Ang yunit II ay nakatuon sa lipunan, kultura, at ekonomiya ng Pilipinas, sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga gawaing pangkabuhayan sa iba’t ibang lokasyon at ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay. Tatalakayin din ang mga produkto at kalakal, mga isyung pangkapaligiran, at ang kahalagahan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman, kasama ang pagkakakilanlang kultural ng bansa. Ang layunin ay hikayatin ang mga mag-aaral na masuri ang mga gawaing pangkabuhayan at ang kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.