natupad o nagawa nga ang mga ito.
Kung hindi nasagot sa kongklusyon
ang mga layunin, maaaring hindi
nasunod ang wastong proseso,
lumihis sa pokus ng pananaliksik, o
naiba ang tunguhin nito.
17.
Paano bumuo nglayunin?
.
Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang
nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa
pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais
makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga
layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang
ang sumusunod:
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na
nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito
gagawin.
2. Makatotohanan o maisasagawa
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng
mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang
tugon sa mga tanong sa pananaliksik.
18.
.
Ilang mga halimbawang mga pandiwang
nagpapaliwanag ng proseso:
Matukoy, maihambing, mapili, masukat,
mailarawan, maipaliwanag, masaliksik,
makapagpahayag, maihanay, maiulat / makapag-ulat,
masuri / makasuri, nakapag-organisa, makilala,
makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto,
mailahad, maibuod, makagawa / makapili, maisa-isa,
magamit / makagamit, makapagsagawa, at
makatalakay.
19.
GAMIT NG PANANALIKSIK
.
Isinasagawaang pananaliksik upang tumuklas ng mga
bagong kaalaman at impormasyon na magiging
kapakipakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang
bagong lumabas na datos na malaki ang tsansang
maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng
kaniyang paggamit ng smartphone at Internet. Ayon
pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang
kaugnayan ang pagbababad sa Internet at paggamit ng
smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya
ng isang tao.
20.
.
1. Maaaring gamitinang pananaliksik upang bigyan
ng bagong interpretasyon ang lumang
impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay
magkaroon ng panibagong imbensiyon na may
kauganayan sa dating pananaliksik.
Halimbawa, noong una ay pinupuri ang pagkatuklas
ng paraan upang mapabuti ang produksiyon ng ilang
uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically
modified organism o GMO. Ngunit ngayon, iniuugnay
sa ilang sakit ang pagkonsumo ng mga pagkaing
sumailalim sa modipikasyon o GMO.
21.
.
2. Nagagamit angpananaliksik upang linawin
ang isang pinagtatalunang isyu. Halimbawa
nito ang mga bagong tuklas na benepisyo ng
marijuana upang malunasan ang ilang
karamdaman. Sa kabila nito, marami pa rin
ang hindi sumasang-ayon na gawing legal ang
paggamit ng marijuana.
22.
.
3. Nagsasagawa ngkaragdagang
pananaliksik upang patunayan ang bisa
at katotohanan ng isang datos o idea.
Maaaring kumpirmahin ng bagong pag-
aaral ang isang umiiral na katotohanan.
23.
METODO
Ilalahad ang uring kasangkapan o instrumenting
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng
pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan
ang instrumento.
Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam,
kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga
tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang
talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga
dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey
naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang
laging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng
instrument ang mga suliranin ng pananaliksik.
1. Pagkilala saPinagmulan ng mga Ideya sa
Pananaliksik.
-Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang
pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa
isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod
sa mananaliksik ay maaaring marami nang
naunang nag-isip tungkol sa particular na
paksang nais mong unawain at pagyamanin.
Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang
mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa
pamamagitan ng diyalogong iyo, nakalilikha ng
isang komunidad ng mga mananaliksik na may
malasakit at iisang layunin.
26.
2. Boluntaryong Partisipasyonng mga Kalahok.
-Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o
respondente sa pagbibigay ng impormasyon o
anumang partisipasyon sa pananaliksik. Bago
simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o
eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa
mga tagasagot ang kabuoang layunin ng
pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon.
Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din
ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng
eksperimento at kailangang buong-loob ang
kaniyang paglahok sa kabila nito.
27.
3. Pagiging Kumpidensiyalat Pagkukubli sa
Pagkakakilanlan ng Kalahok.
-Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang
anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay
gagamitin lamang sa kapakinabangan ng
pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik
kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng
tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik sa may
sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y
ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa
ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga
tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng
pananaliksik.
28.
4. Pagbabalik atPaggamit sa Resulta ng Pananaliksik.
-Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong
pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral.
Madalas na nararamdaman ng mga kaalhok, lalo na yaong
mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng
mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay
parang bulag nawaala ang mga ito. Ito ay dahil sa
mangilanngilan lamang na mananliksik ang bumabalik
upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-
aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng
polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang
pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa
kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng
komunidad o kaugnay na institusyong pinagaaralan.
29.
KAHULUGAN
• Ang pananaliksikay isang paraan sa
pangangalap ng mga totoo at kaugnay na
impormasyon na sumasagot sa
katanungan ng mga mananaliksik.
• Ayon kay Kerlinger (1973) ang
pananaliksik bilang isang sistematiko,
kontrolado, emperikal, at kritikal na
imbestigasyon ng mga proposisyong
haypotetikal.
