Introduksyon sa
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino
Mga Batayang
Kaalaman sa
Pananaliksik
Pananaliksik
•Ayon kay Aquino (1974), ang
pananaliksik ay isang sistematikong
paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak
na paksa o suliranin.
Pananaliksik
•Matapos ang maingat at sistematikong
paglilikom ng impormasyon o datos, ito ay
lalapatan ng interpretasyon upang lubos na
maunawaan ang resulta ng pagsasaliksik.
•Ito ay isang siyentipiko at organisadong
proseso ng paghahanap-kasagutan sa mga
suliranin na ating kinakaharap.
Kahalagahan ng Pananaliksik
1. Nakadidiskubre ng mga bagong kaalaman
hinggil sa mga batid ng penomena.
 Dahil sa kaalamang ito, natututunan na ng
tao na iwasan o agapan ang isang penomena
na maaaring makapaminsala sa tao. Mas
napabubuti ng pananaliksik ang kahandaan
sakali mang maulit ang isang pangyayari.
Kahalagahan ng Pananaliksik
2. Nakakikita ng mga sagot sa mga suliraning
hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo.
Ang patuloy na pagsasagawa ng pananaliksik
ay ang patuloy ring paghahanap ng kasagutan
sa mga problemang wala pang tiyak na
solusyon. Hindi tumitigil ang pagsasaliksik
hangga’t hindi nalulutas ang isang suliranin.
Kahalagahan ng Pananaliksik
3. Napabubuti ang mga umiiral na teknik at
makadebelop ng mga instrumento o produkto.
Sa pamamagitan ng pananaliksik ay patuloy na
nalilinang ang mga kagamitan o kasanayan na
ating ginagamit sa araw-araw. Kabilang nito ang
patuloy na pag-unlad at pagbabago ng
teknolohiya.
Kahalagahan ng Pananaliksik
4. Nakatutuklas ng hindi pa nakikilalang
elemento.
Dahil sa pananaliksik, patuloy tayong
nakadidiskubre ng mga impormasyon,
kasanayan, at kagamitan na mas
nakapagpapalinaw ng mga bagay na wala pang
kasagutan sa ating mundo.
Kahalagahan ng Pananaliksik
5. Nauunawaan nang lubos ang kalikasan ng
mga elementong batid na.
Mas nalilinang ng pananaliksik ang mga
kaalamang ating batid na. Madalas ay may
nadidiskubre tayo ng ibang gamit o nakasasamang
epekto ng mga bagay na matagal na nating
ginagawa kaya’t nababago natin ang paraan na
ating nakasanayan na.
Kahalagahan ng Pananaliksik
6. Nakalilikha ng mga batayan ng pagpapasya
sa kalakalan, industriya, edukasyon,
pamahalaan, at iba pang larangan.
Sa patuloy na paglalim ng ating kaalaman sa
ating natutunan sa pananaliksik, nakagagawa
tayo ng mga pamantayan at resolusyon upang
resolbahin o maayos na ibalangkas ang isang
industriya.
Kahalagahan ng Pananaliksik
7. Napupunan ang kuryosidad ng isang tao.
Ang pananaliksik ay ang paghahanap ng
kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa
ating kamalayan.
Sa pagsasagawa nito, nasisiyahan ang isang
mananaliksik kapag natutuldukan ang matagal
na niyang pinag-iisipan.
Kahalagahan ng Pananaliksik
8. Napapalawak at napagtitibay ang mga
umiiral na kaalaman.
Ang resulta ng pananaliksik ay lubhang
nakaapekto sa kredibilidad ng isang
impormasyon. Mas napagtitibay nito ang
mga basehan ng isang konsepto.
Mga Uri ng
Pananaliksik
(AYON SA LAYUNIN)
1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research)
Ito ang mga pananaliksik na agarang
nagagamit ang resulta sa pagpapabuti o
pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa isang
bagay. Nakatutulong ang resulta ng pag-aaral
upang makapaglahad ng impormasyon na
magagamit sa paglutas ng problema.
1. Panimulang Pananaliksik (Basic Research)
Mga Halimbawa:
Pag-aaral sa epekto ng makabagong
teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante;
pananaliksik sa mga kinagigiliwang
katangian ng mga K-Pop Idol sa mga
kabataan.
2. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)
Ito ang mga pananaliksik na isinasagawa
upang maresolba o masagot ang isepesipikong
tanong o problema ng isang larangan. Ang
resulta ng isang action research ay nagagamit
upang batayan para sa mas ikabubuti ng
isang larangan sa paglaon ng panahon.
2. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)
Mga Halimbawa:
Pananaliksik tungkol sa pinaka-epektibong
paraan ng motibasyon para sa mabilis na
paggawa ng mga fast food crew; pag-aaral sa
epekto ng trapiko sa kalidad ng buhay ng mga
mamamayan sa isang munisipalidad.
3. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research).
Ito ang mga pananaliksik na ginagawa upang
malutas ang kuryosidad ng mga
mananaliksik. Ang resulta sa ganitong uri ng
pananaliksik ay hindi agaran ngunit lubhang
nakaaapekto upang mas mapabuti ang
kalakaran ng isang industriya at ang kalidad
ng buhay ng nakararami.
3. Pagtugong Pananaliksik (Applied Research).
Mga Halimbawa:
Pag-aaral sa iba pang paraan sa pagsugpo ng
cancer cells bukod sa radiation; pananaliksik
sa epekto ng pagtawa sa pagpapabuti ng
kalusugang mental ng isang tao.
Mga Uri ng
Pananaliksik
(Ayon sa Disenyo)
1. Kwantitatibong Pananaliksik (Quantitative
Research)
Isang imperikal na imbestigasyon ng iba’t-
ibang paksa at penomenang panlipunan na na
nagbabatay sa matematika, numero,
estadistika, at mga pamamaraan na nasasagot
ng pagkokompyut. Ang mga baryabol na
ginagamit sa kwantitatibong pananaliksik ay
kinakailangang tiyak na nasusukat.
1. Kwantitatibong Pananaliksik (Quantitative
Research)
Mga Halimbawa:
sensus ng populasyon; poll survey ng mga
politiko; antas ng mga hindi nakakapag-aral
nang maayos.
2. Kwalitatibong Pananaliksik (Qualitative
Research).
Malalim na pag-aaral tungkol sa mga
paksang hindi kayang sukatin sa tiyak na
paraan. Kadalasang tumatalakay sa mga
relasyon at kaugnayan ng iba’t ibang aspeto sa
ugali, karanasan at pag-iisip ng isang tao.
2. Kwalitatibong Pananaliksik (Qualitative
Research)
Mga Halimbawa:
pag-aaral sa tungkol sa depresyon, koneksyon
ng panaginip sa isipan
3. Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive
Research)
Mga pananaliksik na sumasagot lamang sa
katanungan ng ano, saan, sino, kailan, at paano. Ito
ay simple at naglalarawan lamang ng mga
obserbasyon sa kasulukuyan at hindi naapektuhan
ang nakaraan at hinaharap. Ang mga datos na
nakukuha rito ay ginagawang batayan ng mga
rekomendasyon sa mas malalim pang pag-aaral.
3. Deskriptibong Pananaliksik (Descriptive
Research)
Mga Halimbawa:
pagtanggap ng mga tao sa same-sex marriage;
persepsyon ng mga mag-aaral sa batas ng
paaralan.
4. Historikal na Pananaliksik (Historical
Research)
Ito ang pananaliksik na ginagawa upang
mas maunawaan ang nakaraan.
Gumagamit ng mga espesyal na
pamamaraan sa pagkuha ng datos at pag-
interpeta sa mga ito upang maipaliwanag
kung bakit at paano nangyari ang isang
kaganapan at ano ang mga epekto at aral
nito sa kasulukuyan.
4. Historikal na Pananaliksik (Historical
Research)
Mga Halimbawa:
pag-aaral sa ating mga bayani, paghuhukay ng
mga artifacts (arkeolohiya).
5. Pag-aaral ng Kaso o Karanasan (Case
Study)
Isang komprehensibong pag-aaral sa isang
pangyayari na humihingi ng matinding
obserbasyon at dedikasyon dahil kadalasan
mahaba ang penomenang pinag-aaralan sa
uri ng pananaliksik na ito.
5. Pag-aaral ng Kaso o Karanasan (Case
Study)
Mga Halimbawa:
Pang-araw araw na pamumuhay at pagsubok
ng mga taong may Tourette’s Syndrome; Work
Performance ng mga fresh graduates sa unang
kwarter ng kanilang employment.
6. Komparatibong Pananaliksik (Comparative
Research)
Mga pag-aaral na nagkukumpara ng mga
aspeto upang mas maunawaan ang isang
penomena. Kadalasang ginagamit bilang
analisis ng mga aspeto upang makita ang
pagkakapareho, pagkakaiba, at mga dapat
ayusin sa isang pag-aaral.
