1 
Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng 
Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa 
Isang pananaliksik na iniharap para kay 
G. John Rey O. Depone 
Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa 
Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks) 
Nina: 
Hillaine Marie B. Alumia 
Mark Anne L. Entena 
Naiseil M. Tamunday 
Dian Tibay 
John Michael Escuadro 
James Ryan Martin 
Marso 2014
2 
Dahon ng Pagtitibay 
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang 
“Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng 
Santa Rosa “ 
ay inihanda ng grupo mula sa ipakaapat na taon Daniel nilang bahagi ng katuparan sa proyekto 
sa asignaturang Araling Panliunan. 
Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng 
asignaturang Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). 
BB. ANGELYN LINGATONG GNG. CRIZELDA DAVID 
Guro Guro 
G. JOHN REY O. DEPONE 
Punong Guro
3 
PASASALAMAT 
Taos-pusong papasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal, 
tanggapan at sa iba pang mga naging bahaging aming pag-aaral para sa walang humpay na 
suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpayang pag-aaral na ito. 
Sa City ENRO at sa buong Sangguniang Panglungsod ng Sta. Rosa para sa paglalaan 
nila ng kanila ng oras upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon at kaalaman na aming 
nagamit sa aming buong pananaliksik. 
Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot 
nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at serbey. 
Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikaapat na taon para sa pagtutulungan, 
pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming pananaliksik. 
Kay G. John Rey O. Depone, ang aming minamahal na punong-guro at tagapayo sa 
asignaturang Ekonomiks, ipinaabotpo naming ang aming pasasalamat dahil sainyong walang 
sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin 
aming ang pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito. 
Sa mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami sa 
paggawa ng pag-aaral na ito at sapag bibigay ng moral at pinansyal na suporta, pagmamahal at 
inspirasyon sa amin. 
Sa Poong Maykapal, sapag bibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa 
at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming 
pananaliksik. Sa pag dinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay 
pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon. 
Muli, maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat. 
- Mga Mananaliksik
4 
Talaan ng Nilalaman 
Pamagat …………………………................................. i 
Dahon ng Pagtitibay …………………………................................. ii 
Pasasalamat …………………………................................. iii 
Talaan ng Nilalaman …………………………................................. iv 
Talaan ng Talahanayan .…………………………................................ vi 
Talaan ng Pigura …………………………................................. vii 
Kabanata I : 
INTRODUKSYON .................... 1 
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral .................... 2 
Kahalagahan ng Pag-aaral .................... 2 
Paglalahad ng Problema .................... 3 
Depinisyon ng mgaTermino .................... 3 
Kabanata II : 
DISENYO NG PANANALIKSIK .................... 4 
Metodolohiya at Paglaganap ng mga Datos .................... 4 
Iskala at Kwalipikasyon ng Datos .................... 5 
Istatistikal na Tritment ng mga Datos .................... 5 
Kabanata III : 
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS .................... 6 
Pagsisiyasat .................... 6 
Unang Pagsisiyat .................... 7 
Ikalawang Pagsisiyasat .................... 9 
Kabanata IV : 
LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON .................... 12 
Lagom .................... 12 
Konklusyon .................... 12 
Rekomendasyon .................... 13
5 
Bibliograpiya …………………………................................ 14 
Apendiks …………………………................................ 15
6 
Kabanata I 
Introduksyon ng Pananaliksik 
Maituturing nga na isa sa mga nangungunang lungsod sa Pilipinas ang Lungsod ng Santa 
Rosa kapag pinag-uusapan ang salitang development o kaunlaran. Matatagpuan dito ang ilang 
malalaking kompanya kagaya ng Coca-Cola, Toyota at iba. Noong nakaraang taon, Ang Santa 
Rosa ay pang-21 din sa “Most Competitive Cities” sa buong Pilipinas na binubuo ng 122 na 
lungsod at pang-86 sa “Top 100 BPO sites”. Hindi maitatanggi ang mas mabilis at mas mataas 
pa na pag-unlad ng ekonomiya nito. 
Sa kabila ng talino at galing ng mga pinuno sa pagpapaunlad ng ekonomiya, ang bawat 
bayan ay patuloy na nakakaranas ng maraming suliraning pang ekonomiya, mga suliranin na 
madalas pinag uusapan na sa maraming talakayan. Ang mga problemang ito ay nagpapatuloy at 
ang mga mag-aaral ng Ekonomiks ay nararapat lamang na mulat at may kaalaman ukol dito. 
Isa sa pinakamalaking isyu hindi lamang sa Lungsod ng Santa Rosa kundi sa buong 
Pilipinas ngayon ay ang isyu sa sustainable development o napapanatiling kaunlaran. 
Ayon sa WWF o World WildLife Fund for Nature, ang isang lugar o lungsod na mabilis 
maging industriyalisado at urbanisado ay maaring mauwi sa pagkasira at pag-abuso sa 
kapaligiran. Ang mga ito ay maaring magbunga ng mga sumusunod: 
ď‚· Pagbaba ng lebel ng tubig dahil sa maling pagkuha at paggamit nito. 
ď‚· Pagbabago ng kalidad ng hangin dahil sa patuloy na pagdami ng motorsiklo at 
sasakyan sa isang lungsod. 
ď‚· Pagiging kontaminado ng katubigan dahil sa maling pagdidiskarga ng mga sewage at 
pagtatapon ng basura. 
Halos lahat tayo ay nababahala sa mga suliraning pangkapaligiran at ang mga hindi 
magandang maidududulot nito, ngunit sa kabila nito, hindi natin lubhang malaman kung ano ang 
magagawa natin tungkol dito. Kung tutuusin, tayo rin ay kasamang nag-aambag sa kasalukuyang 
paglala ng kondisyon ng ating kapaligiran dahil sa pag-aakalang ang konting dumi na ating 
ikakalat at konting bagay na ating sisirain ay di naman makakapagpalala dito. 
Habang dumarami ang ating populasyon at mas nagiging moderno ang mga teknolohiya 
sa ating bansa, ito ay nagdudulot ng mas marami pang pangangailangan at dahilan din kung bakit 
bumibilis naman ang pagkasira ng ating kapaligiran. Dahil din sa mga ito , Hindi maiiwasang 
mapabayaan, maabuso at makalimutan na ng marami ang pangalagaan ang ating kapaligiran, 
ang ating pinagkukunang yaman. Kaya sa halip na dumami, lumiliit pa ang bilang nito dahilan 
kung bakit maaring sa mga susunod na taon ay hindi na maging sapat ito para sa atin. 
Noong Hulyo, 2012 sinimulan at isinulong ng Sangguniang Panglungsod ng Santa Rosa 
ang City Ordinance No. 1720 o Environment Code of the City of Santa Rosa upang maging isa 
sa mga solusyon para rito.
7 
Ang Environment Code ay isang komprehensibong programa sa proteksyon at 
pamamahala ng kapaligiran. Ito ay binatay sa Presidential Decree No. 1152 o Philippine 
Environment Code. Ang Environment Code ng Lungsod ng Santa Rosa ay naglalayong itaguyod 
ang mga tiyak na patakaran sa kapaligiran. Ito ay binubuo ng mga pinagsama-samang ordinansa 
na umiiral sa Lungsod na tungkol sa kapaligiran. 
Ang batas na ito ay may layuning mapangalagaan, mapangasiwaan, at matugunan ang 
lahat ng isyu sa kapaligiran habang pinagtitibay ang ekonomikong pag unlad ng Lungsod ng 
Santa Rosa at mapaalala sa mga mamamayan ng Santa Rosa hindi lamang ang kahalagahan ng 
ating kapiligiran kundi para na rin ang kalinisan habang umuunlad ang industriya. Ayon kay Mayor 
Arlene Arcillas-Nazareno na habang ang Lungsod ng Santa Rosa ay patuloy na umuunlad ay 
dapat gumagawa ang Pamahalaan ng Lungsod ng mga hakbang upang masiguro ang isang 
balanseng komunidad. 
Naisakatuparan ang batas na ito sa tulong ng ilang kompanya at ahensya kagaya WWF, 
isang ahensya na tumutulong sa ating pamahalaang panlungsod sa mga programa sa kapaligiran 
partikular na sa mga programang may kinalaman sa water management, at ang Coca-Cola na 
nagbibigay ng pondo para dito. Kasama sa mga ordinansang, ito ang mga paglulungsad ng 
programang kagaya ng “Basuranihan” at “Ayoko ng Plastik Campaign”. Ito ay panimulang 
kampanya para bigyan ng impormasyon ang mga residente na bawal na ang paggamit ng plastic 
at styropor base sa Section 61, 62, at 63 ng City Ordinance No. 1720-2011 at ang tinatawag na 
recycling. 