30.
KAHULUGAN
• Batay kayParel (1966), ang
pananaliksik ay isang sistematikong
pag-aaral o imbestigasyon ng isang
bagay sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang mananaliksik.
• Base kay Good (1963), ang
pananaliksik ay isang maingat, kritikal,
disiplinadong inkwiri sa pamamagitan
ng iba’t-ibang Teknik at paraan batay
sa kalikasan at kalagayan ng natukoy
na suliranin tungo sa klaripikasyon o
resolusyon nito.
31.
ANO ANG KAHULUGANNG LAYUNIN
NG PANANALIKSIK?
Isinasaad dito ang mga dahilan ng
pananaliksik o kung ano ang ibig
matamo pagkatapos maisagawa ang
pananaliksik sa napiling paksa. Sa
bahaging ito, inilalahad ang nais
makamit sa pamamagitan ng
pananaliksik.
32.
MGA TIYAK NALAYUNIN NG
PANANALIKSIK CALDERON AT GONZALES
(1993)
Upang makakita ng mga bagong kaalaman
batay sa batid nang penomena.
• Upang makapangalap ng sagot sa mga suliraning
hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon.
• Makatuklas nang hindi pa nakikilalang bagay o
elemento.
• Makalikha ng mga pasya sa kalakalan, industriya,
edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
33.
ANO ANG GAMITNG
PANANALIKSIK?
• Maaaring gamitin ang pananaliksik
upang bigyang interpretasyon ang
lumang impormasyon.
• Nagagamit ang pananaliksik upang
linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
• Nagsasagawa ng karagdagang
pananaliksik upang patunayan ang bisa
at katotohanan ng isang datos o ideya.
34.
ANO ANG KAHULUGANNG METODO?
Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa
pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling
paksa. Ang pangangalap ng datos ay
maaaring isagawa sa pamamagitan ng
sarbey at talatanungan, interbyu,
obserbasyon at iba pa.
35.
SARBEY (SURVEY)
- Angsarbey o survey sa ingles ay isang klase ng talatanungan na
binubuo ng iba’t-ibang mga tanong na hango sa isang paksang
nais bigyang kasagutan. Karaniwang nais bigyang pansin nito ay
ang opinyon o saloobin ng mga tao hinggil sa paksang pinag-
uusapan.
TALATANUNGAN
- Ito ay nailimbag na paraan na kinapapalooban ng mga
katanungan at panuto.
• Standardized – ito ay naidesenyo at binuo sa pananaliksik
at ito ay palagiang giangamit sa iba pang pananaliksik. Ito
ay nagdudulot ng pinakamataas na lebel ng relayability
(reliability), balidity (validity), at accuracy.
• Research-Made – ito ay talatanungang gawa ng
mananaliksik. Kailangang subukan o pre-testing para sa
balidasyon, ang layunin ay maiwasto at lalong mapagbuti
pa ang mga tanong.
36.
PAKIKIPANAYAM O INTERBYU
-Ito ay harapang usapan sa pagitan ng dalawang
tao, ang tinatanong at ang nagtatanong ay ang
respondante na siyang nagbibigay ng
impormasyon.
OBSERBASYON
- Sa ganitong uri ng pangangalap ng datos, ang
mananaliksik ay nakatuon sa tuwirang
paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at
ang pinakamabuting paraan para makamit ang
layuning ito ay ang pagmamasid.
37.
ANO ANG KAHULUGANNG ETIKA NG
PANANALIKSIK?
Tumutukoy sa pagiging matuwid,
makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa
kapwa ng isang tao. Kung ilalapat ito sa
pagsasagawa ng pananaliksik, mahihinuha na
ang pagiging etikal sa larangang ito ay
pagsunod sa mga pamantayang may
pagpapahalaga sa katapatan, at kabutihan.
38.
ETIKA NG PANANALIKSIK
1.Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa
pananaliksik
2. Boluntaryong partisipasyon ng mga
kalahok
3. Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa
pagkakakilanlan ng kalahok
4. Pagbabalik at paggamit sa resulta ng
pananaliksik
Bahagi ng Pagsusuring
Pananaliksik
Layunin Gamit Metodo Etika
Pamantayan sa Pagmamarka:
Kaangkupan - 20 pts
Organisasyon - 15 pts
Kaangkupan ng Ideya - 10 pts
Kalinawan - 5 pts
Kabuuan - 50 pts
Editor's Notes
#7 Paano niyo masasabi na sariwa ang isda?
Ano ang proseso na iyong gagawin upang makain ito?
Bakit mahalagang himay-himayin ang bawat bahagi ng isda?
Anong pagsusuriang gagawin mo upang makain ito ng maayos
Paghihimay-himay