6. Komparatibong Pananaliksik (Comparative
Research)
Mga Halimbawa:
Pag-aaral sa ekonomiya ng lahat ng bansang
kabilang ng ASEAN; pananaliksik sa
sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at
Thailand.
7. Pamantayang Pananaliksik (Normative
Study)
Pag-aaral na gumagamit ng isang batayan o
pamantayan upang mas maunawaan o maiayos
ang isang penomenang pinag-aaralan.
Kadalasang pagpapatupad ito ng plano at
pagsukat sa epekto nito sa mga aspetong
sinasaliksik. Maaari ring pagbatayan sa pag-
aaral na ito ang mga standard na batayan upang
makita ang pagbabago.
7. Pamantayang Pananaliksik (Normative
Study)
Mga Halimbawa:
Implementasyon ng proyekto mula sa isang
baranggay sa isa pa; pagsukat
sa antas ng kakayahang magbasa ng mga mag-
aaral.
8. Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic
Research)
Pananaliksik ng iba’t-ibang kaugalian,
pamumuhay, at kultura ng iba’t-ibang komunidad
sa pamamagitan ng hindi lamang basta basta
obserbasyon ngunit kinakailangang maranasan
din ng mananaliksik ang mga salik na kanyang
pinag-aaralan.
8. Etnograpikong Pag-aaral (Ethnographic
Research)
Mga Halimbawa:
Pag-aaral sa Kultura ng mga Tausug;
pamumuhay sa dagat ng mga Muro-Ami.
9. Eksploratoring Pananaliksik
Pananaliksik na naglalayong
makadiskubre ng mas malalim na
kaunawaan sa mga paksa na atin nang
nalalaman. Hinihikayat ng pag-aaral na ito
ang pagkakaroon ng mga bagong teorya na
humahamon sa ating kamalayan upang
mapatunayan ang isang haypotesis o
maimbalida ang isang teorya.
9. Eksploratoring Pananaliksik
Mga Halimbawa:
Pag-aaral sa kalawakan; pananaliksik tungkol
sa pisika ng time travel.
DAPAT TANDAAN
Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay
mainam na paraan upang mas lumalim ang
ating kaalaman at kaunawaan tungkol sa
mga bagay-bagay.
DAPAT TANDAAN
Nauuri ang pananaliksik batay sa layunin
at disenyo nito. Mahalaga ang pagkakaroon
ng iba’t ibang uri ng pananaliksik dahil iba’t
ibang metodo ng pagkalap at pag-interpreta
ng datos ang kailangang magampanan
upang maging kapaki-pakinabang ang
resulta ng isang pag-aaral.

Q2_Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino-1.pptx

  • 1.
  • 2.
  • 3.
    Pananaliksik •Ayon kay Aquino(1974), ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
  • 4.
    Pananaliksik •Matapos ang maingatat sistematikong paglilikom ng impormasyon o datos, ito ay lalapatan ng interpretasyon upang lubos na maunawaan ang resulta ng pagsasaliksik. •Ito ay isang siyentipiko at organisadong proseso ng paghahanap-kasagutan sa mga suliranin na ating kinakaharap.
  • 5.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 1.Nakadidiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid ng penomena.  Dahil sa kaalamang ito, natututunan na ng tao na iwasan o agapan ang isang penomena na maaaring makapaminsala sa tao. Mas napabubuti ng pananaliksik ang kahandaan sakali mang maulit ang isang pangyayari.
  • 6.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 2.Nakakikita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo. Ang patuloy na pagsasagawa ng pananaliksik ay ang patuloy ring paghahanap ng kasagutan sa mga problemang wala pang tiyak na solusyon. Hindi tumitigil ang pagsasaliksik hangga’t hindi nalulutas ang isang suliranin.
  • 7.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 3.Napabubuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga instrumento o produkto. Sa pamamagitan ng pananaliksik ay patuloy na nalilinang ang mga kagamitan o kasanayan na ating ginagamit sa araw-araw. Kabilang nito ang patuloy na pag-unlad at pagbabago ng teknolohiya.
  • 8.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 4.Nakatutuklas ng hindi pa nakikilalang elemento. Dahil sa pananaliksik, patuloy tayong nakadidiskubre ng mga impormasyon, kasanayan, at kagamitan na mas nakapagpapalinaw ng mga bagay na wala pang kasagutan sa ating mundo.
  • 9.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 5.Nauunawaan nang lubos ang kalikasan ng mga elementong batid na. Mas nalilinang ng pananaliksik ang mga kaalamang ating batid na. Madalas ay may nadidiskubre tayo ng ibang gamit o nakasasamang epekto ng mga bagay na matagal na nating ginagawa kaya’t nababago natin ang paraan na ating nakasanayan na.