Ang buong pag-aaral sa Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ay 
kinapapalooban ng masusing pag-aaral sa iba’t ibang programa na kabilang sa batas na ito at 
ang magiging kontribusyon pa nito sa napapanatiling kaunlaran. Maipapakita rin dito kung paano 
magiging balanse ang anumang kaunlaran, at kung ano ang magiging kaugnay nito sa 
pangangalaga ng kapaligiran. Sa pagtatapos nito ay makikita kung paano tinugunan ng mga 
indibidwal, kompanya at ng pamahalaan ang isyung ito at kung paano ito magiging solusyon sa 
isa sa mga mabigat na suliranin sa ating bansa. 
ANG PAG-AARAL NITO AY MAGIGING KAPAKI-PAKINABANG SA MGA 
SUMUSUNOD: 
Sa ating Sangguniang Panglungsod at iba pang organisasyong kabilang dito. Para 
mabigyan ng pagpapahalaga ang pagsisikap na kanila ginagawa. Sa pamamagitan nito ay 
mahihimok sila ay mabibigyan ng inspirasyon upang ipagpatuloy pa at mas pagbutihin pa ang 
mga ito. Ito rin ay magsisilbing gabay at hamon upang mas mapagbuti pa ang mga susunod 
pang batas na kanilang ipapatupad. 
Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng sila interes 
na pag-aralan ang ekonomiks at ang iba pang bagay na kaugnay masasaklaw nito. Sa 
pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa kahalagan ng sustainable 
development at mabuksan ang bawat kamalayan sa mga bagay-bagay kung paano at para 
saan ang mga ito at mabigyan din ng kasagutan ang iba pang katanungan tungkol dito. 
Sa mga Rosenians at iba pang komunidad. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay 
makakatulong hindi lamang para maunawaan ang magiging papel ng Environment Code sa 
ating lungsod ngunit pati narin ang pagkakaroon ng balanseng pag-unlad sa industriya habang
8 
pinangangalagaan at pinepreserba ang kapaligiran upang mapakinabangan pa sa mga susunod 
na panahon. 
Sa mga susunod pang henerasyon. Upang malaman nila ang dahilan kung bakit 
hanggang sa kanilang panahon ay patuloy pa ring napapakinabangan ang ating kapaligiran at 
upang maipagpatuloy nila ang nasimulan. 
SA PAGTATAPOS NG PAG-AARAL SA ENVIRONMENT CODE, 
INAASAHANG MASASAGOT ANG MGA SUMUSUNOD: 
ď‚· Ano ang papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development 
sa Santa Rosa? 
ď‚· Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 
ď‚· Anu-ano ang mga problemang kinaharap at kakaharapin pa sa pagpapatupad nito? 
KAHULUGAN NG MGA SALITANG GINAMIT SA PAGSASALIKSIK: 
EnvironmentoKapaligiran - binubuo ng hangin, tubig, at lupang nakapaligid sa atin. Ang 
tatlong sangkap na ito ay nagbibigay sa atin ng iba’t ibang serbisyo at material, kasama na rito 
ang lugar na ating tinitirhan at mga likas na yamang pinagkukunan ng iba’t ibang produkto at 
pangangailan ng mga mamamayang naninirahan dito. 
Development o Pag-unlad- ito ay ang pagbabago na may positibong epekto. 
Economic Development o Ekonomikong Pag-unlad - karaniwang tumutukoy sa pag-angkop 
ng mga bagong teknolohiya, paglipat mula sa agrikultura sa industriyang ekonomiya, at 
pangkalahatang pagpapabuti sa pamumuhay pamantayan. 
Sustainable Development – tumutukoy sa pag-unlad ng tao sa kung saan ang 
mapagkukunan paggamit ay naglalayong masapatan ang mga pangangailangan ng tao habang 
pinapanatili ang kapaligiran upang ang mga pangangailangan ay maaaring matugunan hindi 
lamang sa kasalukuyan, ngunit din para sa mga henerasyon darating. 
Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay 
kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay 
na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan. 
Papel – ito ay tumutukoy sa pagiging parte, tungkulin o responsibilidad na dapat gawin.
9 
Kabanata II 
DISENYO NG PANANALIKSIK 
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa 
pangangalap ng mga datos pati na rin ang bilang ng mga respondete na nakilahok sa 
pananaliksik. 
METODOLOHIYA AT PAGLAGANAP NG MGA DATOS 
Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik 
at pakikipagpanayam. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa 
paksang pag aaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming 
respondente. 
Ang pangangalap ng datos ay nagsimula noong Enero 30, 2014 hanggang Pebrero 10, 
2014 at ang huling pakikipagpanayam na isinagawa ay naganap noong Marso 10, 2014. Sa 
pangangalap ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng liham ng paghingi ng pahintulot 
upang makahingi ng permiso sa pagkuha ng mga datos at upang makapagsagawa ng panayam 
sa mga kawani ng lungsod. 
Ang serbey ay nilahukan ng mga respondentena nagmula sa iba’t ibang barangay sa 
Lungsod ng Santa Rosa. Ang mga kalahok sa papanaliksik ay binubuo ng 20 respondente ang 
unang serbey at 47 naman sa pangalawang serbey. 
Ang pakikipagpayanam naman ay kadalasang isinasagawa tuwing Lunes at Huwebes sa 
Sanguniang Panlungsod, kabilang sa aming napakinayam ang pangalawang-punong lungsod ng 
Santa Rosa, ilang kagalang-galang na konsehal, at mga kawani ng Sangguniang Panglungsod, 
City ENRO at ilang barangay. 
Ang mga dokumento na ibibigay ng Senior Environment Management Specialist ng City 
Enro at iba pang sa ahensya ng Lungsod ay nakatulong upang matukoy ang maitutulong ng 
Environment Code sa buong Lungsod at iba’t ibang programang kanilang sinisagawa upang 
maisagawa ang batas na ito. 
Ang mga nakolektang datos ay nasagot ang sumusunod na problema: 1.) Ano ang naging 
papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 2.) 
Paano naisakatuparan ang batas na ito? 3.) Anu-ano ang mga problemang kinaharap at 
kakaharapin pa sa pagpapatupad nito?
10 
ISKALA AT KWALIPIKASYON NG DATOS (SCALE AND QUALIFICATION) 
1.00-1.79 – Matindi ang di pagsang-ayon (Strongly Disagree) 
1.80 – 2.59 Di sang-ayon (Disagree) 
2.60 – 3.39 Katamtaman ang pagsang-ayon (Moderately Disagree) 
3.40 – 4.19 Sang-ayon (Agree) 
4.20 – 5.00 Matindi ang pagsang-ayon (Strongly Agree) 
Istatistikal na Tritment ng mga Datos 
Istatistikal na Tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha ng mean upang 
makuha ang ninanais na detalye at impormasyon. Ang mga ito ay itinutuos sa pamamagitan ng 
sumusunod: 
= Mean 
= Kabuuang marka 
N= Kabuuang dami ng respondente
11 
Kabanata III 
Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 
Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nalikom 
ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan tungkol sa Pag-aaral ng Implementasyon at 
Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa. Ang mga respondentena 
lumahok dito ay nagmula sa iba’t-ibang barangay ng Santa Rosa. 
I. Pagsisiyasat 
Pagpapatupad at Implementasyon ng Environment Code 
Isa sa pinakamalaking isyu hindi lamang sa ating lungsod kundi sa buong daigdig ang isyu 
na napapanatiling kaunlaran ngunit ano nga ba ang kahulugan ng napapanatiling kaunlaran o 
sustainable development? 
Ayon sa isang Senior Environmental Management Specialist ng Santa Rosa, na si G. Jayson 
Bunyi , ang sustainable development ay ang kaunlaran sa kasalukuyan na hindi naisasantabi ang 
pangangailangan sa susunod na henerasyon. Isa itong paraan kung paano mapapalagaan ng 
mga indibidwal at bansa ang kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad nito. Samantala, para 
naman kay G. Eric Puzon, ang sustainable development ay hindi lamang tumatalakay sa 
kaunlaran kundi sa proseso ng pagawa ng mga siyentipikong desisyon, obserbasyon at pag-aanalisa 
bago magpasya sa pagsasagawa ng iba’t-ibang programa na tutugon sa 
pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya kailangan ikonsidera nito ang mga kilos ng mga 
mamamayan at ang magiging epekto nito sa lipunang kanyang ginagalawan. 
Sinimulang ipatupad ang Environment Code noon Hulyo 2012, bilang pagtugon sa suliranin 
sa sustainable development. Batay sa aming pakikipagpanayam kay G. Puzon, naging positibo 
ang tugon ng mga kapwa nya konsehal tungkol dito at naniniwala sila na sa pamamagitan ng 
pagpapatupad ng Environment code ay makakatulong ang bawat mamamayan sa paglutas ng 
“Climate Change pati narin sa patuloy na pagpapaganda atpagsasaayos ng kapaligiran pati na 
rin sa paglago n gating eknomiya. Sa pagpapatupad ng batas na ito ay matutunan din natin 
kung paano maging isang responsible at matinong indibidwal. 
