MGA LAYUNIN:
1.Nakikilala angpagkakaiba ng gamit ng
mga sangkap sa maayos na
pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay
kahulugan, layunin at intensyon
2.Napapahalagahan ang paraan ng
pagbigkas ng mga salita ayon sa
wastong diin, haba, tono at antala
3.Nakapagbibigay paliwanag sa mga
naging sagot sa bawat gawain bilang
4.
PANIMULA:
Sa alinmang wika,mahalaga ang
mga tunog. Makabuluhan ang mga
tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang
kahulugan ng salita. Bukod sa
pagkilatis sa tunog, may iba pang
paraan upang makilala ang kahulugan
intensyon, at saloobin
ng salita o pahayag gayundin
ang layunin,
ng
nagsasalita.
5.
Basahin nang wastoang mga salita at
pahayag batay sa bantas na ginamit.
A. 1. Totoo? Maganda
siya? Totoo! Maganda
siya.
3. Mahal ka niya?
Mahal ka niya.
2. Magagaling? Sila?
Magagaling sila.
B.1. May bisita tayo bukas?
May bisita tayo bukas.
2. Ikaw ang may-sala sa
nangyari? Ikaw ang may-sala
sa nangyari.
6.
Sagutin:
1. Ano angpagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at
A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
2.Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1
at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
3.Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o
saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
7.
Pagpapayamang Pangkomunikatibo
Sa pagsulat,makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa
tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang
padamdam.
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang
kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba,
diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw
o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na
bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa
pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
Bago ang talakayan,aalamin na muna natin ang ibig
sabihin ng Ponemang Suprasegmental at ano ang
pinagbubuhatan ng salitang ito upang lubos na maunawaan
natin ang aralin.
1. Ano ang ponema?
2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental?
3. Ano naman ang ibig sabihin ng segmental?
Mga gabay na tanong:
10.
Alam mo bana….
Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang
tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na
nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos
magkakatulad ang kaligirang baybay.
Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay
ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa
maagham na paraan.
11.
Ang ponema aytumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na
naman ang tawag sa
taglay ang kahulugan samantalang graphemes
pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon.
Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na
may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa
kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa
morpema
na kung saan ay
tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita.
Ang morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
12.
Ang salitang “Ponema”ay mula sa salitang Griyego na “Phoneme”
na
nangangahulugang makatuturang tunog at ng “Phone”n
a
nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang
Filipino bilang Ponema.
Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang
suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang
tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)
13.
Halimbawa:
Sa pagluluto natinng Sinigang
Baboy,
alin kaya dito ang
maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o
ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang
suprasegmental?
Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang
baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang
suprasegmental ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong
sinigang na baboy. Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang
pagkakalahad ng kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga
pantulong sa pagbubuo nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental:
tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)
14.
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ito aymakahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na
naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan,
layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin,
tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
-Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
15.
Mga halimbawa:
a.) /BU:hay/=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang
b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna
2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina
ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas.
Mga Halimbawa:
a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b.) Talaga
Talaga
= 213, pag-aalinlangan
= 231, pagpapatibay, pagpapahayag
16.
3.Antala/ Hinto- Bahagyangpagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang
guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).
Mga Halimbawa:
a. Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang
na si Arvyl.)
b. Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi
siya ang gumawa kundi si Joshua.)
c. Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.)
17.
Karagdagang Kaalaman:
= nangangahuluganghilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita
= nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay
waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas
halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar
/BA:ga?/ = lungs
/ BA:ta?/ = child
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa
bunganga
halimbawa: /SU:kah/ = vomit
/BA:gah/ = for instance, or for example (for explaining something)
/ BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di malamigan
18.
: = banayadna pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba sa
pagbigkas ng salita
. = ang kagyat na pagbigkas ng salita
Halimbawa: / bu:hay/ = magiging mahaba ang pagbigkas sa bu kapag
ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life
/ bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay
nangangahulugang humihinga pa.
/ pu:no?/ = tree
/ pu.no?/ = full
/ ta:nan/ = umalis nang walang paalam
/ ta.nan/ = nangangahulugang lahat sa Cebuano na
tanggap na sa Filipino
19.