  • 10.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 6.Nakalilikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan, at iba pang larangan. Sa patuloy na paglalim ng ating kaalaman sa ating natutunan sa pananaliksik, nakagagawa tayo ng mga pamantayan at resolusyon upang resolbahin o maayos na ibalangkas ang isang industriya.
  • 11.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 7.Napupunan ang kuryosidad ng isang tao. Ang pananaliksik ay ang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong na bumabagabag sa ating kamalayan. Sa pagsasagawa nito, nasisiyahan ang isang mananaliksik kapag natutuldukan ang matagal na niyang pinag-iisipan.
  • 12.
    Kahalagahan ng Pananaliksik 8.Napapalawak at napagtitibay ang mga umiiral na kaalaman. Ang resulta ng pananaliksik ay lubhang nakaapekto sa kredibilidad ng isang impormasyon. Mas napagtitibay nito ang mga basehan ng isang konsepto.
  • 13.
  • 14.
    1. Panimulang Pananaliksik(Basic Research) Ito ang mga pananaliksik na agarang nagagamit ang resulta sa pagpapabuti o pagpapalalim ng kaalaman tungkol sa isang bagay. Nakatutulong ang resulta ng pag-aaral upang makapaglahad ng impormasyon na magagamit sa paglutas ng problema.
  • 15.
    1. Panimulang Pananaliksik(Basic Research) Mga Halimbawa: Pag-aaral sa epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mga estudyante; pananaliksik sa mga kinagigiliwang katangian ng mga K-Pop Idol sa mga kabataan.
  • 16.
    2. Pagkilos naPananaliksik (Action Research) Ito ang mga pananaliksik na isinasagawa upang maresolba o masagot ang isepesipikong tanong o problema ng isang larangan. Ang resulta ng isang action research ay nagagamit upang batayan para sa mas ikabubuti ng isang larangan sa paglaon ng panahon.
  • 17.
    2. Pagkilos naPananaliksik (Action Research) Mga Halimbawa: Pananaliksik tungkol sa pinaka-epektibong paraan ng motibasyon para sa mabilis na paggawa ng mga fast food crew; pag-aaral sa epekto ng trapiko sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa isang munisipalidad.
  • 18.
    3. Pagtugong Pananaliksik(Applied Research). Ito ang mga pananaliksik na ginagawa upang malutas ang kuryosidad ng mga mananaliksik. Ang resulta sa ganitong uri ng pananaliksik ay hindi agaran ngunit lubhang nakaaapekto upang mas mapabuti ang kalakaran ng isang industriya at ang kalidad ng buhay ng nakararami.
  • 19.
    3. Pagtugong Pananaliksik(Applied Research). Mga Halimbawa: Pag-aaral sa iba pang paraan sa pagsugpo ng cancer cells bukod sa radiation; pananaliksik sa epekto ng pagtawa sa pagpapabuti ng kalusugang mental ng isang tao.
  • 20.
  • 21.
    1. Kwantitatibong Pananaliksik(Quantitative Research) Isang imperikal na imbestigasyon ng iba’t- ibang paksa at penomenang panlipunan na na nagbabatay sa matematika, numero, estadistika, at mga pamamaraan na nasasagot ng pagkokompyut. Ang mga baryabol na ginagamit sa kwantitatibong pananaliksik ay kinakailangang tiyak na nasusukat.
  • 22.
    1. Kwantitatibong Pananaliksik(Quantitative Research) Mga Halimbawa: sensus ng populasyon; poll survey ng mga politiko; antas ng mga hindi nakakapag-aral nang maayos.
  • 23.
    2. Kwalitatibong Pananaliksik(Qualitative Research). Malalim na pag-aaral tungkol sa mga paksang hindi kayang sukatin sa tiyak na paraan. Kadalasang tumatalakay sa mga relasyon at kaugnayan ng iba’t ibang aspeto sa ugali, karanasan at pag-iisip ng isang tao.
  • 24.
    2. Kwalitatibong Pananaliksik(Qualitative Research) Mga Halimbawa: pag-aaral sa tungkol sa depresyon, koneksyon ng panaginip sa isipan
  • 25.
    3. Deskriptibong Pananaliksik(Descriptive Research) Mga pananaliksik na sumasagot lamang sa katanungan ng ano, saan, sino, kailan, at paano. Ito ay simple at naglalarawan lamang ng mga obserbasyon sa kasulukuyan at hindi naapektuhan ang nakaraan at hinaharap. Ang mga datos na nakukuha rito ay ginagawang batayan ng mga rekomendasyon sa mas malalim pang pag-aaral.