Talahanayan I. 
Taon Puntos 
2012 7 
2013 4 
2014 4 
Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng mga puntos na ibinigay ni G. Eric Puzon sa 
bawat taon ng pag-ipinapatupad ang Environment Code sa lungsod ng Santa Rosa. Makikita 
na sa unang taon ng pagpapatupad nito, ay mayroon itong 7 puntos dahil, ito ay
12 
nagpapahiwatig ng positibong epekto sa mga mamamayan ng Santa Rosa pati narin sa buong 
Lunsod at ang akitibo ng lungsod sa mga sinasabing “Awareness Program”. Sa mga sumunod 
na bumaba sa 4 na puntos ang bilang ng grado nito. Ayon sa kanya, isa sa malaking dahilan ng 
pagabab nito ay hindi na pagbibigay ng sapat na pansin at atensyon ng ating pamahalaang 
panlungsod ang pagpapatupad dito. 
Bilang rekomendasyon, hinikayat niya na bumuo ng mga organisyasyon ang mga 
kagaya naming mag-aaral upang makatulong sa pagsasagawa ng mga obserbasyon sa pag 
iimplementa ng mga batas, at magsagawa ng mga hakbang upang mabigyan pansin ang mga 
nakikitang problema at hadlang sa papapatupad nito. Dagdag pa nya, ang bawat isa ay dapat 
magsilbing modelo sa paggawa ng mga simpleng bagay na makakatulong sa pagpapatupad 
nito sa loob man o sa labas n gating lungsod. Naniniwala siya na hindi ipapatupad at 
maisasagawa ang batas na ito kung wala ang tulong ng bawat isa. 
II. Pagsisiyasat 
Unang Pagsisiyasat: 
Ang unang pagsisiyasat na naisagawa ay binubuo ng 20 respondente layunin nito na 
malaman kung ilan ang bilang ng mamamayan na may kaalaman tungkol sa pagpapatupad ng 
Environment Code. 
Porsyento ng Dami ng Nakakaalam ng Environment Code 
Oo Hindi 
Ang Pigura I ay nagpapakita ng porsyento ng dami ng nakakaalam ng Environment 
Code sa 20 respondente na nakihalok sa aming pananaliksik. Sa pigurang ito makikita na 6
13 
lamang sa 20 respondente ang nakakaalam ng Environment Code at ilan sa mga ito ay hindi pa 
sapat ang kaalaman tungkol dito. 
25 
20 
15 
10 
5 
0 
Mga Programa ng Santa Rosa na may kinalaman sa Environment 
Code 
A B C D E F G H I J K L M N 
Dami ng Nakakaalam 
A. Ayoko sa plastic Campaign 
B. Basuranihan 
C. Smoke-Free Santa Rosa 
D. Tree Planting Campaign 
E. Charcoal Briquetting Livelihood Program 
F. Community Carbon Finance Project or 
“Carbonshed Project” 
G. Green House Gas (GHG) Inventory 
seminar workshop 
H. Clean-up and maintenance of river, 
I. creeks, canals and other water bodies 
J. Philippine Sanitation Alliance Project 
K. Integrated Water Resources 
Management Project 
L. Well Head Management Project 
M. Solid Waste Management 
N. Regular street sweeping along major 
thoroughfares, City and Barangay 
roads. 
O. Bantay LAWA Project 
Ang Pigura II ay nagpapakita ng mga listahan ng programa ng ating lungsod upang 
maisagawa ang pagpapatupad sa Environment Code. Ito rin ay nag papakita kung ilan sa 20 
respondente ang nakakaalam ng sumusunod na programa. Ang may pinaka mataas na bilang ay 
ang “Ayoko sa Platik Campaign” na may bilang na 20/20 samantala ang pinakamababa naman 
ay ang Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project”, Integrated Water 
Resources Management Project, Well Head Management Project na 1 lamang sa 20 respondente 
ang nakakaalam.
14 
Pangalawang Pagsisiyasat: 
Ang mga sumusunod na aytem ay ang mga impormasyon na nalikom mula sa ating City 
Environment and Natural Resources Office. Ayon sa kanila ang mga ito ay ang mga 
ginagampanang papel ng Environment Code sa Santa Rosa at ang mga hakbang o proyekto na 
kanilang ginagawa upang maisakatuparan ito. Kabilang rin sa mga item na kanilang binigay ang 
mga suliranin na kanilang kinakaharap habang pinapatupad ang batas na ito, 
I. Ano ang papel ng Environment Code sa pagakakroon ng sustainable 
development ng Santa Rosa? 
Mga Aytem Mean Deskripsyon 
1. Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 4.30 Matinding Pag Sang-ayon 
2. Pagpapalawak ng kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at 
kapaligiran 
3.95 Sang-ayon 
3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad at kaligtasan ng mga 
mamamayan 
3.72 Sang-ayon 
4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng Lungsod 3.89 Sang-ayon 
5. Nakakapanghikayat ng mga turista 3.72 Sang-ayon 
6. Pagpapaunlad ng establisyemento na may kinalama sa kalikasan 
at kapaligiran 
3.74 Sang-ayon 
7. Pagkaroon ng oportunidad para sa mga namumuhunan 3.45 Sang-ayon 
8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo 3.53 Sang-ayon 
9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 3.70 Sang-ayon 
10. Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 3.74 Sang-ayon 
Kabuuang Mean: 3.77 Sang-ayon
15 
Ang Talahanayan II ay nagpapakikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa Papel na ginagampanan 
ng Environment Code sa Santa Rosa. Ang mga repondente ay matinding sumasang-ayon na sa pamamagitan 
ng pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay mas mapapaganda at mas magiging maayos ang 
ating lungsod. Ang ilang respondente ay naniniwala rin na sa pamamagitan ng Environment Code ay mas 
dadami pa ang oportunidad para sa mga namumuhunan at makakatulong ito upang tumaas pa ang empleyo sa 
ating lungsod. 
II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 
Mga Aytem Mean Deskripsyon 
1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 4.09 Sang-ayon 
2. Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 3.62 Sang-ayon 
3. Ang ating komunidad ay mayroong Enviroment Development Plan 3.55 Sang-ayon 
4. Pamamahagi sa mga paaralan at mamamayan ng kaalaman ukol 
ditto 
3.66 Sang-ayon 
5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang pangkapaligiran at 
kalikasan 
3.86 Sang-ayon 
6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman dit 3.79 Sang-ayon 
7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 3.51 Sang-ayon 
8. Pagkakaroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para 
samga negosyo, mga kompanya at pabrika. 
3.62 Sang-ayon 
Kabuuang Mean: 3.71 Sang-ayon 
Sa Talahanayan III makikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa mga hakbang na ginagawa ng 
ating Sangguniang Panglungsod upang maisakatuparang ang Environment Code. Ang pagkakaroon ng iba’t 
ibang programa para sa kapaligiran ang nakakuha ng pinakamataas na mean at may kabuuang mean naman 
ito na 3.71 na nangangahulugang sang-ayon ang mga respondente na ang lahat ng hakbang na ito ay 
makakatulong upang maisakatuparan ang nasabing batas.
16 
III. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? 
Mga Item Mean Deskripsyon 
1. Kawalan ng sapat na pondo 3.96 Sang-ayon 
2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng mga mamamayan 3.57 Sang-ayon 
3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 3.89 Sang-ayon 
4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba 
pang mamamayan 
3.68 Sang-ayon 
5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga 
nagpaptupad nito, Sila mismo ay hindi sumusunod dito 
3.74 Sang-ayon 
6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 3.94 Sang-ayon 
Kabuuang Mean: 3.80 Sang-ayon 
Samantala, Sa Talahanayan IV mabibigyang pansin ang mga pangunahing suliranin sa pagpapatupad 
nito. Ayon sa serbey ang pangunahing suliranin dito ay ang kawalan ng pondo ng ating pamahalaang pang 
lungsod upang maipatupad ang mga iba’t-ibang programa na makakatulong upang maisakatuparan ang batas 
na ito habang pumapangalawa nmn sa mga dahilan nito at ang kawalan ng atensyon ng ating gobyerno at 
mamamayan na may 3.94 na mean. Mapapatunayan din na sumasang ayon ang mga respondente kailangan 
manguna sa pagsunod at pagtupad ng batas na ito ang mga kawani ang pamahalaan upang sila mismo ay 
magsilbing magandang halimbawa upang hindi na magdadagan pa ang mga suliranin na kakaharapin pa dito at 
Makita na ang bawat mamamayan ng Santa Rosa ay displinado.
17 
Kabanata IV 
LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON 
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon ng buong pag-aaral. 
Problema: 
1.) Ano ang papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 
2.) Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 
3.) Anu-ano ang mga problemang kinakaharap at kakaharapin pa sa pagpaaptupad nito? 