Gawain : Sagutinang sumusunod na mga halimbawa ng
salitangmay iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na
kahulugan nito.
1./BU:kas/= / bu:KAS/ =
2./LI:gaw/= / li:GAW/ =
3./GA:lah/= / ga:LAH /=
4./PU:la?/= / pu:LAH/ =
20.
Mga kahulugan ngsalita ayon sa diin.
1. /BU:kas/= tomorrow
2./LI:gaw/= _to court
3./GA:lah/=long sleeve shirt
4./PU:la?/= to criticize
5./BU:koh/= _coconut
/ bu:KAS/ = open
/ li:GAW/ = _wild
/ ga:LAH /= palaboy
/ pu:LAH/ = _red color
/ bu:KOH/ = being discovered
21.
Pagsasanay 1: BigkasinMo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang
baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. / SA:ka/ - / sa:KA/ -
2. / BU:hay/- / bu:HAY/-
3. /ki:tah/ - / ki:TA?/-
4. /ta:lah/-
/ta:la?/ - 5.
/ba:lah/- /ba.la?/
22.
PAGSASANAY 2: TONO
Tukuyinang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa
sagutang papel.
1. Kanina
kanina
2. mayaman
mayaman
3. magaling
magaling
4. kumusta
kumusta
5. Ayaw mo
Ayaw
= , pag-aalinlangan
= , pagpapatibay,
pagpapahayag
= , pagtatanong
= , pagpapahayag
= , pagpupuri
= , pag-aalinlangan
= , pagtatanong na masaya
= , pag-aalala
= , paghamon
= , pagtatanong
23.
PAGSASANAY 3: DIIN
Gamitinsa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago
ng kahulugan batay sa diin.
Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also)
1. /BA:ba/ - /ba:BA/ -
2. /BA:ta?/ - / ba:TAH/ -
3. /BA:gah/ - /ba:GA?/ -
4. /LA:bi// - / la:BI/ -
5. /BA:sah/- / ba:SA?/ -
24.
Mga Kasagutan sapagsasanay 3:
1./BA:ta?/ = child_ / ba:Tah/ =
robe_
2./BA:gah/= ningas ng apoy/ba.GA?/ = lungs
3./LA:bi?/ = lips / la:BI? /
= corpse 4./BA:sah/= to read /
ba:SA?/ = wet_ 5./BA:ba?/= jaw /
ba:BA?/ = _go
down
25.
PAGSASANAY 4: HINTO/ANTALA
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba
ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.
1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.
26.
PAGLALAHA
T
Paano nakatutulongang ponemang suprasegmental sa
pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan,
layunin at intensyon? Ipaliwanag.
27.
Karagdagang Pagsasanay:
A.Isulat angwastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong
gamit nito sa pangungusap.
1. Dumating na siya kagabi na may dalang maraming .
2. Hindi nakadalo ang kanyang may lagnat ito.
(pala)
(kasi)
(dating) 3. matamlay na ang bata noong bagong pa lamang nito.
(sila) 4. ay na ng malalaking Leon.
(lamang) 5. Ako dapat ang maging sa amin.
(tabi)
(taga)
(yaya)
(busog)
(puso)
6. po, maaari bang ta sa iyo?
7. Ang lalaking probinsiya ay may sa kanyang mukha.
8. Ang aming ay nag- nang mamasyal.
9. Hindi ko magalaw ang aking sapagkat ako’y sobrang
.
10. Ang pagpapaayos ng kanilang ang laging nasa kanyang
.
28.
B. Gamit angnatututunan, sumulat ng isang talata gamit ang mga
salitang magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho ang kaligirang baybay nito.
Kawastuan ng pagbabago ng diin
Organisasyon ng ideya
-
-
Mga Mungkahing Paksa:
1. Ang Pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”
2. Paghahanda para sa Bakasyon
3. Pamimitas ng Lanzones sa Gawisan
4. Panliligaw ng Kabataan sa Bagong Henerasyon
5. Sariling Piling Paksa
Mga pamantayan sa Pagmamarka
Kaangkupan ng mga salita sa kaisipan -
30%
30%
40%
100%