Ang tagisan ng talino sa araling panlipunan ay gaganapin sa Oktubre 27, 2023, kung saan mga mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-10 baitang ay makikilahok sa pangkatang pagsusulit na nahahati sa tatlong segment: madali, katamtaman, at mahirap. Ang kabuuang puntos na maaaring makuha ay 90, at ang mga pangkat ay gagamit ng cardboard at chalk upang ipakita ang kanilang mga sagot sa bawat round. Ang tatlong pangkat na makakakuha ng pinakamataas na puntos ay tatanghalin bilang kampiyon, 2nd place, at 3rd place.