Lagom: 
1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay magiging solusyon upang patuloy 
na umunlad ang Santa Rosa at matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan nito ng hindi 
naisasakripisyo ang mga pangangailangan sa susunod na henerasyon. Ang alituntuning ito ay 
magsisilbing basehan para sa tama at maling pangangalaga sa ating lungsod at ito rin ay magiging 
batayan kung paano mabibigyan kaparusahan ang mga lalabag dito. Makakatulong rin ito upang 
maagapan ang tuluyan pagkasira ng yamang tubig ng ating lungsod paglipas ng 25 taon. 
2.) Ang Sanguniang Panglungsod ay nagsasagawa ng programa at proyekto upang mas mapaigting 
pa ang pagpapatupad sanasabing batas. Ang City ENRO ay nagsasagawa ng iba’t ibang regulasyon sa 
iba’t ibang kompanya at negosyo na nasa loob ng Santa Rosa, kagaya ng pagkuha ng mga business 
clereance sa City ENRO. Nagsasagawa rin sila ng mga caravan at seminars sa iba’t ibang barangay 
upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman tungkol sa Environment Code. 
3.) Ang pangunahing problema na kinakaharap sa pagpapatupad ng batas na ito ay ang kawalan ng 
pondo mula sa pamahalaang panglungsod, kawalan ng atensyon, kaalaman at disiplina ng mga 
mamamayan ng Santa Rosa. 
Konklusyon: 
1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code ay hindi lamang makakatulong upang magkaroon ng 
sustainable development ng Santa Rosa, kundi nakakatulong rin ito upang mas mapaganda at mas 
maisaayos ang buong lungsod ng Santa Rosa. Ang pagpapatupad din nito ay magdudulot ng 
magandang epekto sa iba’t ibang aspeto sa ekonomiya ng Santa Rosa upang mabalanse ang 
anumang kaularan dahil kung mapapabayaan ang isang aspeto, magiging kulang ang kaularan na 
maaring magresulta sa hindi magandang epekto sa hinaharap. 
2.) Ang mga Roseñians ay sumasang-ayon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang 
programa ay mas magiging mahusay ang pagpapatupad ng batas na ito. Sa ganitong paraan mas 
mapapalawak pa ang kaalaman at kamalayan sa bawat mamamayan ng Santa Rosa. 
3.) Karamihan sa mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito ay nagmumula rin mismo sa 
organisasyon at ahensyang responsible dito kagaya ng hindi pagbibigay ng atensyon sa 
pagpapatupad ng batas na ito, kawalan ng sapat na pondo at kakulangan sa pagbabahagi ng 
kaalaman sa mamamayan.
18 
Rekomendasyon: 
1.) Dapat mas lalong ipabatid ng ating pamahalaan sa mga mamamayan ang magandang 
maidudulot ng papapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa at dapat paghigpitan at bigyan ng 
kaukulang parusa naman ang mga residenteng lalabag sa mga bawat at mang-aabuso sa ating 
kapaligiran sa ganoong paraan ay maraming mga residente sa Santa Rosa ang makikilahok sa 
pagsunod at pagtupad nito. 
2.) Ang pamahalaang panglungsod ay dapat pagpag-igtingin ang mga programa na may kinalaman 
sa pagpapalawak ng kaalaman at pangangalaga ng ating kapaligiran upang mas maunawan at 
makita ng mga mamamayan ang kahalagahan sa pagpapatupad ng batas na ito at malaking 
maitutulong ng ating kapaligiran kung mapapangalagaan ito. 
3.) Ang mga kawani ng ating Sangguniang Panglungsod ay dapat magsilbing isang magandang 
halimbawa sa pagsunod at pagtupad sa Environment Code, sa pamamagitan nito makikita na ang 
bawat mamamayan ng Santa Rosa na ang bawat isa ay dapat maging disiplinado at edukado upang 
magpaunlad pa ang iba’t ibang aspeto ng ating ekonomiya. Sila na pinuno ng ating lungsod at dapat 
nauunuwaan ang batas na ito at kung bakit mayroon nito. Ang ating pamahalaan ay dapat din 
magbigay pansin ang pagsulong nito at magkaroon ng sapat na pinagkukunang pondo upang mas 
mapagtibay pa ang paggawa ng mga hakbang sa pag-iimplementa nito. 
.
19 
Bibliograpiya 
City of Santa Rosa Environment Code (City ordinance No. 1720 – Series of 2011) 
www.santarosalaguna.wordpress.com 
Land Developers Guide Book for Santa Rosa Watershed ( Reference Storm Water Management 2011) 
http://en.wikipedia.org/wiki/Santa_rosa_Laguna 
Roar Magazine: Vol. 1 No. 1 
Roar Magazine: Vol. 2 No. 2 
www.santarosagov.ph 
Solid Wate Management Made East: A Do-It Yourself Guide to a Community-Based Ecological Solid Waste 
Management Program 
http://torokastiguhin.blogspot.com/2012/02/mayor-arcillas-ayaw-ng-plastik.html
20 
Apendiks 
“Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ng Santa Rosa.” 
(Questionnaire) 
ď‚· Ano ang tinatawag na Sustainable Development o napapanatiling pag-unlad? 
ď‚· Ano ang Environment Code? Ano ang magiging papel nito upang maisagawa ang sinasabing 
sustainable development sa Santa Rosa? 
ď‚· Paano naipapatupad ang batas na ito? Saan nang gagaling ang pondong ginagamit para dito? 
ď‚· Anu-ano ang mga programang nakapaloob dito? 
ď‚· Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad ng Environment Code? 
ď‚· Ano ang magiging epekto ng Environment Code sa pag-unlad ng ekonomiya ng Santa Rosa? Ano ang 
maitutulong nito sa mga mamamayan ng Santa Rosa?
21 
Serbey tungkol sa “Pag-aaral ng implementasyon at kahalagahan ng Environment Code ng 
Sta. Rosa” 
Ang Serbey na ito ay isinasagawa ng mga estudyante ng Blessed Christian School na nasa Ika-apat na 
taon. Anumang partisipasyon at kooperasyon ang inyong ibibigay ay buong puso nilang tatanggapin at 
tatanawing utang na loob. Ang anumang sagot sa instrumentong ito ay mananatiling pribado at gagamitin 
lamang sa pag aaral na ito. 
Pangalan: _____________________________ Barangay: _______________________________ 
Trabaho: _____________________________ Edad: ______ 
1. Alam n’yo ba ang Environment Code ng Sta. Rosa. Kung Oo, paano ninyo ito nalaman? 
___ Oo ____Hindi 
____________________________________________________________________________ 
2. Alin sa mga sumusunod ang mga nakikita niyong ginagawa ng inyong barangay o lungsod sa 
pagpapatupad ng nabanggit na batas. (Lagyan ng tsek.) 
o “Ayoko sa plastic Campaign” 
o Basuranihan 
o Smoke-Free Santa Rosa 
o Tree Planting Campaign 
o Charcoal Briquetting 
Livelihood Program 
o Community Carbon Finance 
Project or “Carbonshed 
Project” 
o Green House Gas (GHG) 
Inventory seminar workshop 
o Clean-up and maintenance 
of river, creeks, canals and 
other water bodies 
o Philippine Sanitation Alliance 
Project 
o Integrated Water Resources 
Management Project 
o Well Head Management 
Project 
o Solid Waste Management 
o Regular street sweeping 
along major thoroughfares, 
City and Barangay roads. 
o Bantay LAWA Project 
3. Alin sa mga proyekto/programa na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan ang tingin mo ay 
may nag bibigayang pansin at epektibo rito ang Lungsod ng Sta Rosa ? 
____________________________________________________________________________________ 
Aling proyekto naman ang dapat pagtutuunan ng pansin? 
____________________________________________________________________________________ 
4. Naniniwala ka ba na mahalaga ang papel ng Environment Code sa pagtataguyod ng Lungsod ng 
napapanatiling kaunlaran? Bakit? 
____________________________________________________________________________________ 
____________________________________________________________________________________ 
ď‚· Comments and Suggestions: 
____________________________________________________________________________________ 
____________________________________________________________________________________
22 
PAG-AARAL SA IMPLEMENTASYON AT KAHALAGAHAN NG 
ENVIRONMENT CODE NG SANTA ROSA 
NAME: ______________________________ Barangay: _________________________ 
5- STRONGLY AGREE 4- AGREE 3- MODERATELY AGREE 
2- DISAGREE 1- STRONGLY DISAGREE 
I. Ano ang papel ng Environtment Code sa pagkakaroon ng sustainable 
development sa Santa Rosa? 
1. Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 5 4 3 2 1 
2. Pagpapalawak ng kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at kapaligiran 5 4 3 2 1 
3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan 5 4 3 2 1 
4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng Lungsod 5 4 3 2 1 
5. Nakakapanghikayat ng mga turista 5 4 3 2 1 
6. Pagpapaunlad ng establisyemento na may kinalama sa kalikasan at kapaligiran 
5 4 3 2 1 
7. Pagkaroon ng oportunidad para sa mga namumuhunan 5 4 3 2 1 
8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo 5 4 3 2 1 
9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 5 4 3 2 1 
10. Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 5 4 3 2 1 
II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 
1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 5 4 3 2 1 
2. Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 5 4 3 2 1 
3. Ang ating komunidad ay mayroong Enviroment Development Plan 5 4 3 2 1 
4. Pamamahagi sa mga paaralan at mamamayan ng kaalaman ukol dito 5 4 3 2 1 
5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang pangkapaligiran at kalikasan 5 4 3 2 1 
6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman dito 5 4 3 2 1 
7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 
8. Pagkaakroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para sa 5 4 3 2 1 
mga negosyo, mga kompanya at pabrika. 
III. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? 
1. Kawalan ng sapat na pondo 5 4 3 2 1 
2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng mga mamamayan 5 4 3 2 1 
3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 
4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba pang 5 4 3 2 1 
mamamayan 
5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga nagpaptupad nito, 5 4 3 2 1 
Sila mismo ay hindi sumusunod ditto 
6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 5 4 3 2 1

THESIS (Pananaliksik) Tagalog

  • 1.
    1 Pag-aaral ngImplementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa Isang pananaliksik na iniharap para kay G. John Rey O. Depone Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks) Nina: Hillaine Marie B. Alumia Mark Anne L. Entena Naiseil M. Tamunday Dian Tibay John Michael Escuadro James Ryan Martin Marso 2014
  • 2.
    2 Dahon ngPagtitibay Ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa “ ay inihanda ng grupo mula sa ipakaapat na taon Daniel nilang bahagi ng katuparan sa proyekto sa asignaturang Araling Panliunan. Ang pananaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Asignaturang Araling Panlipunan IV (Ekonomiks). BB. ANGELYN LINGATONG GNG. CRIZELDA DAVID Guro Guro G. JOHN REY O. DEPONE Punong Guro
  • 3.
    3 PASASALAMAT Taos-pusongpapasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at sa iba pang mga naging bahaging aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpayang pag-aaral na ito. Sa City ENRO at sa buong Sangguniang Panglungsod ng Sta. Rosa para sa paglalaan nila ng kanila ng oras upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon at kaalaman na aming nagamit sa aming buong pananaliksik. Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at serbey. Sa aming mga kapwa mag-aaral na nasa ikaapat na taon para sa pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang matapos ang aming pananaliksik. Kay G. John Rey O. Depone, ang aming minamahal na punong-guro at tagapayo sa asignaturang Ekonomiks, ipinaabotpo naming ang aming pasasalamat dahil sainyong walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay at pag-unawa samin habang isinasagawa namin aming ang pananaliksik at lalong lalo na sa pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito. Sa mga magulang, na tumulong at umintindi samin sa mga panahong abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sapag bibigay ng moral at pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin. Sa Poong Maykapal, sapag bibigay sa aming grupo ng determinasyon upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na aming ginamit sa aming pananaliksik. Sa pag dinig sa aming mga panalangin lalung-lalo na sa mga panahong kami ay pinanghihinaan ng loob na matapos ito sa takdang panahon. Muli, maraming-maraming Salamat po sa inyong lahat. - Mga Mananaliksik
  • 4.
    4 Talaan ngNilalaman Pamagat …………………………................................. i Dahon ng Pagtitibay …………………………................................. ii Pasasalamat …………………………................................. iii Talaan ng Nilalaman …………………………................................. iv Talaan ng Talahanayan .…………………………................................ vi Talaan ng Pigura …………………………................................. vii Kabanata I : INTRODUKSYON .................... 1 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral .................... 2 Kahalagahan ng Pag-aaral .................... 2 Paglalahad ng Problema .................... 3 Depinisyon ng mgaTermino .................... 3 Kabanata II : DISENYO NG PANANALIKSIK .................... 4 Metodolohiya at Paglaganap ng mga Datos .................... 4 Iskala at Kwalipikasyon ng Datos .................... 5 Istatistikal na Tritment ng mga Datos .................... 5 Kabanata III : PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS .................... 6 Pagsisiyasat .................... 6 Unang Pagsisiyat .................... 7 Ikalawang Pagsisiyasat .................... 9 Kabanata IV : LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON .................... 12 Lagom .................... 12 Konklusyon .................... 12 Rekomendasyon .................... 13
  • 5.
    5 Bibliograpiya …………………………................................14 Apendiks …………………………................................ 15
  • 6.
    6 Kabanata I Introduksyon ng Pananaliksik Maituturing nga na isa sa mga nangungunang lungsod sa Pilipinas ang Lungsod ng Santa Rosa kapag pinag-uusapan ang salitang development o kaunlaran. Matatagpuan dito ang ilang malalaking kompanya kagaya ng Coca-Cola, Toyota at iba. Noong nakaraang taon, Ang Santa Rosa ay pang-21 din sa “Most Competitive Cities” sa buong Pilipinas na binubuo ng 122 na lungsod at pang-86 sa “Top 100 BPO sites”. Hindi maitatanggi ang mas mabilis at mas mataas pa na pag-unlad ng ekonomiya nito. Sa kabila ng talino at galing ng mga pinuno sa pagpapaunlad ng ekonomiya, ang bawat bayan ay patuloy na nakakaranas ng maraming suliraning pang ekonomiya, mga suliranin na madalas pinag uusapan na sa maraming talakayan. Ang mga problemang ito ay nagpapatuloy at ang mga mag-aaral ng Ekonomiks ay nararapat lamang na mulat at may kaalaman ukol dito. Isa sa pinakamalaking isyu hindi lamang sa Lungsod ng Santa Rosa kundi sa buong Pilipinas ngayon ay ang isyu sa sustainable development o napapanatiling kaunlaran. Ayon sa WWF o World WildLife Fund for Nature, ang isang lugar o lungsod na mabilis maging industriyalisado at urbanisado ay maaring mauwi sa pagkasira at pag-abuso sa kapaligiran. Ang mga ito ay maaring magbunga ng mga sumusunod:  Pagbaba ng lebel ng tubig dahil sa maling pagkuha at paggamit nito.  Pagbabago ng kalidad ng hangin dahil sa patuloy na pagdami ng motorsiklo at sasakyan sa isang lungsod.  Pagiging kontaminado ng katubigan dahil sa maling pagdidiskarga ng mga sewage at pagtatapon ng basura. Halos lahat tayo ay nababahala sa mga suliraning pangkapaligiran at ang mga hindi magandang maidududulot nito, ngunit sa kabila nito, hindi natin lubhang malaman kung ano ang magagawa natin tungkol dito. Kung tutuusin, tayo rin ay kasamang nag-aambag sa kasalukuyang paglala ng kondisyon ng ating kapaligiran dahil sa pag-aakalang ang konting dumi na ating ikakalat at konting bagay na ating sisirain ay di naman makakapagpalala dito. Habang dumarami ang ating populasyon at mas nagiging moderno ang mga teknolohiya sa ating bansa, ito ay nagdudulot ng mas marami pang pangangailangan at dahilan din kung bakit bumibilis naman ang pagkasira ng ating kapaligiran. Dahil din sa mga ito , Hindi maiiwasang mapabayaan, maabuso at makalimutan na ng marami ang pangalagaan ang ating kapaligiran, ang ating pinagkukunang yaman. Kaya sa halip na dumami, lumiliit pa ang bilang nito dahilan kung bakit maaring sa mga susunod na taon ay hindi na maging sapat ito para sa atin. Noong Hulyo, 2012 sinimulan at isinulong ng Sangguniang Panglungsod ng Santa Rosa ang City Ordinance No. 1720 o Environment Code of the City of Santa Rosa upang maging isa sa mga solusyon para rito.
  • 7.
