ALAM MO BA!
Sakasalukuyan, isa sa mga pinakamalakas,
makahikayat at nakakaimpluwensiya sa isip ng
tao ay ang mass media. Agaran nitong
napupukaw ang interes ng tao sapagkat
ginagamitan ito ng pandinig at visual (paningin).
Ito ay paghahatid ng impormasyon audio o
biswal man, sa pamamagitan ng midyang
pangmasa tulad ng radio, telebisyon, internet o
iba pang bagay sa tulong ng network.
3.
ALAM MO RINBA!
Si Guglielmo Marconi ay isang
Italyanong Imbentor, na higit na
kilala dahil sa kanyang
pagpapaunlad ng sistemang
radyo-telegrapo. Siya ang
tagapagsimula ng komunikasyon
sa radyo.
4.
ANO ANG RADYO?
Angradyo ay isang teknolohiya na
pinapahintulutan ang pagpapadala
ng mga hudyat (signals) sa
pamamagitan ng modulation ng
electromagnetic waves na may mga
frequency na mas mababa kaysa
liwanag.
5.
ANG RADYO AY.....
·Naghahatid ng musika
· Nagpapahatid ng panawagan
· Nagpapakinig ng mga awit
· Naghahatid ng napapanahong balita
· Nagbibigay ng opinyon kaugnay ng
isang paksa
6.
Dalawang Pinakapangunahing Istasyon
saRadyo
1. Amplitude Modulation (AM)
Ay nag-uulat ng mga balita,
kasalukuyang pangyayari,
serbisyo publiko, serial na drama
at mga napapanahong isyu.
2.Frequency Modulation (FM)
Nakapokus sa musika.
7.
Batay sa datosmula sa
National Telecomunications
Commission (NTC) noong
Hunyo 2016, may 416 na
istasyon ng AM at 1,042
naman na istasyon ng FM sa
buong bansa.
ANO ANG KOMENTARYONGPANRADYO?
Ayon kay Elena Botkin- Levy, koordineytor,
ZUMIX Radio; ang komentaryong panradyo
ay ang pagbibigay ng oportunidad sa mga
kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinion at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.
10.
Ang pagbibigay opinionay
makatutulong nang malaki upang ang mga
kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Dagdag pa niya, ang unang
hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman sa pagsulat ng
isang sanaysay na naglalahad ng opinion
o pananaw.
11.
Ilan sa mgapaksang madalas na talakayin
ay ang mga sumusunod;
•Politika
•Mga pangyayari sa isang espisipikong
lugar
•Mga pagdiriwang sa Pilipinas
•Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas
•Mga interes at makabuluhang bagay
para sa mga inaasahang tagapakinig.
12.
Ilan sa maaaringgamitin sa pagsasaliksik
tungkol sa mga gustong mapakinggan ng
mga tagasubaybay ay ang survey at
panayam.
A. Survey:
Gumagamit ng survey upang
malaman ang mga pwedeng talakayin
sa kanilang mga programa.
13.
Ang mga sumusunoday ilan sa mga posibleng
lamanin ng isang survey:
1. Multiple Choice – ito ang mas
mabilis na paraan ng pagpapasagot sa
isang survey. Mas madali itong sagutin
kumpara sa iba dahil sa pipili lamang
ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.
14.
Ang sumusunod angilan sa mga posibleng
lamanin ng isang survey:
2. Pagkilala sa mga sinasang-
ayunan – Bukod sa simpleng multiple
choice maaari ring maglagay ng
listahan na nagpapahayag ng
kanilang mga sinasang-ayunan at di
sinasang-ayunan.
15.
Ang mga sumusunoday ilan sa mga posibleng
lamanin ng isang survey:
3. Likert Scale – Ito ay isa
sa mga paraan kung
papaanong sinusukat ng
isang tao ang sarili niya.
16.
Ilan sa maaaringgamitin sa pagsasaliksik
tungkol sa mga gustong mapakinggan ng
mga tagasubaybay ay ang survey at
panayam.
B. Panayam:
Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis
o impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga
libro o sa internet subalit mas makatotohanan
ang impormasyon na manggagaling mismo sa
isang mapagkakatiwalaang batis.
17.
Bago makasulat ngisang Dokumentaryong
Panradyo, narito ang mga dapat tandaan:
1. Magsaliksik ng mga impormasyon
2. Huwag kalimutang banggitin ang mga
personalidad na binanggit sa mga detalye
upang ipakita ang kredibilidad ng iyong
sinulat.
3. Magkaroon ng malinaw na
pagpapasiya sa paksa.
18.
Panuto: Basahin atunawaing mabuti ang mga sumusunod
na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1.Ito ay isang teknolohiya na
pinapahintulutan ang pagpapadala ng
mga hudyat (signals) sa pamamagitan
ng modulation ng electromagnetic
waves na may mga frequency na mas
mababa kaysa liwanag.
19.
2. Ito ayginagamit upang malaman
ang mga pwedeng talakayin sa
kanilang mga programa.
3. Ito ang mas mabilis na paraan ng
pagpapasagot sa isang survey. Mas
madali itong sagutin kumpara sa iba
dahil sa pipili lamang ang tinatanong
ng sagot sa iilang titik.
20.
4. Siya angtagapagsimula ng
komunikasyon sa radyo.
5. Ito ay ang pagbibigay ng
oportunidad sa mga kabataan
na maipahayag ang kanilang
mga opinion at saloobin
kaugnay sa isang
napapanahong isyu.
Panuto: Papangkatin angklase sa limang grupo,
pagkatapos ang bawat pangkat ay sumulat ng
halimbawa ng balitang lokal. (maaaring
magsaliksik sa internet)
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Mahusay na naitala ang pangyayari. 20
Pagkamalikhain Malinaw ang nilalaman ng awtput
na may kaugnayan sa mainit at
bagong balitang Lokal (Kalinga news
today).
15
Kabuuang
presentasyon
Malinis at maayos ang pagkasunod-
sunod ng mga ideya.
15
Mga Pamantayan:
May mgaekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
Tulad nito:
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang
Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man
ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa
sa lugar na ito.
26.
May mgaekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o
pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na
halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang
mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan
ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong
nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna
para makapagisip ka nang husto.
27.
PERFORMANCE TASK NO.3 & 4
Groupings
PT NO. 3
ISKRIP NG KOMENTARYONG PANRADYO
PT NO. 4
5 MINS. RECORDED AUDIO/VIDEO NG
KOMENTARYONG PANRADYO
Ipapasa sa Biyernes, Enero 31, 2025
28.
Nilalaman ng
iskrip/komentaryong panradyo
•2 NEWS/BALITA
• 1 INFOMERCIAL
G1- Pangangalaga sa Kalikasan
G2- Wastong Paggamit ng Social Media
G3- Tamang Pagboto
G4- Paano makakaiwas sa Scamming
29.
(Groupings)
• 2 anchor
•2 news presenter
• 2 infomercial
• 2 or more iskrip writer
• 2 or more Technical/ Editor
30.
RUBRIKS
Wastong Pagkakabuo ngBalita 20%
Tamang Gamit ng Gramatika 15%
Maayos na pagkakasunod-sunod ng kabuoang komentaryo 20%
Husay sa nilalaman ng Infomercial 20%
Mabisang gamit ng musika/teknikal 15%
Kaangkupan ng boses 10%
Kabuoan 100%