  • 26.
    3. Deskriptibong Pananaliksik(Descriptive Research) Mga Halimbawa: pagtanggap ng mga tao sa same-sex marriage; persepsyon ng mga mag-aaral sa batas ng paaralan.
  • 27.
    4. Historikal naPananaliksik (Historical Research) Ito ang pananaliksik na ginagawa upang mas maunawaan ang nakaraan. Gumagamit ng mga espesyal na pamamaraan sa pagkuha ng datos at pag- interpeta sa mga ito upang maipaliwanag kung bakit at paano nangyari ang isang kaganapan at ano ang mga epekto at aral nito sa kasulukuyan.
  • 28.
    4. Historikal naPananaliksik (Historical Research) Mga Halimbawa: pag-aaral sa ating mga bayani, paghuhukay ng mga artifacts (arkeolohiya).
  • 29.
    5. Pag-aaral ngKaso o Karanasan (Case Study) Isang komprehensibong pag-aaral sa isang pangyayari na humihingi ng matinding obserbasyon at dedikasyon dahil kadalasan mahaba ang penomenang pinag-aaralan sa uri ng pananaliksik na ito.
  • 30.
    5. Pag-aaral ngKaso o Karanasan (Case Study) Mga Halimbawa: Pang-araw araw na pamumuhay at pagsubok ng mga taong may Tourette’s Syndrome; Work Performance ng mga fresh graduates sa unang kwarter ng kanilang employment.
  • 31.
    6. Komparatibong Pananaliksik(Comparative Research) Mga pag-aaral na nagkukumpara ng mga aspeto upang mas maunawaan ang isang penomena. Kadalasang ginagamit bilang analisis ng mga aspeto upang makita ang pagkakapareho, pagkakaiba, at mga dapat ayusin sa isang pag-aaral.
  • 32.
    6. Komparatibong Pananaliksik(Comparative Research) Mga Halimbawa: Pag-aaral sa ekonomiya ng lahat ng bansang kabilang ng ASEAN; pananaliksik sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at Thailand.
  • 33.
    7. Pamantayang Pananaliksik(Normative Study) Pag-aaral na gumagamit ng isang batayan o pamantayan upang mas maunawaan o maiayos ang isang penomenang pinag-aaralan. Kadalasang pagpapatupad ito ng plano at pagsukat sa epekto nito sa mga aspetong sinasaliksik. Maaari ring pagbatayan sa pag- aaral na ito ang mga standard na batayan upang makita ang pagbabago.
  • 34.
    7. Pamantayang Pananaliksik(Normative Study) Mga Halimbawa: Implementasyon ng proyekto mula sa isang baranggay sa isa pa; pagsukat sa antas ng kakayahang magbasa ng mga mag- aaral.
  • 35.
    8. Etnograpikong Pag-aaral(Ethnographic Research) Pananaliksik ng iba’t-ibang kaugalian, pamumuhay, at kultura ng iba’t-ibang komunidad sa pamamagitan ng hindi lamang basta basta obserbasyon ngunit kinakailangang maranasan din ng mananaliksik ang mga salik na kanyang pinag-aaralan.
  • 36.
    8. Etnograpikong Pag-aaral(Ethnographic Research) Mga Halimbawa: Pag-aaral sa Kultura ng mga Tausug; pamumuhay sa dagat ng mga Muro-Ami.
  • 37.
    9. Eksploratoring Pananaliksik Pananaliksikna naglalayong makadiskubre ng mas malalim na kaunawaan sa mga paksa na atin nang nalalaman. Hinihikayat ng pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng mga bagong teorya na humahamon sa ating kamalayan upang mapatunayan ang isang haypotesis o maimbalida ang isang teorya.
  • 38.
    9. Eksploratoring Pananaliksik MgaHalimbawa: Pag-aaral sa kalawakan; pananaliksik tungkol sa pisika ng time travel.
  • 39.
    DAPAT TANDAAN Ang pagsasagawang pananaliksik ay mainam na paraan upang mas lumalim ang ating kaalaman at kaunawaan tungkol sa mga bagay-bagay.
  • 40.
    DAPAT TANDAAN Nauuri angpananaliksik batay sa layunin at disenyo nito. Mahalaga ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng pananaliksik dahil iba’t ibang metodo ng pagkalap at pag-interpreta ng datos ang kailangang magampanan upang maging kapaki-pakinabang ang resulta ng isang pag-aaral.