    7 Ang EnvironmentCode ay isang komprehensibong programa sa proteksyon at pamamahala ng kapaligiran. Ito ay binatay sa Presidential Decree No. 1152 o Philippine Environment Code. Ang Environment Code ng Lungsod ng Santa Rosa ay naglalayong itaguyod ang mga tiyak na patakaran sa kapaligiran. Ito ay binubuo ng mga pinagsama-samang ordinansa na umiiral sa Lungsod na tungkol sa kapaligiran. Ang batas na ito ay may layuning mapangalagaan, mapangasiwaan, at matugunan ang lahat ng isyu sa kapaligiran habang pinagtitibay ang ekonomikong pag unlad ng Lungsod ng Santa Rosa at mapaalala sa mga mamamayan ng Santa Rosa hindi lamang ang kahalagahan ng ating kapiligiran kundi para na rin ang kalinisan habang umuunlad ang industriya. Ayon kay Mayor Arlene Arcillas-Nazareno na habang ang Lungsod ng Santa Rosa ay patuloy na umuunlad ay dapat gumagawa ang Pamahalaan ng Lungsod ng mga hakbang upang masiguro ang isang balanseng komunidad. Naisakatuparan ang batas na ito sa tulong ng ilang kompanya at ahensya kagaya WWF, isang ahensya na tumutulong sa ating pamahalaang panlungsod sa mga programa sa kapaligiran partikular na sa mga programang may kinalaman sa water management, at ang Coca-Cola na nagbibigay ng pondo para dito. Kasama sa mga ordinansang, ito ang mga paglulungsad ng programang kagaya ng “Basuranihan” at “Ayoko ng Plastik Campaign”. Ito ay panimulang kampanya para bigyan ng impormasyon ang mga residente na bawal na ang paggamit ng plastic at styropor base sa Section 61, 62, at 63 ng City Ordinance No. 1720-2011 at ang tinatawag na recycling. Ang buong pag-aaral sa Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ay kinapapalooban ng masusing pag-aaral sa iba’t ibang programa na kabilang sa batas na ito at ang magiging kontribusyon pa nito sa napapanatiling kaunlaran. Maipapakita rin dito kung paano magiging balanse ang anumang kaunlaran, at kung ano ang magiging kaugnay nito sa pangangalaga ng kapaligiran. Sa pagtatapos nito ay makikita kung paano tinugunan ng mga indibidwal, kompanya at ng pamahalaan ang isyung ito at kung paano ito magiging solusyon sa isa sa mga mabigat na suliranin sa ating bansa. ANG PAG-AARAL NITO AY MAGIGING KAPAKI-PAKINABANG SA MGA SUMUSUNOD: Sa ating Sangguniang Panglungsod at iba pang organisasyong kabilang dito. Para mabigyan ng pagpapahalaga ang pagsisikap na kanila ginagawa. Sa pamamagitan nito ay mahihimok sila ay mabibigyan ng inspirasyon upang ipagpatuloy pa at mas pagbutihin pa ang mga ito. Ito rin ay magsisilbing gabay at hamon upang mas mapagbuti pa ang mga susunod pang batas na kanilang ipapatupad. Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang magkaroon ng sila interes na pag-aralan ang ekonomiks at ang iba pang bagay na kaugnay masasaklaw nito. Sa pamamagitan din nito ay maagang mamumulat ang bawat isa sa kahalagan ng sustainable development at mabuksan ang bawat kamalayan sa mga bagay-bagay kung paano at para saan ang mga ito at mabigyan din ng kasagutan ang iba pang katanungan tungkol dito. Sa mga Rosenians at iba pang komunidad. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay makakatulong hindi lamang para maunawaan ang magiging papel ng Environment Code sa ating lungsod ngunit pati narin ang pagkakaroon ng balanseng pag-unlad sa industriya habang
  • 8.
    8 pinangangalagaan atpinepreserba ang kapaligiran upang mapakinabangan pa sa mga susunod na panahon. Sa mga susunod pang henerasyon. Upang malaman nila ang dahilan kung bakit hanggang sa kanilang panahon ay patuloy pa ring napapakinabangan ang ating kapaligiran at upang maipagpatuloy nila ang nasimulan. SA PAGTATAPOS NG PAG-AARAL SA ENVIRONMENT CODE, INAASAHANG MASASAGOT ANG MGA SUMUSUNOD:  Ano ang papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa?  Paano naisasakatuparan ang batas na ito?  Anu-ano ang mga problemang kinaharap at kakaharapin pa sa pagpapatupad nito? KAHULUGAN NG MGA SALITANG GINAMIT SA PAGSASALIKSIK: EnvironmentoKapaligiran - binubuo ng hangin, tubig, at lupang nakapaligid sa atin. Ang tatlong sangkap na ito ay nagbibigay sa atin ng iba’t ibang serbisyo at material, kasama na rito ang lugar na ating tinitirhan at mga likas na yamang pinagkukunan ng iba’t ibang produkto at pangangailan ng mga mamamayang naninirahan dito. Development o Pag-unlad- ito ay ang pagbabago na may positibong epekto. Economic Development o Ekonomikong Pag-unlad - karaniwang tumutukoy sa pag-angkop ng mga bagong teknolohiya, paglipat mula sa agrikultura sa industriyang ekonomiya, at pangkalahatang pagpapabuti sa pamumuhay pamantayan. Sustainable Development – tumutukoy sa pag-unlad ng tao sa kung saan ang mapagkukunan paggamit ay naglalayong masapatan ang mga pangangailangan ng tao habang pinapanatili ang kapaligiran upang ang mga pangangailangan ay maaaring matugunan hindi lamang sa kasalukuyan, ngunit din para sa mga henerasyon darating. Pangangailangan – ay mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay kabilang dito ang mga basic needs – damit, pagkain, at tirahan. Kapag ipinagkait ang mga bagay na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao, magdudulot ito ng sakit o kamatayan. Papel – ito ay tumutukoy sa pagiging parte, tungkulin o responsibilidad na dapat gawin.
  • 9.
    9 Kabanata II DISENYO NG PANANALIKSIK Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos pati na rin ang bilang ng mga respondete na nakilahok sa pananaliksik. METODOLOHIYA AT PAGLAGANAP NG MGA DATOS Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik at pakikipagpanayam. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang pag aaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente. Ang pangangalap ng datos ay nagsimula noong Enero 30, 2014 hanggang Pebrero 10, 2014 at ang huling pakikipagpanayam na isinagawa ay naganap noong Marso 10, 2014. Sa pangangalap ng mga datos, gumamit ang mga mananaliksik ng liham ng paghingi ng pahintulot upang makahingi ng permiso sa pagkuha ng mga datos at upang makapagsagawa ng panayam sa mga kawani ng lungsod. Ang serbey ay nilahukan ng mga respondentena nagmula sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Santa Rosa. Ang mga kalahok sa papanaliksik ay binubuo ng 20 respondente ang unang serbey at 47 naman sa pangalawang serbey. Ang pakikipagpayanam naman ay kadalasang isinasagawa tuwing Lunes at Huwebes sa Sanguniang Panlungsod, kabilang sa aming napakinayam ang pangalawang-punong lungsod ng Santa Rosa, ilang kagalang-galang na konsehal, at mga kawani ng Sangguniang Panglungsod, City ENRO at ilang barangay. Ang mga dokumento na ibibigay ng Senior Environment Management Specialist ng City Enro at iba pang sa ahensya ng Lungsod ay nakatulong upang matukoy ang maitutulong ng Environment Code sa buong Lungsod at iba’t ibang programang kanilang sinisagawa upang maisagawa ang batas na ito. Ang mga nakolektang datos ay nasagot ang sumusunod na problema: 1.) Ano ang naging papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 2.) Paano naisakatuparan ang batas na ito? 3.) Anu-ano ang mga problemang kinaharap at kakaharapin pa sa pagpapatupad nito?
  • 10.
    10 ISKALA ATKWALIPIKASYON NG DATOS (SCALE AND QUALIFICATION) 1.00-1.79 – Matindi ang di pagsang-ayon (Strongly Disagree) 1.80 – 2.59 Di sang-ayon (Disagree) 2.60 – 3.39 Katamtaman ang pagsang-ayon (Moderately Disagree) 3.40 – 4.19 Sang-ayon (Agree) 4.20 – 5.00 Matindi ang pagsang-ayon (Strongly Agree) Istatistikal na Tritment ng mga Datos Istatistikal na Tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang pagkuha ng mean upang makuha ang ninanais na detalye at impormasyon. Ang mga ito ay itinutuos sa pamamagitan ng sumusunod: = Mean = Kabuuang marka N= Kabuuang dami ng respondente
  • 11.
    11 Kabanata III Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan tungkol sa Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa Rosa. Ang mga respondentena lumahok dito ay nagmula sa iba’t-ibang barangay ng Santa Rosa. I. Pagsisiyasat Pagpapatupad at Implementasyon ng Environment Code Isa sa pinakamalaking isyu hindi lamang sa ating lungsod kundi sa buong daigdig ang isyu na napapanatiling kaunlaran ngunit ano nga ba ang kahulugan ng napapanatiling kaunlaran o sustainable development? Ayon sa isang Senior Environmental Management Specialist ng Santa Rosa, na si G. Jayson Bunyi , ang sustainable development ay ang kaunlaran sa kasalukuyan na hindi naisasantabi ang pangangailangan sa susunod na henerasyon. Isa itong paraan kung paano mapapalagaan ng mga indibidwal at bansa ang kapaligiran habang patuloy ang pag-unlad nito. Samantala, para naman kay G. Eric Puzon, ang sustainable development ay hindi lamang tumatalakay sa kaunlaran kundi sa proseso ng pagawa ng mga siyentipikong desisyon, obserbasyon at pag-aanalisa bago magpasya sa pagsasagawa ng iba’t-ibang programa na tutugon sa pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya kailangan ikonsidera nito ang mga kilos ng mga mamamayan at ang magiging epekto nito sa lipunang kanyang ginagalawan. Sinimulang ipatupad ang Environment Code noon Hulyo 2012, bilang pagtugon sa suliranin sa sustainable development. Batay sa aming pakikipagpanayam kay G. Puzon, naging positibo ang tugon ng mga kapwa nya konsehal tungkol dito at naniniwala sila na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Environment code ay makakatulong ang bawat mamamayan sa paglutas ng “Climate Change pati narin sa patuloy na pagpapaganda atpagsasaayos ng kapaligiran pati na rin sa paglago n gating eknomiya. Sa pagpapatupad ng batas na ito ay matutunan din natin kung paano maging isang responsible at matinong indibidwal. Talahanayan I. Taon Puntos 2012 7 2013 4 2014 4 Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng mga puntos na ibinigay ni G. Eric Puzon sa bawat taon ng pag-ipinapatupad ang Environment Code sa lungsod ng Santa Rosa. Makikita na sa unang taon ng pagpapatupad nito, ay mayroon itong 7 puntos dahil, ito ay
  • 12.
    12 nagpapahiwatig ngpositibong epekto sa mga mamamayan ng Santa Rosa pati narin sa buong Lunsod at ang akitibo ng lungsod sa mga sinasabing “Awareness Program”. Sa mga sumunod na bumaba sa 4 na puntos ang bilang ng grado nito. Ayon sa kanya, isa sa malaking dahilan ng pagabab nito ay hindi na pagbibigay ng sapat na pansin at atensyon ng ating pamahalaang panlungsod ang pagpapatupad dito. Bilang rekomendasyon, hinikayat niya na bumuo ng mga organisyasyon ang mga kagaya naming mag-aaral upang makatulong sa pagsasagawa ng mga obserbasyon sa pag iimplementa ng mga batas, at magsagawa ng mga hakbang upang mabigyan pansin ang mga nakikitang problema at hadlang sa papapatupad nito. Dagdag pa nya, ang bawat isa ay dapat magsilbing modelo sa paggawa ng mga simpleng bagay na makakatulong sa pagpapatupad nito sa loob man o sa labas n gating lungsod. Naniniwala siya na hindi ipapatupad at maisasagawa ang batas na ito kung wala ang tulong ng bawat isa. II. Pagsisiyasat Unang Pagsisiyasat: Ang unang pagsisiyasat na naisagawa ay binubuo ng 20 respondente layunin nito na malaman kung ilan ang bilang ng mamamayan na may kaalaman tungkol sa pagpapatupad ng Environment Code. Porsyento ng Dami ng Nakakaalam ng Environment Code Oo Hindi Ang Pigura I ay nagpapakita ng porsyento ng dami ng nakakaalam ng Environment Code sa 20 respondente na nakihalok sa aming pananaliksik. Sa pigurang ito makikita na 6
  • 13.
    13 lamang sa20 respondente ang nakakaalam ng Environment Code at ilan sa mga ito ay hindi pa sapat ang kaalaman tungkol dito. 25 20 15 10 5 0 Mga Programa ng Santa Rosa na may kinalaman sa Environment Code A B C D E F G H I J K L M N Dami ng Nakakaalam A. Ayoko sa plastic Campaign B. Basuranihan C. Smoke-Free Santa Rosa D. Tree Planting Campaign E. Charcoal Briquetting Livelihood Program F. Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project” G. Green House Gas (GHG) Inventory seminar workshop H. Clean-up and maintenance of river, I. creeks, canals and other water bodies J. Philippine Sanitation Alliance Project K. Integrated Water Resources Management Project L. Well Head Management Project M. Solid Waste Management N. Regular street sweeping along major thoroughfares, City and Barangay roads. O. Bantay LAWA Project Ang Pigura II ay nagpapakita ng mga listahan ng programa ng ating lungsod upang maisagawa ang pagpapatupad sa Environment Code. Ito rin ay nag papakita kung ilan sa 20 respondente ang nakakaalam ng sumusunod na programa. Ang may pinaka mataas na bilang ay ang “Ayoko sa Platik Campaign” na may bilang na 20/20 samantala ang pinakamababa naman ay ang Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project”, Integrated Water Resources Management Project, Well Head Management Project na 1 lamang sa 20 respondente ang nakakaalam.
  • 14.
    14 Pangalawang Pagsisiyasat: Ang mga sumusunod na aytem ay ang mga impormasyon na nalikom mula sa ating City Environment and Natural Resources Office. Ayon sa kanila ang mga ito ay ang mga ginagampanang papel ng Environment Code sa Santa Rosa at ang mga hakbang o proyekto na kanilang ginagawa upang maisakatuparan ito. Kabilang rin sa mga item na kanilang binigay ang mga suliranin na kanilang kinakaharap habang pinapatupad ang batas na ito, I. Ano ang papel ng Environment Code sa pagakakroon ng sustainable development ng Santa Rosa? Mga Aytem Mean Deskripsyon 1. Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 4.30 Matinding Pag Sang-ayon 2. Pagpapalawak ng kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at kapaligiran 3.95 Sang-ayon 3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan 3.72 Sang-ayon 4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng Lungsod 3.89 Sang-ayon 5. Nakakapanghikayat ng mga turista 3.72 Sang-ayon 6. Pagpapaunlad ng establisyemento na may kinalama sa kalikasan at kapaligiran 3.74 Sang-ayon 7. Pagkaroon ng oportunidad para sa mga namumuhunan 3.45 Sang-ayon 8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo 3.53 Sang-ayon 9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 3.70 Sang-ayon 10. Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 3.74 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.77 Sang-ayon
  • 15.
    15 Ang TalahanayanII ay nagpapakikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa Papel na ginagampanan ng Environment Code sa Santa Rosa. Ang mga repondente ay matinding sumasang-ayon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay mas mapapaganda at mas magiging maayos ang ating lungsod. Ang ilang respondente ay naniniwala rin na sa pamamagitan ng Environment Code ay mas dadami pa ang oportunidad para sa mga namumuhunan at makakatulong ito upang tumaas pa ang empleyo sa ating lungsod. II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? Mga Aytem Mean Deskripsyon 1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 4.09 Sang-ayon 2. Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 3.62 Sang-ayon 3. Ang ating komunidad ay mayroong Enviroment Development Plan 3.55 Sang-ayon 4. Pamamahagi sa mga paaralan at mamamayan ng kaalaman ukol ditto 3.66 Sang-ayon 5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang pangkapaligiran at kalikasan 3.86 Sang-ayon 6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman dit 3.79 Sang-ayon 7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 3.51 Sang-ayon 8. Pagkakaroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para samga negosyo, mga kompanya at pabrika. 3.62 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.71 Sang-ayon Sa Talahanayan III makikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa mga hakbang na ginagawa ng ating Sangguniang Panglungsod upang maisakatuparang ang Environment Code. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran ang nakakuha ng pinakamataas na mean at may kabuuang mean naman ito na 3.71 na nangangahulugang sang-ayon ang mga respondente na ang lahat ng hakbang na ito ay makakatulong upang maisakatuparan ang nasabing batas.
  • 16.
    16 III. Anu-anoang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? Mga Item Mean Deskripsyon 1. Kawalan ng sapat na pondo 3.96 Sang-ayon 2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng mga mamamayan 3.57 Sang-ayon 3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 3.89 Sang-ayon 4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba pang mamamayan 3.68 Sang-ayon 5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga nagpaptupad nito, Sila mismo ay hindi sumusunod dito 3.74 Sang-ayon 6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 3.94 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.80 Sang-ayon Samantala, Sa Talahanayan IV mabibigyang pansin ang mga pangunahing suliranin sa pagpapatupad nito. Ayon sa serbey ang pangunahing suliranin dito ay ang kawalan ng pondo ng ating pamahalaang pang lungsod upang maipatupad ang mga iba’t-ibang programa na makakatulong upang maisakatuparan ang batas na ito habang pumapangalawa nmn sa mga dahilan nito at ang kawalan ng atensyon ng ating gobyerno at mamamayan na may 3.94 na mean. Mapapatunayan din na sumasang ayon ang mga respondente kailangan manguna sa pagsunod at pagtupad ng batas na ito ang mga kawani ang pamahalaan upang sila mismo ay magsilbing magandang halimbawa upang hindi na magdadagan pa ang mga suliranin na kakaharapin pa dito at Makita na ang bawat mamamayan ng Santa Rosa ay displinado.
  • 17.
    17 Kabanata IV LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon ng buong pag-aaral. Problema: 1.) Ano ang papel ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 2.) Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 3.) Anu-ano ang mga problemang kinakaharap at kakaharapin pa sa pagpaaptupad nito? Lagom: 1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay magiging solusyon upang patuloy na umunlad ang Santa Rosa at matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan nito ng hindi naisasakripisyo ang mga pangangailangan sa susunod na henerasyon. Ang alituntuning ito ay magsisilbing basehan para sa tama at maling pangangalaga sa ating lungsod at ito rin ay magiging batayan kung paano mabibigyan kaparusahan ang mga lalabag dito. Makakatulong rin ito upang maagapan ang tuluyan pagkasira ng yamang tubig ng ating lungsod paglipas ng 25 taon. 2.) Ang Sanguniang Panglungsod ay nagsasagawa ng programa at proyekto upang mas mapaigting pa ang pagpapatupad sanasabing batas. Ang City ENRO ay nagsasagawa ng iba’t ibang regulasyon sa iba’t ibang kompanya at negosyo na nasa loob ng Santa Rosa, kagaya ng pagkuha ng mga business clereance sa City ENRO. Nagsasagawa rin sila ng mga caravan at seminars sa iba’t ibang barangay upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman tungkol sa Environment Code. 3.) Ang pangunahing problema na kinakaharap sa pagpapatupad ng batas na ito ay ang kawalan ng pondo mula sa pamahalaang panglungsod, kawalan ng atensyon, kaalaman at disiplina ng mga mamamayan ng Santa Rosa. Konklusyon: 1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code ay hindi lamang makakatulong upang magkaroon ng sustainable development ng Santa Rosa, kundi nakakatulong rin ito upang mas mapaganda at mas maisaayos ang buong lungsod ng Santa Rosa. Ang pagpapatupad din nito ay magdudulot ng magandang epekto sa iba’t ibang aspeto sa ekonomiya ng Santa Rosa upang mabalanse ang anumang kaularan dahil kung mapapabayaan ang isang aspeto, magiging kulang ang kaularan na maaring magresulta sa hindi magandang epekto sa hinaharap. 2.) Ang mga Roseñians ay sumasang-ayon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ay mas magiging mahusay ang pagpapatupad ng batas na ito. Sa ganitong paraan mas mapapalawak pa ang kaalaman at kamalayan sa bawat mamamayan ng Santa Rosa. 3.) Karamihan sa mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito ay nagmumula rin mismo sa organisasyon at ahensyang responsible dito kagaya ng hindi pagbibigay ng atensyon sa pagpapatupad ng batas na ito, kawalan ng sapat na pondo at kakulangan sa pagbabahagi ng kaalaman sa mamamayan.
  • 18.
    18 Rekomendasyon: 1.)Dapat mas lalong ipabatid ng ating pamahalaan sa mga mamamayan ang magandang maidudulot ng papapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa at dapat paghigpitan at bigyan ng kaukulang parusa naman ang mga residenteng lalabag sa mga bawat at mang-aabuso sa ating kapaligiran sa ganoong paraan ay maraming mga residente sa Santa Rosa ang makikilahok sa pagsunod at pagtupad nito. 2.) Ang pamahalaang panglungsod ay dapat pagpag-igtingin ang mga programa na may kinalaman sa pagpapalawak ng kaalaman at pangangalaga ng ating kapaligiran upang mas maunawan at makita ng mga mamamayan ang kahalagahan sa pagpapatupad ng batas na ito at malaking maitutulong ng ating kapaligiran kung mapapangalagaan ito. 3.) Ang mga kawani ng ating Sangguniang Panglungsod ay dapat magsilbing isang magandang halimbawa sa pagsunod at pagtupad sa Environment Code, sa pamamagitan nito makikita na ang bawat mamamayan ng Santa Rosa na ang bawat isa ay dapat maging disiplinado at edukado upang magpaunlad pa ang iba’t ibang aspeto ng ating ekonomiya. Sila na pinuno ng ating lungsod at dapat nauunuwaan ang batas na ito at kung bakit mayroon nito. Ang ating pamahalaan ay dapat din magbigay pansin ang pagsulong nito at magkaroon ng sapat na pinagkukunang pondo upang mas mapagtibay pa ang paggawa ng mga hakbang sa pag-iimplementa nito. .
  • 19.
    19 Bibliograpiya Cityof Santa Rosa Environment Code (City ordinance No. 1720 – Series of 2011) www.santarosalaguna.wordpress.com Land Developers Guide Book for Santa Rosa Watershed ( Reference Storm Water Management 2011) http://en.wikipedia.org/wiki/Santa_rosa_Laguna Roar Magazine: Vol. 1 No. 1 Roar Magazine: Vol. 2 No. 2 www.santarosagov.ph Solid Wate Management Made East: A Do-It Yourself Guide to a Community-Based Ecological Solid Waste Management Program http://torokastiguhin.blogspot.com/2012/02/mayor-arcillas-ayaw-ng-plastik.html
  • 20.
    20 Apendiks “Pag-aaralng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ng Santa Rosa.” (Questionnaire)  Ano ang tinatawag na Sustainable Development o napapanatiling pag-unlad?  Ano ang Environment Code? Ano ang magiging papel nito upang maisagawa ang sinasabing sustainable development sa Santa Rosa?  Paano naipapatupad ang batas na ito? Saan nang gagaling ang pondong ginagamit para dito?  Anu-ano ang mga programang nakapaloob dito?  Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad ng Environment Code?  Ano ang magiging epekto ng Environment Code sa pag-unlad ng ekonomiya ng Santa Rosa? Ano ang maitutulong nito sa mga mamamayan ng Santa Rosa?
  • 21.
    21 Serbey tungkolsa “Pag-aaral ng implementasyon at kahalagahan ng Environment Code ng Sta. Rosa” Ang Serbey na ito ay isinasagawa ng mga estudyante ng Blessed Christian School na nasa Ika-apat na taon. Anumang partisipasyon at kooperasyon ang inyong ibibigay ay buong puso nilang tatanggapin at tatanawing utang na loob. Ang anumang sagot sa instrumentong ito ay mananatiling pribado at gagamitin lamang sa pag aaral na ito. Pangalan: _____________________________ Barangay: _______________________________ Trabaho: _____________________________ Edad: ______ 1. Alam n’yo ba ang Environment Code ng Sta. Rosa. Kung Oo, paano ninyo ito nalaman? ___ Oo ____Hindi ____________________________________________________________________________ 2. Alin sa mga sumusunod ang mga nakikita niyong ginagawa ng inyong barangay o lungsod sa pagpapatupad ng nabanggit na batas. (Lagyan ng tsek.) o “Ayoko sa plastic Campaign” o Basuranihan o Smoke-Free Santa Rosa o Tree Planting Campaign o Charcoal Briquetting Livelihood Program o Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project” o Green House Gas (GHG) Inventory seminar workshop o Clean-up and maintenance of river, creeks, canals and other water bodies o Philippine Sanitation Alliance Project o Integrated Water Resources Management Project o Well Head Management Project o Solid Waste Management o Regular street sweeping along major thoroughfares, City and Barangay roads. o Bantay LAWA Project 3. Alin sa mga proyekto/programa na may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan ang tingin mo ay may nag bibigayang pansin at epektibo rito ang Lungsod ng Sta Rosa ? ____________________________________________________________________________________ Aling proyekto naman ang dapat pagtutuunan ng pansin? ____________________________________________________________________________________ 4. Naniniwala ka ba na mahalaga ang papel ng Environment Code sa pagtataguyod ng Lungsod ng napapanatiling kaunlaran? Bakit? ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________  Comments and Suggestions: ____________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________
  • 22.
    22 PAG-AARAL SAIMPLEMENTASYON AT KAHALAGAHAN NG ENVIRONMENT CODE NG SANTA ROSA NAME: ______________________________ Barangay: _________________________ 5- STRONGLY AGREE 4- AGREE 3- MODERATELY AGREE 2- DISAGREE 1- STRONGLY DISAGREE I. Ano ang papel ng Environtment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 1. Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 5 4 3 2 1 2. Pagpapalawak ng kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at kapaligiran 5 4 3 2 1 3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan 5 4 3 2 1 4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng Lungsod 5 4 3 2 1 5. Nakakapanghikayat ng mga turista 5 4 3 2 1 6. Pagpapaunlad ng establisyemento na may kinalama sa kalikasan at kapaligiran 5 4 3 2 1 7. Pagkaroon ng oportunidad para sa mga namumuhunan 5 4 3 2 1 8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo 5 4 3 2 1 9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 5 4 3 2 1 10. Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 5 4 3 2 1 II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? 1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 5 4 3 2 1 2. Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 5 4 3 2 1 3. Ang ating komunidad ay mayroong Enviroment Development Plan 5 4 3 2 1 4. Pamamahagi sa mga paaralan at mamamayan ng kaalaman ukol dito 5 4 3 2 1 5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang pangkapaligiran at kalikasan 5 4 3 2 1 6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman dito 5 4 3 2 1 7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 8. Pagkaakroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para sa 5 4 3 2 1 mga negosyo, mga kompanya at pabrika. III. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? 1. Kawalan ng sapat na pondo 5 4 3 2 1 2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng mga mamamayan 5 4 3 2 1 3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba pang 5 4 3 2 1 mamamayan 5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga nagpaptupad nito, 5 4 3 2 1 Sila mismo ay hindi sumusunod ditto 6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 5 4 3 2 1